25/06/2026
"Yo! Masayahin ka talaga!!!."😁
Sa Vedic Perspective o Yoga Philosophy, ikaw ay tinatawag na "Jiva Atma" o Individual Soul—isang living force sa loob ng katawan. You are the individual person, spirit soul, life force or the inner self. Sa madaling salita, hindi ka isang materyal na bagay.
Bilang Jiva Atma, meron kang natural na katangian na napakaganda at hindi kailanman nawawala, parang isang diamond na hindi nawawala ang kinang nito. Ang katangiang ito ay tinatawag na Sat-Chit-Ananda.
Sat means full of eternality. Dahil ikaw ay isang individual soul, hindi ka gawa sa temporary material energy.
Chit means full of knowledge. Kilala mo ang iyong sarili at alam mo kung ano ang tunay na pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.
Ananda means full of bliss. Ang tunay mong kalikasan ay mamuhay nang may kasiyahan, kapayapaan at pag-ibig sa puso.
Lahat ng katangian o qualities na ito ay hindi nawawala sa iyo. Pero pwede itong matakpan ng mga dumi sa mundo na nasagap mo sa iyong puso at isipan, gaya ng inggit, galit, kasakiman, at marami pang iba. O habang nandito ka sa materyal na mundo automatic ang pagbalot sayo at pagkalimot sa tunay mong spiritual na katangian or nature. Dahil dito, pwedeng hindi lumabas ang tunay nitong kagandahan, parang isang diamond na naputikan at pansamantalang natakpan ang tunay nitong ningning.
Ang tunay na kagandahan ay nasa atin na. Kailangan lang nating alisin ang mga dumi na tumatakip dito at huwag na itong muling takpan para ma-experience natin ang ating natural at tunay na buhay. Alam naman natin na ang enjoyment sa materyal ay laging kulang kahit na sayo na ang lahat at eto'y sa kadahilanan na ikaw nga ay hindi isang materyal lamang. Ikaw ay spirit in essence at nangangailan din ng spiritual food.
Love is the natural, timeless fuel of the soul, and a loving relationship with the Supreme Lord is our natural state of being. It is in this relationship that our true nature—Sat-Chit-Ananda (eternity, knowledge, and bliss)—is fully expressed, and the expansion of that love naturally flows toward other living being. ❤️
Meditate, Praise, Repeat.
Haribol!🙏