29/08/2026
Masayang nakilahok ang ating mga mag-aaral sa baitang 1 at 6 sa pagdiriwang ng Pista ni Sto. Domingo at Buwan ng Wika.
Suot ang kanilang Baro’t Saya at Barong Tagalog, buong pagmamalaking nagparada ang ating mga mag-aaral bilang pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Nakilala nila ang iba’t ibang pagkaing matatagpuan sa Laguna, Cavite, Bulacan, Pampanga, Cebu, Ilocos, Davao, at Bicol, at nagsalo-salo upang sama-samang ipagdiwang ang ating masaganang kultura at tradisyon.
Isang makulay at masayang pagdiriwang ng pagka-Pilipino!