06/02/2026
🫶🏼
ALAM N'YO BA? | MAS PINATITIBAY NA ANG KINABUKASAN NG BATANG PILIPINO!
Alam n’yo ba na mas lalong pinalalakas ngayon ng DILG at ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Council ang mga programa sa bawat barangay patungkol sa ating mga kabataan?
Sa unang taon ng ECCDC sa ilalim ng pamamahala ng DILG, target nitong masiguro na walang batang maiiwan pagdating sa dekalidad na edukasyon at pangangalaga, lalo na sa mga low-income communities.
Narito ang mga dapat nating abangan:
• Upgrade para sa Lahat: Ang mga dating daycare centers ay gagawing full-pledged Child Development Centers.
• Mas Pinagandang Curriculum: Layunin na i-akma ang National Early Learning Curriculum sa DepEd para mas handa ang mga bata sa pag-aaral.
• Suporta sa LGUs: Tutulungan ang mga lokal na pamahalaan na makakuha ng pondo sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF).
• Para sa mga Workers: Magkakaroon ng skills development at permanenteng plantilla positions para sa ating mga Child Development Workers.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 78,000 ECD Centers sa buong bansa, at layunin ng pamahalaan na gawing "child-friendly" ang lahat ng ito alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.