22/12/2025
Matagumpay na isinagawa ang mga makabuluhang gawain para sa Filipino Values Month bilang pagpapatibay sa pagpapahalaga ng paggalang, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa.
Deped Tayo STO. NIÑO NATIONAL HIGH SCHOOL 301480 Batangas City
22/12/2025
Matagumpay na isinagawa ang mga makabuluhang gawain para sa Filipino Values Month bilang pagpapatibay sa pagpapahalaga ng paggalang, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa.
18/12/2025
SNNHS celebrated Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) week ✨
16/12/2025
Affirming excellence in school governance as we strengthen transparency, accountability, and shared leadership through SBM validation—working together to sustain quality education for every learner.
15/12/2025
Join our team of dedicated educators and help shape the future of learning. Apply today and be part of our mission to provide quality education for all!"
Division Memorandum No.830, s.2025 RECRUITMENT, SELECTION AND RANKING OF TEACHER I POSITION FOR SCHOOL YEAR 2026-2027
09/12/2025
Sto. Niño NHS Shines: Champion of Brigada Excellence 2025!
A big and heartfelt cheers to Sto. Niño National High School for winning FIRST PLACE in the Brigada Excellence 2025 (Secondary–Medium Category) during the 3rd Gawad KA-PARTNER Awards. This remarkable achievement reflects your dedication as a Passionate, Active, and Responsive Team Player toward Notable and Excellent Resource Generation, as well as the unwavering commitment of your entire school community and partners.
We extend our profound congratulations to School Head, Dr. Anabelle L. Patolot, for her exemplary leadership as Brigada Coordinator, and our deep gratitude to PSDS District 5, Dr. Lo**ta T. Asi, for her steadfast support and encouragement.
We likewise commend the Brigada Working Committee, teaching and non-teaching personnel, and students whose collective effort made this recognition possible. Our sincere appreciation also goes to the SPTA & SGC, parents, barangay officials, and SK of the catchment areas, alumni, and all stakeholders for their continued support.
A special thanks is also extended to Mr. W***y Wong for providing construction materials for the improvement of the EBD Building, and to our Guest Speaker for Brigada Eskwela, Hon. Victor A. Cleofe, for the financial support extended to the school.
Once again, congratulations, Sto. Niño National High School! Your excellence shines through your unity, hard work, and dedication.
08/12/2025
Building Tomorrow’s Scouts: Empowering Young Leaders Leadership, Service, and Scout Spirit “Once a Scout, Always a Scout!”
ClLTC /PLTC 2025
Dec 5-7, 2025
-Individual Award
Chris Anne Evangelista - Most Neat Award
-By Crew Over all Champion
1st - Crew Maya
*Bea Andrea A. Lagrimas
2nd - Crew Kwago
*Niño Albert O. Hernandez
*Timothy Daniel E. Restar
3rd - Crew Uwak
*Marx Daniel Aclan
*Zyrel Jade D. Abila
08/12/2025
05/12/2025
Pagbati, Campus Journalists!
Isang malaking pagpupugay sa lahat ng nanalo sa 2025 Division Schools Press Conference! 🎖️ Ang inyong tagumpat ay hindi lamang bunga ng talino, kundi ng sipag, tiyaga, at walang sawang paghuhubog ng inyong kakayahan kasabay ang maraming gawaing pang-akademiko.
AIMEE D. CLAUS
JOURNCAMP QUALIFIER
2ND PLACE 🏅
Science Writing - Filipino
LYRA VENICE D. MARASIGAN
Filipino Category
7th place- News Writing
10th place - Copyediting & Proofreading
JOHN DAVID CALINGASAN
6th place - Best Technical Director
Radio Broadcasting & Scriptwriting
Sa bawat artikulong isinulat, larawan na kinunan, iskrip na binuo, at pahinang inedit - nandoon ang puso at dedikasyon ninyo. Ang inyong tagumpay ay patunay na kapag pinagsama ang talento at determinasyon, walang imposibleng maabot.
Lubos ang pasasalamat din sa lahat ng nasa likod ng tagumpay na ito - sa mga magulang na walang sawang pagsuporta sa lahat ng aspeto, sa punungguro, Dr. Anabelle L. Patolot, at sa mga tumulong sa pinansyal na pangangailangan ng mga batang mamamahayag para makarating sila ng mga laban, ang mga naging sponsors ng Lakan at Lakambini ng Wika 2025.
Gayundin, ang pasasalamat sa lahat ng mga magigiting na resource speakers ng campus-based journalism training - Ma’am Ruby Christine Troyo at Ma’am Maricel G. Ola, former SPAs, Ma’am Shiela Macatangay from ACES, Ma’am Eugenia Osorio from Piit ES, Aeron Delen, at THE LATHE of Batangas State University - TNEU! Bahagi po kayo ng tagumpay nila! 💛
Mabuhay ang mga batang mamamahayag! Mabuhay ANG HARAYA! ☘️
Patuloy kayong magsulat, magkuwento, at maghatid ng liwanag. Ang inyong husay ay pag-asa ng susunod na henerasyon.
05/12/2025
“Unlocking the Power of Words: SNNHS Faculty Shine in ‘Language in Action’ Training.”
21/11/2025
Ang Haraya Staffers Bumida sa 2025 Cluster Presscon
Namayagpag ang mga campus journalist ng “Ang Haraya” - The Official School’s Publication ng Sto. Niño National High School sa naganap na 2025 Cluster Press Conference ng District 1 at District 5 sa Calicanto Elementary School noong November 17-18.
Ipinakita ng mga staffers ang kanilang husay at galing sa 2025 Cluster Press Conference, isang taunang pagtitipon ng mga kabataang mamamahayag mula sa iba't ibang paaralan. Ang naturang kaganapan ay nagsilbing plataporma upang mas maipamalas ang kanilang talento at mas maensayo sa pagsusulat, pagbabalita, at pamamahayag.
Nagsimula ang programa sa isang masiglang opening program at ang pagbibigay ng mensahe maging ang kaunting mga paalala. Kabilang sa Day 1 ang training at output making ng News Writing, Sports Writing, Photojournalism, Editoial and Column Writing, at Editorial Cartooning.
Karugtong din ng Day 1 ang pagsabak ng ating mga Radio Broadcasters na ginanap naman sa Batangas City South Elementary School.
Lumahok ang mga staffers ng Ang Haraya sa iba't ibang kategorya. Sa bawat kategorya, ipinakita nila hindi lamang ang kanilang kakayahan kundi pati na rin ang teamwork at disiplina, na patunay sa dedikasyon ng publikasyon sa kahusayan.
Sa huli at ikalawang araw naman ng Cluster Presscon, tinapos ang tatlong huling natitirang kategorya tulad ng Feature Writing, Copyediting and Proofreading, at Science Technology Writing kung saan hindi rin nagpatalo ang ating mga journalist sa pakikinig at lalo’t higit sa paggawa ng kanilang winning piece.
Ang pagdalo sa 2025 Cluster Press Conference ay hindi lamang tungkol sa kompetisyon, ito rin ay pagpapalago ng kanilang kakayahan, pakikipag-collaborate sa kapwa journalist, at pagpapatunay ng karangalan ng kanilang paaralan. Ang kanilang partisipasyon ay patunay sa layunin ng publikasyon na palakasin ang tinig ng kabataan at magtaguyod ng makabuluhang pamamahayag sa komunidad ng paaralan.
Sa pagtatapos ng kompetisyon, tinanggap ng mga nanalo ang kanilang mga parangal, simbolo ng kanilang dedikasyon at tagumpay sa larangan ng campus journalism. Ang Ang Haraya ay patuloy na magiging inspirasyon sa mga kabataan upang ipagpatuloy ang pagpapalakas ng boses ng estudyante at ang husay sa pamamahayag.
Ang pagkapanalo ng Ang Haraya staffers ay patunay ng kanilang sipag at determinasyon, at isang inspirasyon sa buong paaralan. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang sumasalamin sa kanilang galing sa journalism, kundi pati na rin sa kanilang pagpapahalaga sa tamang pamamahayag at paghubog ng kanilang kakayahan.
21/11/2025
SNNHS proudly marks the halfway milestone of School Year 2025 with strengthened achievements and renewed commitment through its Mid-Year SOSA. Guided by the leadership of Dr. Anabelle Patolot, the school celebrates improved performance, successful programs, and united efforts from teachers, parents, and stakeholders—proving once again that SNNHS is truly on the path to success.
| Monday | 7am - 4pm |
| Tuesday | 7am - 4pm |
| Wednesday | 7am - 4pm |
| Thursday | 7am - 4pm |
| Friday | 7am - 4pm |