At-Taqwa

At-Taqwa Alhamdulillah Ala Kulli Ahwal

06/01/2023

Pag mamahal ng allah para sa mga muhmin❤️❤️❤️

27/11/2022

Pag mamahal ng allah ating kailangan❤️❤️❤️

27/11/2022

Kapag kina pupuutan ng allah ang isang muslim ay kanya itong papabayaan sa lahat ng mahsiya😭😭😭

22/11/2022

Mga tanda na minamahal ka ng allah❤️❤️❤️
Masha allah naway mapabilang tayo mula sa mga taong minamahal ng allah❤️🙏🏻🙏🏻

🎥Ameer muhammad ali granaderos.

20/11/2022

📌Ang napakalaking pagsisisi na mararamdaman ng tao sa kabilang buhay ay ang nakisama siya/nakipagkaibigan siya sa masama/walang pakinabang na tao, sapagkat matutunghayan niya sa kabilang buhay na itong tao pala ang napakalaking dahilan ng kanyang paglihis/pagkaligaw mula sa tamang landas.

📍Sinabi ni Allah:
27. At sa Araw na [iyon] kakagatin ng mapaggawa ng kamalian ang kanyang mga kamay [sa panlulumo], siya ay magsasabi: “Sana ay tinahak ko ang landas ng Sugo [si Muhammad].
28. Kasawian sa akin! Sana ay hindi ko itinuring ang isang ganoong tao bilang matalik na kaibigan!
📕Al-Furqan | Qur'an Chapter 25-26

🖊Shaykh Doctor Sa'ad Al-Khatlān

👉Yan ang buhay na punong-puno ng pagsisisi.
👉Pumili ng tamang pakikisamahan at kakaibiganin.

20/11/2022

Isipin mo ang kalagayan ng mga namatay noong lumipas na 100 taon mula ngayon❗️
Ano kaya ang kanilang hinahangad❓️
At ipagpalagay mo pagkalipas ng 100 taon sa iyong buhay mula ngayon❗️Ano kaya ang hihilingin mo na sana ay ginagawa mo pa hanggang ngayon❓️
Kapatid❗️Nakabukas pa ang pintuan ng gawain,
Kapatid❗️Mayroon ka pang pagkakataon,
Ang buhay mo❗️ ang natatanging pagkakataon mo na kung saan kapag ito ay lumipas na ay hindi muling maibabalik pa,
Kapag ikaw ay pumasa sa pagsubok na ito❗️ tunay na ikaw ay magkakamit ng walang hanggang tagumpay At kung ikaw naman ay nabigo❗️ sinayang mo ang lahat ng pagkakataon sa iyong buhay.

🖊Ustadh Doctor Sa'ad Al-Khathlān

20/11/2022

📌Paramihin mo ang panalangin kay Allah sa araw na ito na ikaw ay kanyang iligtas mula sa parusa ng naglalagablab na apoy sa impyerno.
Sinabi ng Propeta صلى الله عليه و سلم:
《Walang araw na hihigit pa sa araw ng Arafah na kung saan ay ililigtas ni Allah mula sa apoy ng impyerno ang sinuman na kanyang naisin》.

20/11/2022

📌Sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم:
《Tingnan ninyo kung sino ang mas mababa sa inyo sa antas ng pamumuhay sa mundong ito at huwag ninyong titingnan kung sino ang mas naka-aangat sa inyo sa antas ng pamumuhay dito sa mundo sapagkat ito ang nararapat na paraan upang hindi ninyo balewalain ang biyaya sa inyo ni Allah》.
sapagkat kung ang titingnan ng tao ay ang mas mababa sa kanya sa antas ng pamumuhay siya ay magpapasalamat kay Allah at kung ang titingnan naman niya ay ang mas angat sa kanya sa antas ng pamumuhay ay tuluyan na niyang makakalimutan na pasalamatan ang anumang biyaya sa kanya ni Allah.

💡Gawin mo ang hadith na nabanggit bilang batayan at simulain mo sa iyong pamumuhay sa mundo upang ikaw ay maging mapagpasalamat kay Allah at hindi mo mabalewala ang anumang biyaya sa iyo ni Allah.

20/11/2022

📌💡Tinitingnan ka ng mga tao at Tinitingnan nila ang iyong gawain sa dalawang paraan ng pagtingin:
Una: Pagtingin na nalulugod
Ikalawa: Pagtingin na pagkamuhi
Kapag sila ay nalugod sa bagay na nakita nila sayo pupurihin ka nila, At Kapag sila ay namuhi sa bagay na nakita nila sayo pipintasan ka nila.
Kaya huwag mong gawin ang isang gawain para lamang purihin ka nila at huwag kang mawalan ng pag-asa mula sa pamimintas nila bagkus gawin mo ang isang gawain para lamang kay Allah, Katotohanan na nagtagumpay ang sinuman na gumagawa ng gawain para lamang kay Allah.
🖋️Shaykh Sālih Al-Usaimiy حفظه الله

20/11/2022

انقطعت وسائل التواصل عدة ساعات فشعرنا بضيق ووحشه !
فكيف بمن قطع الاتصال بربه وترك الصلاة والذكر وتلاوة القرآن طوال حياته ؟!

Kapag naputol ang internet connection sa social media ng ilang oras lamang ay sobra tayong nababahala at nalulungkot,
Paano pa kaya sa taong pinutol niya ang kanyang connection sa kanyang panginoon (Allah) at iniwan niya ang pagtatayo ng Salah, kinalimutan niya ang pagalala kay Allah at pagbabasa ng Qur-an sa buong buhay niya.

👉Gabayan nawa tayo ni Allah

Address

Nonoyan
Baliguian
7123

Telephone

+639651795628

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when At-Taqwa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share