21/09/2026
🌺BSCS Teacher of the Day🌺

“Sa Bukang Liwayway ng Serbisyo”
Bago pa man dumami ang mukha sa ating paaralan,
Naroon na siya, haligi ng Central, naglilingkod gumagabay.
Sa haba ng panahong kanyang pinagpaguran
Ibat ibang katuruan ang kanyang sinubukan
Magbago man ang panahon maalam siyang makiayon
At marami nang kuwento't karanasang pumuno
nagpatatag nagpatibay sa ating bidang g**o.
Maagang maaga kung siya ay pumasok
Di pa ata natutuyo hamog ng gabing natulog
Bukang-liwayway niyang sinasalubong ang halik ng umaga
Kanlong nya ay pag-asa at amoy ng mabuting pakikisama
Upang magturo sa buong maghapon magbahagi at magipon. ...ng pagmamahal sa maliliit na naroon.
Sa unang tingin, tila siya'y mahigpit at istrikta,
May tindig na wari'y may diin sa tapak
Ngunit sa likod ng mukhang tila malalim
May pusong inang mapagkalinga, totoo at malambing.
Pagmamahal niya'y hindi palaging lambing ang anyo,
Minsan ay payo, minsan ay tapang na kailangan ng tao
At sa bawat pag-alalay na tahimik niyang ginagawa,
Sinasabi niyang, “narito ako kaya't takot ay iwala, hindi ka nag-iisa,ako ang sa iyo ay sasama."
Kapag may ipinagawa, susunod siyang buong kusa,
Ngumingiti nang marahan, may biro pang kasabay
Ngunit alam ng lahat, sa likod ng ngiti ay katotohanang
May kilos siyang lagi...may gabay may kamay.
Sa loob ng silid, ibang mundo ang kanyang tahanan,
Mga batang inaaruga, tila mga apo sa kanyang puso't isipan.
Kahit may karamdaman at katawan ay walang laban
Hangga't kakayanin ng lupang katawan, papasok, magtuturo at magpapabasang tunay,
Sapagkat ang ilang dekadang serbisyo'y hindi basta-basta nananamlay.
At kapag anak ang kanyang bukambibig at ipinagmamalaki,
Makikita mong doon nagmumula ang ligayang walang pinipili
Sa bawat kuwento ng anak na kanyang inaarugat tinatangi
Masasalamin ang buhay na kabigha bighani.
Ngayo'y ganap nang Lola, sa apo'y tunay na nahuhumaling,
May bagong munting mundo na sa puso niya'y kay lambing
Ngunit sa dami ng papel na kanyang ginagampanan sa buhay,
Nalampasan man Niya madilim na Daan
Ng kanyang mapagtagumpayan sinubok na kalusugan.
Ang pagtuturo pa rin ang unang pluma na kanyang hawak at taglay
Walang makakatinag sa maestrang lengwahe ang pagmamahal.
Kaya kung tatanungin kung bakit siya nananatiling matatag,
Sa mahabang panahong ang serbisyo'y patuloy na lumalagablab,
Marahil ang sagot ay hindi kailangang hanapin pa
Pag-ibig sa Central, sa kapwa, at sa mga batang sa kanya ay pinagkatiwala.
💐Happy National Teachers’ Month, Mam Geraldine!💐
ROXANE M. VERGARA
School Principal III
DIVINA BARTOLOME-SANTOS, PhD
PSDS - District 4