16/11/2024
โ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐.โ
Ang salita ay makamandag, kaya nitong patayin ang ating mga mapangarap at kagustuhan. Dahil sa pangungutya nila sa aking kakayahan, nawala ang dating ako na madalas tumaas ng kamay sa klase at gana sa paggawa ng gawain. Bigla ring naglaho ang isang estudyanteng nais maging aktibo sa bawat gawain sa klase, organisasyon at paligsahan sa paaralan. Gustuhin ko mang ibalik ang dating ako, ngunit parang wala na ito; tila baโt hindi ko na kaya ang mga ginagawa ko dati.
Ako ay isang estudyanteng aktibo sa aming paaralan, ngunit niligaw ito ng mga salita ng bawat tao. Yung dating magaling at matalino na mag-aaral ay bigla nalang naglaho na parang bula. Palagi akong minumulto ng kanilang mga salita na โBida-bida,โ โSip-sip,โ at marami pang iba. Kaya ko pa ba o susuko na?
Isang araw, bigla nalang akong nagising sa katotohanan, dito ko napagtanto na nabulag ako ng kanilang mga kasinungalingan. Muling bumalik ang dating ako, ngunit mas matatag na upang hindi maapektuhan ng kanilang panghuhusga. Muli akong naging palataas ng kamay sa klase, aktibo sa bawat gawain, at palasali sa bawat organisasyon at paligsahan sa paaralan. ๐ฒ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐.