DepEd Hukay Elementary School - Batangas Province

DepEd Hukay Elementary School - Batangas Province Holistic Endeavor towards Success

SIGNING OF MEMORANDUM OF UNDERSTANDING (MOU) 🤝Today marks another significant milestone for Hukay Elementary School as w...
16/07/2026

SIGNING OF MEMORANDUM OF UNDERSTANDING (MOU) 🤝

Today marks another significant milestone for Hukay Elementary School as we officially entered into a Memorandum of Understanding (MOU) with Self-Help Approach and Rights-based Environment (SHARE) Inc. and the Samahan ng mga Kababaihan sa Barangay Hukay (SKBH-CLA) for the implementation of the SHARE Food Nutrition Integrated Feeding Program.

This partnership aims to improve the nutritional status and overall well-being of our learners through a sustainable feeding program, reflecting our shared commitment to providing every child with the opportunity to learn, grow, and thrive.

The Memorandum of Understanding was formally signed by Sir Cristopher Olave – Project Officer, SHARE Inc., Ma'am Rona Anzaldo Tumbaga- School Head, Ma'am Morena P. Olea – School Feeding Coordinator and Ma'am Rhodora Macalalad – Guidance Designate.

Hukay Elementary School extends its heartfelt gratitude to SHARE Inc., the Samahan ng mga Kababaihan sa Barangay Hukay (SKBH-CLA), and all our partners for their unwavering support and commitment to the welfare of our learners.

Together, we believe that well-nourished children are better prepared to learn, succeed, and build a brighter future. May this partnership continue to inspire hope, compassion, and positive change in our school community.

Together, we nourish lives. Together, we build brighter futures. ❤️

Buong puso pong nagpapasalamat ang Hukay Elementary School kay Cong.Leandro Legarda Leviste sa kanyang bukas-palad na pa...
13/07/2026

Buong puso pong nagpapasalamat ang Hukay Elementary School kay Cong.Leandro Legarda Leviste sa kanyang bukas-palad na pamamahagi ng school supplies sa lahat ng aming mga mag-aaral.

Ang inyong kabutihan at malasakit sa edukasyon ay malaking tulong upang higit na mahikayat ang aming mga mag-aaral na magsikap sa kanilang pag-aaral. Ang simpleng handog na ito ay nagdudulot ng malaking inspirasyon at pag-asa sa aming mga batang mag-aaral at sa kanilang mga pamilya.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa sektor ng edukasyon at sa pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mag-aaral na magkaroon ng mas maayos na paghahanda sa kanilang pagkatuto.

Dalangin po namin ang inyong mabuting kalusugan, kalakasan, at patuloy na tagumpay sa inyong paglilingkod sa sambayanan. 💙

Maraming salamat po, Cong. Leandro Legarda Leviste! 💙💙

Ang buong Hukay ES Family ay lubos na nagpapasalamat sa'yo Ma'am Laarni sa loob ng halos anim na taon na kasama ka namin...
12/07/2026

Ang buong Hukay ES Family ay lubos na nagpapasalamat sa'yo Ma'am Laarni sa loob ng halos anim na taon na kasama ka namin. Sa bawat aral na iyong ibinahagi, sa bawat ngiting iyong ipinadama, at sa bawat pusong iyong naantig, taos-puso kaming nagpapasalamat sa iyo. ❤️

Salamat sa iyong dedikasyon, sipag, at malasakit sa mga mag-aaral. Hindi lamang ikaw naging mahusay na g**o, kundi isa ring mabuting kaibigan, katuwang, at huwaran sa serbisyo.

Bagama't ikaw ay lilipat na sa panibagong paaralan, mananatili sa aming mga puso ang masasayang alaala, pagtutulungan, at pagkakaibigang ating nabuo.
Nawa'y patuloy kang pagpalain ng Diyos, gabayan sa iyong bagong paaralan, at bigyan ng higit pang pagkakataong makapagbigay-inspirasyon sa marami pang mag-aaral.

Minsan kang naging bahagi ng Hukay Elementary School, at habambuhay kang mananatiling bahagi ng aming pamilya.
Maraming salamat, Ma'am Laarni! 🥰
Hindi ito paalam, kundi isang "hanggang sa muli."
We love you and we will surely miss you! 🥹❤️

Mula sa iyong
HUKAY ELEMENTARY SCHOOL FAMILY ❤️

👨‍👩‍👧‍👦🤝 School Parent-Teacher Association (SPTA) Election of Officers 🗳️Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Electi...
07/07/2026

👨‍👩‍👧‍👦🤝 School Parent-Teacher Association (SPTA) Election of Officers 🗳️

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Election of Officers ng School Parent-Teacher Association (SPTA) para sa kasalukuyang taon.

Ang gawaing ito ay naglalayong makabuo ng isang samahan ng mga magulang at g**o na magsisilbing katuwang ng paaralan sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga mag-aaral. Ang SPTA ay mahalagang katuwang ng paaralan sa pagpapatibay ng ugnayan ng tahanan at paaralan para sa ikabubuti ng bawat bata.

Taos-puso naming binabati ang mga bagong halal na opisyal ng SPTA sa pangunguna ni Gng. Cecille Daluz bilang Chairperson. Nawa'y maging gabay ang inyong dedikasyon, malasakit, at diwa ng
boluntaryong paglilingkod sa pagsasakatuparan ng mga adhikain ng ating paaralan.

Lubos din kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang na nakiisa at naglaan ng oras upang maging bahagi ng mahalagang gawaing ito. Ang inyong suporta at aktibong pakikilahok ay patunay ng ating iisang layunin—ang maitaguyod ang dekalidad na edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.

Sama-sama nating palakasin ang ugnayan ng paaralan, tahanan, at komunidad para sa tagumpay ng ating mga mag-aaral. ❤️

Ngayong araw ay nakibahagi ang Hukay Elementary School sa Sabayang Pagtataas ng Watawat bilang paggunita sa ika-10 anibe...
06/07/2026

Ngayong araw ay nakibahagi ang Hukay Elementary School sa Sabayang Pagtataas ng Watawat bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award.

Ang makabuluhang gawaing ito ay naglalayong palalimin ang kamalayan ng bawat mag-aaral at kawani sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at paggalang sa tuntunin ng batas at pandaigdigang batas. Higit sa lahat, ito ay nagpapaalala sa ating lahat ng ating tungkulin bilang mga responsableng mamamayan na nagmamalasakit sa kapayapaan, soberanya, at kinabukasan ng ating bansa. Ang paggunita ay isinagawa bilang isang gawaing pang-edukasyon at hindi pampulitika na nagtataguyod ng makabayang pagpapahalaga at kamalayang sibiko.

Bilang isang paaralan, patuloy naming isinusulong ang paghubog ng mga mag-aaral na hindi lamang mahusay sa akademiko kundi may pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa kasaysayan, at pananagutan bilang mabubuting mamamayan.

Sa bawat pagtaas ng ating watawat, pinagtitibay natin ang ating pagmamahal sa Pilipinas at ang ating pangakong maging tapat, responsable, at makabayang Pilipino. 🇵🇭❤️

Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga p...
06/07/2026

Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga paaralan.

Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan: Ang disiplina ay hindi lamang pagtutuwid ng maling asal, kundi paghubog ng responsableng mamamayan.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DO 006, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_006r.pdf

School-Based Learning Action Cell (SLAC) | July 3, 2026Today, the teaching force of Hukay Elementary School successfully...
03/07/2026

School-Based Learning Action Cell (SLAC) | July 3, 2026

Today, the teaching force of Hukay Elementary School successfully conducted a School-Based Learning Action Cell (SLAC) session on the topic, "Strengthening Instruction Through Lesson Planning Based on the ILAW Framework."

The session was facilitated by our dedicated School Head, Ma'am Rona A. Tumbaga who provided valuable insights and practical strategies to enhance lesson planning and classroom instruction. Through collaborative discussions and shared experiences, teachers deepened their understanding of the ILAW Framework and explored ways to make learning more meaningful, engaging, and learner-centered.

This professional learning session reflects our commitment to continuous growth, collaboration, and instructional excellence. Learning Action Cells are designed to strengthen teachers' professional practice through school-based collaborative learning and continuous professional development.

Thank you, Ma'am Rona, for your inspiring leadership and unwavering support in empowering teachers to become more effective educators. Together, we continue to learn, grow, and innovate for the success of every learner.

"Empowered Teachers. Inspired Learners. Quality Education." ✨

Thank you so much po Marelocca Beach Hostel, Kuya Ronie Gomez at sa lahat po ng nagprepare ng pagkain para sa araw na it...
30/06/2026

Thank you so much po Marelocca Beach Hostel, Kuya Ronie Gomez at sa lahat po ng nagprepare ng pagkain para sa araw na ito. ❤️

Maraming salamat, Ma'am Nora! 💐❤️Sa paglipas ng maraming taon, naging inspirasyon ka po sa aming lahat sa pamamagitan ng...
30/06/2026

Maraming salamat, Ma'am Nora! 💐❤️

Sa paglipas ng maraming taon, naging inspirasyon ka po sa aming lahat sa pamamagitan ng iyong dedikasyon, sipag, at walang sawang pagmamahal sa propesyon ng pagtuturo. Hindi lamang po kaalaman ang iyong naibahagi, kundi pati na rin ang kabutihan, malasakit, at mga pagpapahalagang mananatili sa puso ng iyong mga mag-aaral at mga kasamahan.

Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng iyong naging ambag sa aming paaralan. Ang iyong mga alaala, payo, at magandang halimbawa ay mananatiling gabay at inspirasyon po sa amin.
Habang nagsisimula po kayo sa panibagong yugto ng iyong buhay, dalangin namin ang iyong mabuting kalusugan, walang hanggang kaligayahan, at mas marami pang pagkakataong makasama ang iyong pamilya at gawin ang mga bagay na iyong mahal.

Congratulations on your well-deserved retirement, Ma'am Nora! ❤️
Hindi man natatapos ang iyong serbisyo sa paaralan, ang iyong naging impluwensya ay mananatiling buhay sa bawat pusong iyong nahubog.

Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod. We will always be grateful for you. Happy Retirement po! ❤️

Maraming salamat din po sa Marelocca Beach Hostel sa napakagandang venue para po sa isang napakahalagang araw na ito. 🥰

Address

Brgy. Hukay, Calatagan
Batangas
4215

Opening Hours

Monday 7:30am - 5pm
Tuesday 7:30am - 5pm
Wednesday 7:30am - 5pm
Thursday 7:30am - 5pm
Friday 7:30am - 5pm

Telephone

+639751383967

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Hukay Elementary School - Batangas Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Hukay Elementary School - Batangas Province:

Shortcuts

Share