DepEd Tayo Encarnacion ES - Batangas Province

DepEd Tayo Encarnacion ES - Batangas Province Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Encarnacion ES - Batangas Province, School, Encarnacion, Calatagan, Batangas.

Ngayong National Teachers’ Month, ating bigyang-pugay at pasalamatan ang mga g**ong araw-araw na nagtuturo, gumagabay, u...
16/09/2026

Ngayong National Teachers’ Month, ating bigyang-pugay at pasalamatan ang mga g**ong araw-araw na nagtuturo, gumagabay, umaalalay, at nagbibigay-inspirasyon sa bawat mag-aaral.

Sa bawat aral na ibinabahagi, pasensya na ipinapakita, at pusong inilalaan sa pagtuturo, may mga pangarap na unti-unting nabubuo at natutupad.

Mabuhay ang mga G**o! Saludo kami sa inyo! ❤️

15/09/2026
Masayang pakikilahok ng mga mag-aaral mula sa Encarnacion Elementary School sa ginanap na KID/ KAB HOLIDAY noong Septemb...
15/09/2026

Masayang pakikilahok ng mga mag-aaral mula sa Encarnacion Elementary School sa ginanap na KID/ KAB HOLIDAY noong September 9, 2026! 💙✨

Ang aktibidad ay naging pagkakataon para sa mga bata na makilahok, makipagkaibigan, matuto, at higit sa lahat ay magkaroon ng masaya at makabuluhang karanasan kasama ang kapwa kabataan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng bumuo at naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito. Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng masaya, ligtas, at makabuluhang karanasan para sa ating mga mag-aaral. 💙

Ang buong Encarnacion Elementary School ay taos-pusong bumabati at nagpapahayag ng aming pagpupugay sa mga kinatawan ng ...
09/09/2026

Ang buong Encarnacion Elementary School ay taos-pusong bumabati at nagpapahayag ng aming pagpupugay sa mga kinatawan ng paaralan na lumahok sa 2026 Calatagan Sub-Office Research Caravan! 👏📚🔬

Isang espesyal na pagbati kay Maam Krisna M. Linay, Master Teacher I, sa pagkamit ng 9th Place sa Research Bulletin Category! 🏆🎉 Ang iyong tagumpay ay tunay na nagbibigay-inspirasyon at karangalan sa ating paaralan.

Binabati rin namin ang ating mga participants:
Sir Wilfredo G. Rapas
Maam Judy Anne N. Deleganzo
Maam Alaisa D. Salanguit

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, pagsisikap, at patuloy na pagsusulong ng kultura ng pananaliksik at inobasyon sa Encarnacion Elementary School.

Calatagan Sub-Office Schools Press Conference 2026Congratulations EES Journalist! Isang espesyal na pagbati sa ating mga...
02/09/2026

Calatagan Sub-Office Schools Press Conference 2026

Congratulations EES Journalist!
Isang espesyal na pagbati sa ating mga mag-aaral na nagkamit ng pwesto.

2nd Place Feature Writing Filipino
Dianne B. Sotelo
Coach: Krisna M. Linay

3rd Place Copy Editing and Proof Reading Writing Filipino
Mhilcen Joy P. Hernandez
Coach: Judy Anne N. Deleganzo

Participants
Science and Technology Writing Filipino
Leo Miguel L. Afable
Coach: Alaisa D. Salanguit

Photojournalism Filipino
Rheycee P. Bondoc
Coach: Krisna M. Linay

Editorial Cartooning English
Abijah Worshipper C. Afalla
Coach: Rosalina D. Rosales

News Writing Filipino
Raysha Lynn A. Dimaala
Coach: Rosalina D. Rosales

Sports Writing Filipino
Khaidhie C. Buenaventura
Coach: Natalia A. Torres

Column Writing Filipino
Reilyn M. Caunar
Coach: Marissa C. Acierto

Editorial Writing Filipino
Aprilyn D. Fajardo
Coach: Donnabelle T. Castillo

Ipinagmamalaki namin kayo! Patuloy ninyong hasain at ipamalas ang inyong talento sa larangan ng pamamahayag. Mabuhay ang EES Journalists!

Lubos din po ang aming pasasalamat sa aming Barangay Captain Victor B. Haguisan sa kanyang kabutihang-loob at suporta, lalo na sa paglalaan ng sasakyan para sa ligtas na pagbiyahe ng ating mga mag-aaral patungo at mula sa lugar ng paligsahan. Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa mga programa at gawain ng ating paaralan! ❤️

SCHOOL INTRAMURALS 2026 Isang makulay at masayang pagdiriwang ng sportsmanship, teamwork, disiplina at talento ang nagin...
02/09/2026

SCHOOL INTRAMURALS 2026

Isang makulay at masayang pagdiriwang ng sportsmanship, teamwork, disiplina at talento ang naging bahagi ng ating School Intramurals. Sa bawat laro at paligsahan, ipinakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang husay, disiplina, pagkakaisa, at pagmamahal sa isports. Tunay ngang ang Intramurals ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo kundi tungkol din sa pagbuo ng magandang samahan.

Naging tampok din sa pagdiriwang ang Mr. and Ms. Intramurals 2026, kung saan buong pagmamalaking ipinakita ng mga kalahok ang kanilang talino, tiwala sa sarili, at kagandahang-asal.

Binabati namin ang lahat ng mag-aaral, manlalaro, at mga taong naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito.

Taos-puso pong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng bumubuo ng MPTAF Donation Drive sa inyong bukas-palad na pa...
04/08/2026

Taos-puso pong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng bumubuo ng MPTAF Donation Drive sa inyong bukas-palad na pagbibigay ng mga hard hat para sa aming paaralan, Encarnacion Elementary School.

Ang inyong suporta at malasakit ay malaking tulong upang higit pang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng aming mga mag-aaral at mga g**o. Tunay na ang inyong adbokasiyang "Securing a safer school, one hard hat at a time" ay nagbibigay ng inspirasyon sa aming komunidad.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan at nawa'y patuloy pa ninyong mapagpala ang mas marami pang paaralan at kabataan. 💙

Taos-pusong nagpapasalamat ang Encarnacion Elementary School sa LLL Lingkod Legarda Leviste sa donasyong school supplies...
12/07/2026

Taos-pusong nagpapasalamat ang Encarnacion Elementary School sa LLL Lingkod Legarda Leviste sa donasyong school supplies para sa ating mga mag-aaral. Ang inyong kabutihan ay magsisilbing inspirasyon sa kanila na mag-aral nang mabuti. Mabuhay po kayo!

Isang taos-pusong pasasalamat mula sa Encarnacion Elementary School sa SK ng Barangay Encarnacion, sa pangunguna ni SK C...
12/07/2026

Isang taos-pusong pasasalamat mula sa Encarnacion Elementary School sa SK ng Barangay Encarnacion, sa pangunguna ni SK Chairman Jeric Bautista. Maraming salamat po sa inyong donasyon na mga bond paper and trash bins. Ang mga kagamitang ito ay malaking tulong upang mas mapaganda, mapanatiling malinis, at maging maayos ang ating mga silid-aralan para sa pag-aaral ng mga bata. Pagpalain po kayo sa inyong patuloy na serbisyo! Muli, maraming salamat po.

Taos-pusong pasasalamat ang aming pinaaabot kina Nurse KC at Nurse Jaja sa kanilang pagbisita at pagsasagawa ng dewormin...
02/07/2026

Taos-pusong pasasalamat ang aming pinaaabot kina Nurse KC at Nurse Jaja sa kanilang pagbisita at pagsasagawa ng deworming para sa mga mag-aaral ng Encarnacion ES noong Hunyo 30, 2026.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at patuloy na pagsuporta sa kalusugan at kapakanan ng ating mga bata. Nawa'y patuloy kayong pagpalain sa inyong marangal na paglilingkod.

💙 Maraming salamat po!

Address

Encarnacion, Calatagan
Batangas
4215

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Encarnacion ES - Batangas Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category