04/04/2026
Medyo nakapagtataka na may mga baguhang researchers at walang publication sa high-impact journals, pero nasa hundreds agad ang citations in just one/two years. Kapag tiningnan mo iyong citations, galing ang mga ito sa pare-parehong journal, at minsa'y galing pa sa same issue mismo. As reviewers, hindi dapat natin i-suggest ang mga papers natin na i-cite ng researchers. Iwasan ang ganitong gawain, as much as possible, dahil predatory behavior ito. Gets naman kung very niche at makatutulong.