Bago City College - Organisasyon ng Kamagfil

Bago City College - Organisasyon ng Kamagfil "KAPISANAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO"
"๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—•๐—ข๐—Ÿ"
Opisyal na Publikasyon

๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—š๐—™๐—œ๐—Ÿ, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—น๐˜‚๐—ฏ ๐—›๐—ผ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜€ ๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ!Bilang bahagi ng masiglang pagtanggap sa mga bagong mag-aa...
08/08/2026

๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—š๐—™๐—œ๐—Ÿ, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—น๐˜‚๐—ฏ ๐—›๐—ผ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜€ ๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ!

Bilang bahagi ng masiglang pagtanggap sa mga bagong mag-aaral ng Bago City College, matagumpay na isinagawa ang Club Hopping noong Agosto 7, 2026, bilang isa sa mga tampok na gawain ng Freshmen Week 2026: Pag-Abi-Abi, na may temang โ€œWelcoming Every Story, Celebrating Every Identity.โ€

Naging makulay at puno ng saya ang nasabing gawain kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga bagong mag-aaral na makilala ang ibaโ€™t ibang organisasyon at samahan sa loob ng kolehiyo. Sa pamamagitan nito, mas napalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa mga organisasyong maaari nilang salihan at naging daan din ito upang makabuo sila ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Aktibong nakiisa sa pagdiriwang ang Kapisanan ng Mag-aaral ng Filipino (KAMAGFIL), sa pangunguna ni Juan Dabriel Arac, Tagapangulo ng organisasyon. Sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok, naipamalas at naipakilala sa mga bagong mag-aaral ang kahalagahan ng wikang Filipino, kultura, pagkakakilanlan, at pakikipagkapwa.

Bilang bahagi ng kanilang pakikilahok, naghanda ang KAMAGFIL ng mga gawaing nagbigay-saya at nagpasigla sa mga bagong mag-aaral, kabilang ang Roleta ng Kapalaran at โ€œTe Barang Ka! Evil Eye.โ€ Ang mga larong ito ay hindi lamang nagsilbing libangan, kundi naging paraan din upang magkaroon ng mas malayang pakikisalamuha at masayang karanasan ang mga bagong mag-aaral.

Higit pa sa isang simpleng pagtitipon, naging makabuluhang pagkakataon ang Club Hopping upang magsimula ang mga bagong mag-aaral ng panibagong kabanata sa kanilang buhay-kolehiyo.

Sa Pag-Abi-Abi 2026, hindi lamang mga bagong mag-aaral ang malugod na tinanggap, kundi pati na rin ang kanilang mga kuwento, pangarap, pagkakakilanlan, at mga bagong ugnayang magiging bahagi ng kanilang paglalakbay sa kolehiyo.

-abi-abi2026


โœ๏ธ: ๐— ๐˜†๐—ธ๐—ฎ๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ฑ๐˜‚๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—”๐—น๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฎ ๐—˜๐˜€๐—ฝ๐—ฎรฑ๐—ผ๐—น๐—ฎ
๐Ÿ“ท: ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐—๐—ฒ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฎ๐˜†๐—ฐ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฎ๐—ต ๐—๐—ผ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฒ๐˜€

๐‘ฒ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘ฒ๐‘ผ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต๐‘จ๐‘ท๐‘จ๐‘ต!Bilang pagbahagi sa "Club Hopping 2026," mainit na nakikilahok ang organisasyon ng KAMAGFIL upang...
07/08/2026

๐‘ฒ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘ฒ๐‘ผ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต๐‘จ๐‘ท๐‘จ๐‘ต!

Bilang pagbahagi sa "Club Hopping 2026," mainit na nakikilahok ang organisasyon ng KAMAGFIL upang makiisa sa kaganapang nagaganap ngayon sa Bago City College.

Sa mga nais makibahagi, maaari kayong pumunta sa aming booth na nakapuwesto sa harap ng Crim Department Office.

Hindi naging hadlang ang masamang panahon upang maisakatuparan ang unang araw ng pagdiriwang ng ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€...
04/08/2026

Hindi naging hadlang ang masamang panahon upang maisakatuparan ang unang araw ng pagdiriwang ng ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” at maipakita ang pagpapahalaga at paggalang sa ating Wikang Pambansa.โ€Žโ€Žโ€Ž

Sa pagbubukas ng pagdiriwang ng ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” na may temang "๐‘Š๐‘–๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐น๐‘–๐‘™๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘œ ๐‘Ž๐‘ก ๐ด๐ผ: ๐พ๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘˜๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘› ๐‘ ๐‘Ž ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘˜๐‘ ๐‘–๐‘˜ ๐‘Ž๐‘ก ๐‘‡๐‘ข๐‘™๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘Œ๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐ผ๐‘š๐‘๐‘œ๐‘Ÿ๐‘š๐‘Ž๐‘ ๐‘ฆ๐‘œ๐‘›,"" nagtipon-tipon ang mga g**o at mag-aaral sa AVR upang makiisa at makisaya sa inihandang selebrasyon ng KAMAGFIL.

โ€ŽNaging matagumpay ang isinagawang programa sa pangunguna ng Tagapangulo ng KAMAGFIL na si G. Juan Dabriel Arac, katuwang ang tagapayo ng organisasyon na si Gng. Michelle Casidsid at iba pang opisyales ng KAMAGFIL .โ€Žโ€Žโ€Ž

Kasama sa mga panauhin at nakiisa din sa pagdiriwang na ito ang Ulo ng Teacher Education Department na si Gng. Remedios Alvarez, gayundin ang mga g**o ng departamento. โ€Žโ€Ž

Ang araw na ito ay hindi wakas ng pagkakaisa at pagdiriwang para sa Wikang Pambansa. Bagkus ito'y hudyat pa lamang ng mas makabuluhan at mas masiglang pagdiriwang ng ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

โ€Ž"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Ž๐’‚๐’“๐’–๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’˜๐’Š๐’Œ๐’‚ ๐’‚๐’š ๐’‰๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’• ๐’‘๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‰๐’‚๐’š๐’๐’‘ ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Š๐’”๐’…๐’‚"  - ๐‘ฑ๐’๐’”๐’† ๐‘น๐’Š๐’›๐’‚๐’โ€ŽSa pagsapit ng buwa...
02/08/2026

โ€Ž"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Ž๐’‚๐’“๐’–๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’˜๐’Š๐’Œ๐’‚ ๐’‚๐’š ๐’‰๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’• ๐’‘๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‰๐’‚๐’š๐’๐’‘ ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Š๐’”๐’…๐’‚" - ๐‘ฑ๐’๐’”๐’† ๐‘น๐’Š๐’›๐’‚๐’โ€Ž

Sa pagsapit ng buwan ng Agosto, sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating pinakamamahal na Wikang Filipino. Samahan ninyo kami sa pagbubukas ng Buwan ng Wika 2026 ngayong Agosto 3, 7:15 ng umaga sa harap ng Benedicto Building, Bago City College.

Sa temang ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐’: ๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’”๐’Š๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’๐’“๐’Ž๐’‚๐’”๐’š๐’๐’โ€ ating ipagdiwang ang mahalagang papel ng wikang Filipino sa makabagong panahon bilang tulay ng kaalaman, kultura at pagkakakilanlan

Makiisa, makilahok, at ipagdiwang natin ang kagandahan, kahalagahan at yaman ng wikang Filipino. Abangan ang mga espesyal na aktibidad na inihanda namin na magbibigay ng aliw sa lahat. Sama sama nating gawing mas makulay at puno ng aral ang buwan na ito. โ€Ž

Salubungin natin ng masaya at may karangalan ang pagbubukas ng Buwan ng Wika! Naway patuloy nating pahalagahan at ipagmalaki ang wikang sa atin ay nag-iisa. Wika mo, wika ko, mabuhay ang Wikang Filipino!
๐–๐ˆ๐Š๐€'๐“ ๐Š๐”๐‹๐“๐”๐‘๐€๐๐† ๐Œ๐€๐Š๐”๐‹๐€๐˜: ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜.

โ€Žโ€Ž โ€Ž
โ€Ž
โ€Žโ€Ž

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐€๐“๐ˆ๐๐†, ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐“๐”๐–๐€๐๐† ๐๐† ๐Š๐€๐Œ๐€๐†๐…๐ˆ๐‹!Buong galak naming ipinapakilala at tinatanggap ang mga bagong kasapi ng ...
01/08/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐€๐“๐ˆ๐๐†, ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐“๐”๐–๐€๐๐† ๐๐† ๐Š๐€๐Œ๐€๐†๐…๐ˆ๐‹!

Buong galak naming ipinapakilala at tinatanggap ang mga bagong kasapi ng iba't ibang Komite ng KAMAGFIL (Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino)

Ang inyong dedikasyon, talento, at kahandaang maglingkod ay magsisilbing lakas ng ating organisasyon sa pagsusulong ng ating mga adhikain. Sa inyong pagdating, mas magiging makulay, masigla, at makahulugan ang bawat programang magpapayabong sa ating **Wika, Panitikan, at Kulturang Pilipino**.

Maligayang pagdating sa pamilya ng KAMAGFIL! Nawa'y maging daan ang ating sama-samang pagkilos upang higit pang mapatingkad ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura.

Isang organisasyon. Isang layunin. Sama-samang maglilingkod para sa makulay na Wika at Kulturang Filipino! ๐Ÿ’›๐ŸคŽ

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐—๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—”๐—ก๐—”!Isang masigabong pagbati sa aming kapwa kasapi ng KAMAGFIL! Patuloy mong pagningningin ang ...
14/07/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐—๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—”๐—ก๐—”!

Isang masigabong pagbati sa aming kapwa kasapi ng KAMAGFIL! Patuloy mong pagningningin ang ningas ng iyong pagmamahal sa wikang Filipino at sa adhikain ng ating organisasyon. Nawaโ€™y maging matagumpay at makulay ang bawat yugto ng iyong buhay. Maraming salamat sa iyong dedikasyon at pagiging inspirasyon sa amin.

Ipagpatuloy mo ang pagsibol at pagyabong!

Muli, Maligayang Kaarawan mula sa buong pamilya ng KAMAGFIL! โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿงก

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฌ๐—จ๐—š๐—ง๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—š๐—™๐—œ๐—Ÿ! โค๏ธ๐Ÿ’™๐ŸงกMatagumpay na naisagawa ang ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ...
13/07/2026

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฌ๐—จ๐—š๐—ง๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—š๐—™๐—œ๐—Ÿ! โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿงก

Matagumpay na naisagawa ang ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ng ๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—š๐—™๐—œ๐—Ÿ sa pangunguna ng ating dating ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป, Bb. Elyssa Shane Eder, kasama ang mga dating komite na naging katuwang sa maayos at matagumpay na pagdaraos ng programa.

๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐˜€-๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ sa ating bagong halal na ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—น๐—ผ, Wan Gabriel Arac, na magsisilbing bagong pinuno ng organisasyon. Nawa'y maging gabay ang iyong pamumuno sa patuloy na paglago, pagkakaisa, at mas makabuluhang paglilingkod ng ๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—š๐—™๐—œ๐—Ÿ.

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ din sa mga dating opisyal at komite sa kanilang dedikasyon, sipag, at mahusay na pamumuno. Ang inyong mga naging ambag ay mananatiling bahagi ng kasaysayan ng ating organisasyon.

Sa bagong hanay ng mga lider, sama-sama nating ipagpatuloy ang adhikain ng ๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—š๐—™๐—œ๐—Ÿโ€”isang organisasyong ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†-๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป sa bawat kasapi.

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—š๐—”๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ!

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐——๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—จ๐— ๐—จ๐—ก๐—ข, ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฌ๐—จ๐—š๐—ง๐—ข ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐——๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—ข! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญSa ilalim ng ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ na pamumuno nina ๐‘ด๐’”. ๐‘น๐’‚๐’†๐’ ๐‘ฝ๐’Š๐’...
12/07/2026

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐——๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—จ๐— ๐—จ๐—ก๐—ข, ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฌ๐—จ๐—š๐—ง๐—ข ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐——๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—ข! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa ilalim ng ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ na pamumuno nina ๐‘ด๐’”. ๐‘น๐’‚๐’†๐’ ๐‘ฝ๐’Š๐’๐’๐’‚๐’๐’–๐’†๐’—๐’‚ (A.Y. 2023โ€“2024), ๐‘ด๐’“. ๐‘ฑ๐’†๐’™๐’•๐’†๐’“ ๐‘ท๐’‚๐’๐’Ž๐’‚ (A.Y. 2024โ€“2025), at kasalukuyang pangulo na si ๐‘ด๐’”. ๐‘ฌ๐’๐’š๐’”๐’”๐’‚ ๐‘บ๐’‰๐’‚๐’๐’† ๐‘ฌ๐’…๐’†๐’“ (A.Y. 2025โ€“2026), naipamalas ang tunay na diwa ng KAMAGFIL โ€” ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค, ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ, ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ก๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ.

Ngayon, tanong ng lahat:
๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—ข๐—— ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—— ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข?

๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ-๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ6
๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ƒ๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐™๐™„๐™‡
๐Ÿ—“๏ธ ๐—๐—จ๐—Ÿ๐—ฌ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐Ÿ“ ๐—•๐—–๐—–
๐Ÿ•‘ ๐—”๐—ณ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ง๐—˜๐—— ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

๐‘จ๐’ƒ๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’, ๐‘ด๐’‚๐’Œ๐’Š๐’Š๐’”๐’‚ at ๐‘ด๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’‰๐’‚๐’ˆ๐’Š ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐’€๐’–๐’ˆ๐’•๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’Š๐’…๐’†๐’“๐’‚๐’•๐’!

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐—ฆ๐—”๐—ก๐——๐—ฌ! Isang masigabong pagbati sa aming kapwa kasapi ng KAMAGFIL! Patuloy mong pagningningin ang n...
05/07/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐—ฆ๐—”๐—ก๐——๐—ฌ!

Isang masigabong pagbati sa aming kapwa kasapi ng KAMAGFIL! Patuloy mong pagningningin ang ningas ng iyong pagmamahal sa wikang Filipino at sa adhikain ng ating organisasyon. Nawaโ€™y maging matagumpay at makulay ang bawat yugto ng iyong buhay. Salamat sa iyong dedikasyon at pagiging inspirasyon sa amin.

Ipagpatuloy mo ang pagsibol at pagyabong!

Muli, maligayang kaarawan mula sa buong pamilya ng KAMAGFIL!

โœจ๐ŸŽ“ ๐™๐˜ผ๐™Š๐™Ž-๐™‹๐™๐™Ž๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐™„ ๐˜ผ๐™ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐™„๐™‡๐˜ผ๐™‡๐˜ผโœจ๐ŸŽ“ ๐™Ž๐™– ๐˜ผ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™‰๐™–๐™œ๐™จ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™†๐™–๐™จ๐™–๐™ฅ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐™๐™„๐™‡! Buong galak at pagmamalaki namin...
30/04/2026

โœจ๐ŸŽ“ ๐™๐˜ผ๐™Š๐™Ž-๐™‹๐™๐™Ž๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐™„ ๐˜ผ๐™ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐™„๐™‡๐˜ผ๐™‡๐˜ผโœจ๐ŸŽ“

๐™Ž๐™– ๐˜ผ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™‰๐™–๐™œ๐™จ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™†๐™–๐™จ๐™–๐™ฅ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐™๐™„๐™‡!

Buong galak at pagmamalaki naming kinikilala ang inyong tagumpay na bunga ng walang sawang pagsisikap, matibay na determinasyon, at taos-pusong dedikasyon sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Ang yugtong ito ng inyong buhay ay hindi lamang patunay ng inyong kakayahan at katatagan, kundi simbolo rin ng inyong patuloy na pag-unlad bilang indibidwal na may malasakit at layuning makapag-ambag sa lipunan.

Lubos din ang aming pasasalamat sa bawat sandaling inyong inilaan para sa ating organisasyonโ€”sa inyong aktibong pakikilahok, pagbabahagi ng kaalaman, at pagbibigay-inspirasyon sa kapwa kasapi ng ๐™†๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐™๐™„๐™‡.

Sa inyong pagharap sa panibagong yugto ng buhay, nawaโ€™y dalhin ninyo ang mga aral, pagpapahalaga, at karanasang inyong natamo bilang matibay na pundasyon sa inyong mga susunod na hakbang.

Muli, kami ay taos-pusong bumabati at nagbibigay-pugay sa inyong tagumpay. Nawaโ€™y patuloy ninyong makamtan ang inyong mga mithiin at magsilbing liwanag at inspirasyon sa iba.

๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐™†๐˜ผ๐™”๐™Š, at nawaโ€™y magpatuloy ang inyong tagumpay at pag-angat! โœจ

Address

Bago City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bago City College - Organisasyon ng Kamagfil posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category