30/05/2026
📣 TAWAG NG BAYANIHAN!
"Bayanihan para sa Paaralan: NAGKAKAISA PARA SA KAAYUSAN AT KAALAMAN"
Isang mapagpalang araw sa ating buong pamayanan! Malapit na naman ang pagbubukas ng panibagong taong panuruan, kaya oras na naman para sa ating taunang pagkakaisa.
Ang Pamunuan ng Alfredo C. Tan Elementary School ay buong-pusong nag-aanyaya sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, stakeholders, mga dating mag-aaral, at mga boluntaryo na makiisa sa ating Brigada Eskwela 2026.
Sama-sama nating ihanda ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga minamahal na mag-aaral!
📅 DETALYE NG GAWAIN
Petsa: Hunyo 1 hanggang Hunyo 5, 2026 (Lunes hanggang Biyernes)
Oras: Simula 7:00 ng umaga (Magkakaroon ng maikling Kick-off Ceremony sa Unang Araw)
Lugar: Alfredo C. Tan Elementary School
🛠️ MGA DAPAT DALHIN (Kagamitan sa Paglilinis)
Upang mas maging mabilis at produktibo ang ating paggawa, pinakikiusapan ang bawat boluntaryo na magdala ng alinman sa mga sumusunod na kagamitan:
▶️Para sa pagpapanatili ng kalinisan: Walis (tingting o tambo), BASAHAN, timba, at sako o basurahan.
▶️Para sa pagsasaayos ng bakuran/hardin: Itak, dulos, gunting ng halaman, at pala.
▶️Karagdagang tulong (Kung mayroon): Pintura, brush, roller, o mga kagamitang pang ayos.
🤝 PAANO PA PO KAYO MAKAKATULONG?
Bukod sa inyong lakas at panahon, bukas din po ang ating paaralan sa mga donasyon (in-kind) tulong gaya ng:
✅Pintura
✅Mga disinfectant, alcohol, at sabon panlinis
✅Mga semento, o pako para sa mga minor repairs
✅Inuming tubig at meryenda para sa ating mga masisipag na volunteers
Ang pagtutulungan ng paaralan, tahanan, at pamayanan ang susi sa tagumpay ng ating mga mag-aaral. Ang inyong ilang oras na paggugol ay mag-iiwan ng pangmatagalang ngiti at inspirasyon sa ating mga kabataan.
Kita-kits po tayo, mga ka-Brigada! Mabuhay ang Alfredo C. Tan Elementary School!
Para sa mga katanungan o koordinasyon sa donasyon, maaari pong mag-message sa ating opisyal na page o makipag-ugnayan sa mga G**o/School Brigada Coordinator.