13/03/2026
Pagbati sa Team Batangas Province! π
Isang taos-pusong pagbati sa Batangas Basketball Girls Team sa inyong kahanga-hangang pagkamit ng 3rd Place sa ginanap na RAAM 2026.
Ang inyong sipag, determinasyon, at puso sa paglalaro ay tunay na naging inspirasyon sa buong lalawigan ng Batangas.
Pagpupugay rin sa inyong mga coaches at trainers na naging gabay at lakas ng koponan sa buong kompetisyon.
Mabuhay kayo, Team Batangas! Laloβt higit sa mga atletang nagmula sa Natipuan Elementary School, TONI REYES at ALEX REYES, at sa paggabay since day 1 Mam Belle Locion.
Patuloy ninyong dalhin ang dangal ng ating lalawigan. πππ₯
10/03/2026
Congratulations to our Highest Pointers in the game last March 8 against Team Imus in RAAM 2026! π
Your skill, dedication, and fighting spirit brought pride to the whole team. Keep shining and keep pushing forward! β€οΈβπ₯
Batangas-54
Imus- 27
06/03/2026
Isang taos-pusong pagpupugay sa ating mga batang atleta na matagumpay na nakaabot sa Regional Athletic Association Meet (RAAM) at ngayon ay buong dangal na nirerepresenta ang lalawigan ng Batangas, sa larangan ng Basketball (5v5 Girls) na gaganapin sa darating na March 7-14, 2026.
Ang inyong pagsisikap, determinasyon, at dedikasyon sa pagsasanay ay tunay na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon sa kapwa ninyo kabataan.
Hindi rin matatawaran ang mahalagang papel ng ating mga coaches na walang sawang gumagabay, nagtuturo, at humuhubog sa kakayahan at karakter ng ating mga atleta. Ang inyong sakripisyo at tiyaga ang naging daan upang maabot nila ang ganitong tagumpay.
Dalhin ninyo sa bawat laban ang tapang, disiplina, at puso ng isang tunay na BatangueΓ±o. Ang buong suporta at panalangin ng inyong paaralan at komunidad ay nasa inyo.
Mabuhay ang ating mga atleta at coaches! Ipagmalaki natin ang Batangas! Laban Batangas!
πβΉπ»ββοΈβοΈ
GOODLUCK & GOD BLESS! β¨
Nagmula sa Natipuan ES:
βΉπ»ββοΈAnthonette P. Reyes
βΉπ»ββοΈ Alexa Denice M. Reyes
Coach/Chaperon
π©π»βπ« Mrs. Maribel M. Locion
06/03/2026
This National Womenβs Month 2026, we will be like the Babaylansβstrong, fearless, and rooted in wisdom and community.
Happy Womenβs Month!
14/02/2026
Valentine's day duty! π€π₯³
waiting for you here po..
Tara na po, enroll na kayo then date later! ππ€
Spread love π©·π©·π©·π
06/02/2026
πππ‘π‘πͺ πππ£π₯ππππͺ ππ'ππ Dothy Barcelon ! πβ¨ Wishing you a day full of smiles, love, and everything that makes you happiest.π₯³π₯³
ππ£π π: ππ π¦π£ βπΌπ π½ππ π©·
04/02/2026
Happy Birthday Maβam Vina and Congratulations! π₯°π₯°π₯°
Warmest greetings on the occasion of your birthday! We would also like to extend our sincere congratulations on your well-deserved promotion. Your leadership, dedication, and commitment to excellence continue to inspire the entire school community.
Wishing you good health, continued success, and many more achievements in the years ahead.
God Bless you always. β€οΈβ€οΈβ€οΈ
09/01/2026
Heartiest congratulations to our talented students on their outstanding achievement during the Festival of Talents 2026 (Sub Office Level)
Your Natipuan ES family are all proud of you! You did it well our dearest students!
Congratulations pupils and coaches! Keep it Up! π₯³ππ₯°π
29/11/2025
Ipinagmamalaki ng Natipuan Elementary School ang mga batang atletang sina Jhohan Rei Sarte na napabilang sa Team Nasugbu ng Basketball (5 on 5 Boys Category) at Loveleen Junade Matalog (Throwing) na nagpakita ng kahanga-hangang husay at determinasyon sa ginanap na Division Meet.
Hindi lamang talento ang inyong ipinamalas, kundi ang matatag na puso, sipag, at dedikasyong tunay na nagbibigay-inspirasyon sa buong paaralan.
Sa inyong tagumpay at pagsusumikap, pinatunayan ninyong walang imposible sa mga batang may pangarap at tapang na abutin ito.
Mabuhay kayo, aming mga huwarang atleta, dalang-dala ninyo ang aming karangalan at suporta saan man kayo makarating!
Jhohan Rei Sarte Team Nasugbu Basketball- 4th place
Loveleen Junade Matalog- 5th place Javelin Throw and Shot put
Sa kanilang mga coaches, Sir Mario Matalog at Mam Eloisa Rosales, maraming salamat sa paggabay sa mga batang atleta.
Sa bumubuo ng Natipuan Elementary School na pinangungunahan ni Mam Elvina Limeta, Maraming Salamat po sa suporta.
IPINAGMAMALAKI NAMIN KAYO!
28/11/2025
Buong pusong ipinagmamalaki ng Natipuan ES ang mga batang nagpakita ng angking galing at talento sa larangan ng Basketball (5 on 5 Girls category) na sina ANTHONETTE REYES, ALEXA DENICE REYES AT PRECIOUS EAZEL ERANES.
Isang napakalaking karangalan na mapabilang sila sa TEAM NASUGBU upang maipakita ang husay, tapang, at determinasyon sa Division Meet at ngayon ay magtutungo na sila sa Regional level!
Hindi lamang sila mga atleta, sila ay mga simbolo ng tiyaga, disiplina, at pagmamahal sa laro. Sa bawat pagpawis, bawat pagtakbo, at bawat puntos na kanilang naipanalo, dala nila ang pangalan at dangal ng Natipuan Elementary School.
Sa kabila ng mga pagsubok at hirap ng ensayo, pinatunayan nilang kayang abutin ang mas mataas na antas bastaβt may puso at pagkakaisa. Tunay kayong inspirasyon sa inyong mga kaklase, g**o, at buong komunidad.
Ngayon, habang silaβy papasok sa Regional Meet, dala nila hindi lamang ang pangalan ng Natipuan ES kundi ang pag-asa ng bawat batang nangangarap ring marating ang entablado ng tagumpay. Sila ang patunay na walang imposible sa pusong buong tapang at determinasyon.
Sa aming mga atleta, salamat sa pagpapakita na ang tunay na lakas ay hindi lamang nasusukat sa score, kundi sa puso at pagkakaisa. Patuloy kayong maging inspirasyon, patunay na kahit maliit na paaralan, kayang makipagsabayan kapag malaki ang pangarap.
Maraming salamat rin po sa mga COACHES, Sir Mario Matalog at Mam Maribel Locion, na walang humpay ang paggabay at pag alalay sa mga batang manlalaro.
Sa bumubuo ng Natipuan ES na pinangungunahan ni Mam Elvina Limeta, maraming salamat rin sa inyong suporta at tiwala sa kakayahan ng mga batang atleta.
Patuloy ninyong ipakita ang galing at pagiging huwarang manlalaro, dahil kayo ang totoong pride ng Natipuan ES! πππ
IPINAGMAMALAKI NAMIN KAYO! β€οΈπ