TINHS-Departamento ng Filipino

TINHS-Departamento ng Filipino

Share

Filipino Department Page

Photos from TINHS-Departamento ng Filipino's post 13/02/2026

Ngiti dito, tawa doon, at kilig sa bawat kuha! 📸📸🌹❤️🥰🥰Dahil sa pakikiisa ng mga mag-aaral at pagtutulungan ng Filipino Club officers sa pangunguna ni Nathalie De Villa, club adviser ma' am Lydel Olan , mga Head ng Filipino ma'am Sherwin Willa Vilano at ma'am Edzel Leopango , naging buhay at makulay ang Valentine’s Day Photo Booth sa Tipas Integrated Nhs!
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagpasaya sa selebrasyon! ✨💘

Photos from TINHS-Departamento ng Filipino's post 02/09/2025

Isang makabuluhan at matagumpay na pagtatapos ng Buwan ng Wika ang isinagawa sa Tipas Integrated National High School ngayong Agosto. Sa pamamagitan ng iba’t ibang patimpalak, naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang husay, talino, at pagmamahal sa ating sariling wika at kultura.
🏆 Mga Patimpalak:
📖 Baitang 7 – Masining na Pagbasa
🖌️ Baitang 8 – Poslogan
✍️ Baitang 9 – Tula
💻 Baitang 10 – Paglikha ng Blog
🧠 SHS – Quiz Bee
Ang pagdiriwang ay matagumpay na naidaos sa pangunguna ng ating masigasig na Punong-g**o Bb. Lawrence B. Aytona, kasama si Bb. Edzel M. Leopango (Tagapag-ugnay sa Filipino), at Gng. Lydel R. Olan (Gurong-Tagapayo ng Filipino Club), gayundin ang buong Filipino Department na nagsilbing katuwang at gabay sa bawat gawain.

Ang Buwan ng Wika ay hindi lamang pagdiriwang ng ating pambansang wika, kundi isang patunay na ang Filipino at Katutubong Wika ay patuloy na yumayabong at nagsisilbing tulay sa pagkakaisa ng sambayanan. Tunay ngang nakapag-iiwan ito ng inspirasyon upang mahalin, pangalagaan, at ipagmalaki ang ating sariling wika. ❤️
Mabuhay ang Wikang Filipino! 🎉

23/08/2025

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗔𝗧𝗘𝗦 𝟰𝟮𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗔𝗥𝗧𝗬𝗥𝗗𝗢𝗠 𝗢𝗙 𝗦𝗘𝗡𝗔𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗜𝗡𝗢𝗬 𝗔𝗤𝗨𝗜𝗡𝗢

The National Historical Commission of the Philippines (NHCP), with the support of the Manila International Airport Authority (MIAA), led the commemoration of the 42nd Anniversary of the Martyrdom of Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. this morning, 21 August 2025, at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 in Parañaque City.

Wreaths were offered by Senator Paolo Benigno “Bam” A. Aquino IV (Bam Aquino), NHCP Chair Regalado Trota Jose, Jr., Human Rights Violations Victims' Memorial Commission (HRVVMC) Executive Director Carmelo Victor A. Crisanto, MIAA Public Relations Chief Feliciana J. Santos with New NAIA Infrastructure Corporation Assistant Terminal Manager Apolonio Mendoza, Bantayog ng mga Bayani Foundation, Inc. Executive Director Ma. Cristina V. Rodriguez, ATOM - August Twenty-One Movement President Volt Bohol, Dr. Michael Charleston "Xiao" Chua for NAMSERV, Ms. Rebecca Quijano for the Joaquin "Chino" P. Roces Foundation, and Mrs. Cecille Guidote-Alvarez of the Earthsaver DREAMS Ensemble.

This program is part of a series of activities organized for the commemoration of Ninoy Aquino Day by various organizations.

Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. was a leading opposition figure during the Martial Law period. After an almost decade long period of incarceration, he went into exile in the United States to undergo urgent surgery and later rehabilitation. During his exile, he continued to champion for the rescission of Martial Law and the return of democratic rule in his homeland. On 21 August 1983, he returned from exile and was arrested by state forces upon arrival at the then-Manila International Airport.

While he was being moved into custody, he was assassinated at the tarmac of the airport which would later be renamed in his memory. His death is widely recognized as a watershed moment in the history of Martial Law in the Philippines and is often cited as one of the early manifestations of People Power after millions of Filipinos from all walks of life participated in his funeral procession. In 2004, Republic Act No. 9256 proclaimed 21 August of every year as Ninoy Aquino Day which is a special nationwide non-working holiday.

The NHCP is the national government agency mandated to promote Philippine history through its museums, research, and publications, and to preserve historical heritage through conservation and the marking of historic sites and structures.





23/08/2025
Photos from TINHS-Departamento ng Filipino's post 19/08/2025

Isang makabuluhang paggunita sa kaarawan ni Manuel Luis Molina Quezon ang isinagawa sa Tipas Integrated National High School bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang ‘Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa’. Katuwang ang mga opisyal ng Filipino Club at mga g**o sa pangunguna nina Bb. Edzel M. Leopango at Gng. Sherwin Willa M. Vilano, muling naipadama ang kahalagahan ng ating wika at kasaysayan. Sa pamamagitan ng paglalahad ng talambuhay ni Quezon na isinaysay ni Bb. Claren A. Morcilla, naiparating sa mga mag-aaral ang diwa ng kanyang pamana bilang 'Ama ng Wikang Pambansa' at huwaran ng tunay na pagmamahal sa bayan.

05/08/2025

KWF SERYE NG WEBINAR SA BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Para sa UNANG SERYE NG WEBINAR, ang tagapanayam sa paksang “Wikang Pangkasarian” ay ibabahagi ni Dr. Rowena P. Festin, Assistant Professor sa University of the Philippines-Pampanga. Ito ay gaganapin sa 5 Agosto 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.

Ang panayam sa IKALAWANG SERYE NG WEBINAR ay ipagkakaloob ni Bb. Carolyn B. Dagani, FSL Specialist, Deaf Relay Interpreter, at Disability Leader, Bise Presidente, ng Philippine Deaf Cultural Arts, at Board Member, World Federation of the Deaf Regional Secretariat for Asia. Tatalakayin niya ang paksang “Gampanin ng Filipino Sign Language (FSL) sa Pagbabago ng Klima” na gaganapin sa 12 Agosto 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.

Sa IKATLONG SERYE NG WEBINAR ay bibigyang talakay ni Dr. Carl E. Balita, Presidente at CEO ng Dr. Carl E. Balita Review Cente at Propesor ng Graduate School sa Philippine Women’s University, ang paksang “Pagtataguyod ng Literasi sa Wikang Filipino: Hakbang Tungo sa Maunlad na Buhay.” Ito ay gaganapin sa 19 Agosto 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.

Para sa IKAAPAT NA WEBINAR sa huling Martes ng Agosto, tatalakayin ang paksang “Filipino at Wikang Katutubo: Wika ng Malayang Pamamahayag” sa pamamagitan ng ating ekspertong tagapanayam na si Dr. Aurelio S. Agcaoili, Chair ng Department of Indo-Pacific Languages and Literatures sa University of Hawaii. Ito ay gaganapin sa 26 Agosto 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom. Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangap ng e- sertipíko mulâ sa KWF.

Komisyon sa Wikang Filipino

04/08/2025

Ang Tipas Integrated National High School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025, na may temang "PAGLINANG SA FILIPINO AT KATUTUBONG WIKA:MAKASAYSAYAN SA PAGKAKAISA". Alinsunod ito sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041,s.1997 at sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino(KWF), sama-sama nating ipagdiwang ang ating wika bilang isang instrumento ng pagkakaisa at pagbabago.




Photos from Padayon Wikang Filipino's post 03/08/2025
02/08/2025

Nakikiisa ang Sangay ng Batangas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, na may temang: “PAGLINANG SA FILIPINO AT KATUTUBONG WIKA: MAKASAYSAYAN SA PAGKAKAISA NG BANSA".
Alinsunod ito sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 at sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Kaugnay nito, nakikibahagi ang mga tanggapan at paaralan sa Sangay ng Batangas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, sa pamamagitan ng paggamit at pagpapahalaga sa Wikang Filipino.
Sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika 2025.



Photos from TINHS-Departamento ng Filipino's post 21/08/2024

Pag-aalay ng bulaklak kay Manuel Luis Molina Quezon






Photos from TINHS-Departamento ng Filipino's post 21/08/2024

Paggamit ng Indigeneous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research.





Want your school to be the top-listed School/college in Batangas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Tipas, San Juan
Batangas
4226SAN