20/08/2026
HABAGAT RESPONSE | TULONG AT BAYANIHAN
Sa gitna ng malakas na Habagat, nagsanib-puwersa ang Iskolar ng Bagac at Bagac Youth Health Ambassadors para sa isang joint donation drive bilang tugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng volunteers, officers, at mga Iskolars na naglaan ng kanilang oras, lakas, at anumang mayroon sila upang makatulong. Maliit man o malaki ang naibahagi, bawat donasyon ay may malaking halaga para sa mga nangangailangan. ๐ซถ
Sa panahon ng kalamidad, nawaโy patuloy nating isabuhay at palakasin ang diwa ng โang pagtutulungan, malasakit, at pagkakaisa para sa kapwa. Sapagkat sa oras ng pangangailangan, walang maliit na tulong kapag ito ay buong pusong ibinibigay.
Maraming salamat sa inyong malasakit, Iskolars at Bagakenyos! Sama-sama tayong tumindig, tumulong, at magmalasakit.