24/04/2018
Hey Batang IS! Along with our "Annyeong Sayo" korean themed booth, we conducted a poll to see if which fandom is the strongest and best of all.
As of today the group with the most number of votes is TWICE. Tomorrow will be the last day of voting so hurry up and vote! Just go to IS 102 (10-Integrity's room). May the best fandom win!💓
22/02/2018
HAPPIEST BIRTHDAY TO OUR JOLLY AND EVER LOVING ADVISER!!! 🎈 THE OLDER YOU GET, THE BETTER YOU BECOME. CONTINUE TO INSPIRE US EVERYDAY. WE ARE MORE THAN BLESS TO HAVE YOU IN OUR LIVES! HAPPY BIRTHDAY SIR ARIES!! 🎉🎁
10/12/2017
Magandang hapon IS! Ngayong nalalapit na muli ang Second Periodic Test, huwag nating kalilimutan na manatiling tahimik sa mga oras na kailangan ng iyong kapwa ang katahimikan. Ang pagtahimik kahit sandali lamang ay paraan na rin ng pagrespeto sa ating kapwa. Maraming oras ang pwede sa pakikipag-usap ngunit kung maiiwasan ay itigil muna ito kahit sandali lamang upang hindi maabala ang ating mga kamag-aaral. Ating tandaan at isabuhay. Ens Amans!💖
09/12/2017
The best way to find your self is to lose your self in the service of others -Mahatma Gandhi
03/12/2017
Magandang Buhay IS!
Ating panatilihin ang kalinisan ng ating kapaligiran. Ito ay respeto na rin sa mga taong nagpapakahirap sa paglilinis upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit at kapahamakan ng mga tao sa paligid. Pagpapahalaga na rin ito sa pupuntahan nating lugar. Ating isabuhay ito lalo na sa nalalapit na SciFun na gaganapin sa paaralang STI. Ating ipakita na tayo ay isang Batang IS, Mahusay, Mabuti at Mapanagutan. Ens Amans!💖
23/10/2017
Magandang Buhay IS! Alam kong maraming tayong ginagawa ngayon dahil patapos na ang first grading at nagsisimula na ang second grading. Pero sana sa kabila ng mga requirements na ito, huwag natin kalimutan ang mga tao sa paligid natin. Nabubuhay tayo dito sa mundo para sa isa't isa at kahit simpleng pagtulong sa kapwa ay makakatulong hindi lamang sa iba pati na rin sa pag-unlad natin bilang tao. Goodluck and Godbless IS. Ens Amans!❤️
30/09/2017
Magandang Buhay IS! Sa pagpasok natin araw-araw sa paaralan dapat nating bitbitin at dalhin ang kabutihang dapat nating taglayin at pairalin. Tulad sa tuwing tayo ay may pagsusulit maaari tayong matukso na tumingin at gayahin ang sagot ng kaklase pero dapat hindi natin ito gawin. Maaaring mapataas nito ang ating makukuhang puntos pero ang kaalaman natin ay hindi. Kaya dapat nating tandaang "Iwasan ang panggagaya". Goodluck mga Batang IS sa nalalapit na First Periodic Test! Ens Amans!❤️
23/09/2017
Magandang Gabi IS! Tandaan natin na hindi lang dapat sa ating mga gawa naipapakita ang pagiging isang mabuting tao, ngunit lalo't higit dapat maingat at umiiral ang pag-ibig para sa ating kapwa sa ating mga salitang binibitiwan. Kaya bago tayo umimik, isipin muna natin kung makabubuti ba ito o makakasakit sa ating kausap. Kung nakakasakit man, mas mabuting huwag na lamang tayong umimik. Ens Amans!💖