13/12/2025
National Reading Month 2025
Buhay na buhay ang imahinasyon sa
π
Ang National Reading Month 2025 ay isang pambansang selebrasyon na inilunsad upang itaguyod ang kahalagahan ng pagbabasa sa bawat mag,-aaral. Sa Pagdiriwang na ito, binibigyang-diin ang kahalagahanl ng pagbabasa bilang susi sa kaalaman, imahinasyon, at paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan.
Kaugnay nito. matagumpay na ipinagdiwang ng Bambang North Central School ang National Reading Month noong Disyembre 11,2025. Isa sa mga pinakaβmasaya at kapana-panabik na bahagi ay ang Book Character Parade, kung saan ipinamalas ng bawat mag-aaral ang kanilang hilig sa pagbabasa at ang kakayahang palawakin ang imahinasyon. Sa makukulay na kasuotan at malikhaing presentasyon, nabuhay ang mga tauhan mula sa ibaβt ibang aklatβpatunay na ang pagbabasa ay hindi lamang nagbibigay kaalaman kundi nagdadala rin ng saya, inspirasyon, at pagkakaisa sa buong paaralan.β β¨π
Ang mga tampok sa ginanap na Book Character Parade ay pinangunahan at binigyang buhay ng mga mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang sa ika-anim na baitang na nagpapatunay lamang ng pagkamalikhain at pagkakaroon ng malawak na imahinasyon at pagkahilig sa pagbabasa ang bawat mag-aaral.
π·Ma'am Carla Joie Bacolor Gamponia