23/10/2023
"Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo, binuksan namin ang pinto ng aming kultura. Naglaro kami ng mga larong lahi, nagtagisan sa pagluluto ng pinikpikan, umawit ng mga katutubong awit at binalikan namin ang mga kwento mula sa aming lahi. Ipinakita namin na mayaman ang aming kultura.
17/10/2023
Just wrapped up an amazing performance:Our "ever ready" Grade 2 teachers together with our incredible school head mam Helen Acop.
13/10/2023
Ab-Abig: "The Crying Rice" narrated by Corazon B. Mabudyang, written by Maria Elena Regpala.
"Sa aming kuwento ng "The Crying Rice," itinatampok ang halaga ng bigas at pagsasaka. Bukod sa pagkwekwento, napanood din nila ang mga hakbang sa pagtatanim ng palay kung saan nila naunawaan kung bakit tuwing may natatapon na butil ng kanin , sinasabing umiiyak ang kanin kaya kailangan mong pulutin at huwag magsayang ng kanin. "Kaya mga bata ubusin palagi ang pagkain."
Nagmula sa aming puso, inihahandog namin ito bilang pagpapahalaga sa aming kultura at kalikasan. 💚🌾
-Abig
12/10/2023
"Maligayang pagbati sa paglulunsad ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo! Tayo'y magsama-sama para patatagin ang pundasyon ng katutubong edukasyon at patuloy na pagyamanin ang katutubong karunungan. 🌱📚🌏
"