πΊπππππππ. πͺπππππ
ππππ. πΊππππππππππππ. β¨
The anticipation begins.
Isang celebration ng ππππππππ, ππππππ
ππππ, at πππππππππππππβwhere every woman brings her own presence, passion, and power.
Are you ready, Bulihan ES? π
π»ππ πͺπππππππππ. πΆππ πΌππππππππππππ π΄πππππ.
π MRS. INTRAMURALS 2026
π
August 8, 2026 π
β¨ Coming soon. β¨
Stay tuned.
PTA - Bulihan Elementary School
PTA | SGC | Bulihan Elementary School | Nasugbu, Batangas
Updates β’ Activities β’ Announcements
Para sa magulang, g**o at mag aaral
09/07/2026
π’ πππππ ππππππππππ ππππππππ
Alinsunod sa Executive Order No. 23, Series of 2026, na inaprubahan ni Hon. Mayor Antonio Jose A. Barcelon, at batay sa rekomendasyon ng Nasugbu Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribadong paaralan, sa Biyernes, Hulyo 10, 2026, sa Bayan ng Nasugbu, Batangas.
Ang suspensyon ng klase ay ipinatupad bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral dulot ng Bagyong "INDAY" at ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat) na inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sundin ang mga opisyal na abiso ng mga kinauukulang ahensya, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras.
Mag-ingat po ang lahat.
06/07/2026
πΆππππππ‘π’πππ‘ππππ π π ππ‘πππ πππ ππππππ βππππ ππ ππππ π¦ππ ππ ππππ΄ π΅π’ππβππ! π
Maraming salamat sa inyong pagtanggap sa responsibilidad na maglingkod. Sama-sama nating suportahan ang mga programa at gawain para sa ikabubuti ng ating paaralan at mga mag-aaral.
Para sa bata, para sa paaralan, sama-sama tayo! π
30/06/2026
ππ π
πππ-ππ-π
πππ πππππππ ππππ ππ, ππππ (πππππππππ)
Sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, inaprubahan ni Hon. Antonio Jose A. Barcelon and deklarasyon ng πͺππππ‘π π£ππ¦π’π at Shift sa Modular Distance Learning sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan, July 01, 2026. Dahil ito sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA) ayon sa datos ng DOST- PAGASA forecast.
11/06/2026
Congratulations sa ating mga bagong halal na SPTA Officers para sa School Year 2026β2027! π
Narito ang mga opisyal na magsisilbing katuwang ng Bulihan Elementary School sa pagsusulong ng mga programang para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral:
π President β Mr. Claudio C. Angga
π Vice President β Mrs. Maureen Mae B. Maullon
π Secretary β Mrs. Mary Ann B. Lundag
π Treasurer β Mrs. Liezel M. Basco
π Auditor β Mrs. Marecar O. Santos
π P.I.O. β Mrs. Rhealyn G. Garcia / Mrs. Shiela May P. Bengcang
π P.O. β Mrs. Rhea B. Bobis / Mrs. Iluminada R. Gaa
π Muse β Mrs. Michelle A. Faytaren
π Board Members:
β’ Mrs. Roming R. Roma
β’ Mrs. Janice B. Peria
β’ Mrs. Jessa D. Ruedas
β’ Mrs. Ma**ca V. Gabronino
β’ Mrs. Argie B. Limua
β’ Mrs. Nadja R. Mangco
β’ Mrs. Grace C. Dela Vega
β’ Mrs. Monaliza G. Dela Vega
Maraming salamat po sa lahat ng mga magulang na nakiisa sa ating PTA Election. Nawaβy maging matagumpay ang ating pagtutulungan para sa ikauunlad ng Bulihan Elementary School at ng ating mga mag-aaral.
Sama-sama para sa mas magandang kinabukasan ng ating mga anak! π
08/06/2026
UNANG ARAW NG PASUKAN β¨π
Maligayang pagbabalik sa paaralan, mga mahal naming mag-aaral! β€οΈ
Ngayong unang araw ng pasukan, matagumpay nating isinagawa ang ating Flag Ceremony bilang pagsisimula ng panibagong school year na puno ng pag-asa, pagkatuto, at bagong pagkakataon.
Kasama rin sa nasabing programa ang ating mga PTA Officers at SGC Officers bilang pagpapakita ng suporta, pagkakaisa, at pakikiisa para sa kapakanan at tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Nagbigay rin ng mainit na welcome message ang ating School Head upang hikayatin ang ating learners, magulang, at buong school community para sa isang matagumpay at masayang taon ng pag-aaral.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa mga magulang, g**o, PTA Officers, SGC Officers, at stakeholders na patuloy na sumusuporta sa ating paaralan. Sama-sama nating itaguyod ang mas magandang edukasyon para sa ating mga anak.
Mula sa PTA, maligayang pagbabalik at mabuhay ang bayanihan para sa edukasyon! π
05/06/2026
π©πππππ
π π¬ππππππ ππππ-ππππ
Matagumpay na naisagawa ang Brigada Eskwela 2026 noong Hunyo 1β5 dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga magulang, mag-aaral, g**o, PTA|SGC officers, Barangay Officials ng Bulihan, CAA sa ilalim ng Philippine Army, PCG Volunteers ng Southern Tagalog β Batangas City mula sa Philippine Coast Guard, sa mga nagbigay ng donasyon at in-kind support. Ang inyong oras, lakas, kagamitan, at walang sawang pagtulong ay naging malaking bahagi upang maihanda natin ang paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.
Sa bawat pagwawalis, paglilinis, pagpipintura, pag-aayos ng pasilidad, pagbibigay ng pagkain, materyales, at iba pang tulong, ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng bayanihan.
Maraming salamat sa inyong walang humpay na suporta at malasakit sa ating paaralan at sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Sama-sama nating pinatunayan na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas marami tayong nagagawa para sa ating mga anak.
Isang taos-pusong pasasalamat mula sa PTA | SGC at sa buong paaralan. Mabuhay po kayong lahat!
02/06/2026
Taos-pusong pasasalamat kay Mrs. Rhea Sevilla Villaluna Placio sa kanyang napakagandang donasyon ng mga gamit para sa ating mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6.
Sa pamamagitan ng kanyang kabutihang-loob, maraming bata ang magkakaroon ng dagdag na kagamitan na magagamit sa kanilang pag-aaral ngayong pasukan. Tunay na malaking tulong ito sa ating mga magulang at mag-aaral.
Lubos naming pinahahalagahan ang inyong kabutihang-loob at ang inyong pagiging laging handang tumulong sa mga pangangailangan ng ating paaralan. Ang inyong suporta ay hindi lamang nakatutulong sa ating mga mag-aaral kundi nagbibigay rin ng inspirasyon sa buong komunidad na makiisa sa adhikain para sa mas magandang edukasyon.
Mula sa buong PTA | SGC at paaralan, maraming salamat po sa inyong malasakit at patuloy na pagsuporta. Nawaβy pagpalain pa po kayo at ang inyong pamilya nang higit pa.
22/05/2026
Bawat ambag ay mahalaga, Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa SY 2026-2027.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Batangas
4231