Revilla Center

Revilla Center

Share

The Strike Livelihood Training Center offers a big opportunity to have a wonderful future life.

Photos from Revilla Center's post 02/06/2026

Date: June 1, 2026

Learning Outcome: Prepare Hot Meals

Performance Task: Trainees prepared and cooked a hot meal dish following standard recipes and food safety procedures.

Evidence of Performance:

Prepared ingredients (mise en place)

Actual cooking ex*****on

Finished hot meal product

Cleaned and sanitized work area post-cooking

02/06/2026

The wait is almost over! Bukas, June 3, 2026, 01:00 PM, opisyal na nating sisimulan ang Day 1 ng Body Scrub Training Program!

Sa pagsasanay na ito, pag-aaralan ng ating mga trainees ang sining at siyensya sa likod ng skin exfoliation at renewal. Mula sa pagkilala sa iba't ibang uri ng scrubs at natural ingredients, hanggang sa pag-master ng tamang masahe, hagod, at safety protocols—lahat ng ito ay hihimayin natin para sa isang premium spa experience!

Para sa lahat ng ating mga nakatalistang trainees, ihanda na ang inyong mga notebook, panulat, at ang inyong commitment na matuto ng bagong pangkabuhayang skill na pwedeng-pwede ninyong maging panimula sa inyong sariling spa business!

See you bright and early tomorrow, future wellness experts! Let’s start this journey strong!

Location: REVILLA Center, San Nicolas 2 (beside Holy Trinity Parish Church), Bacoor, Philippines, 4102


Photos from Revilla Center's post 01/06/2026

Handa na para sa kusina! Noong May 28, sumalang ang ating Scholars sa actual ex*****on ng Preparation of Meat Dishes.

Mula sa pagsasagawa ng tamang mise en place at pagluluto, hanggang sa malikhaing plating at presentation, bawat hakbang ay maingat nilang ginawa. Siyempre, hindi nawala ang mahigpit na pagpapatupad ng tamang kitchen procedures at food safety practices upang masigurong malinis, ligtas, at de-kalidad ang bawat putahe. Outstanding job, team!


Photos from Revilla Center's post 28/05/2026

Babalik muli sa basic pero pinakamahalagang step! Ang ating Beauty Therapy trainees ay sumalang muli sa kanilang practical session, focusing on Facial Cleansing techniques.

Hindi lang ito basta hilamos; mabusising pinag-aralan ng ating mga trainees ang tamang pag-analyze ng skin types, ang wastong muscle strokes para sa lymphatic drainage, at ang malalim na pagtanggal ng dumi at impurities nang hindi naiirita ang balat. Ang isang malinis na canvas ang pinakapundasyon ng kahit anong epektibong skincare treatment!

Sa pamamagitan ng patuloy na pag-practice na ito, mas napapatalas ng ating trainees ang kanilang "hand skills" at muscle memory. Handang-handa na silang maghatid ng propesyonal at de-kalidad na pamämaraan para sa kanilang mga kliyente at sa itatayo nilang spa or salon business!


Photos from Revilla Center's post 28/05/2026

Tuloy-tuloy ang pag-master ng sining ng paggupit! Para sa Day 2 ng ating Haircutting Training, sumalang na ang ating trainees sa pag-aaral ng Basic Haircut at kung paano tamang i-manage ang split ends.

Dito ay mabusising itinuro ang tamang anggulo ng paghawak ng gunting, wastong sectioning ng buhok, at ang mga teknik para maalis ang mga sirang dulo nang hindi nababawasan ang ganda at bagsak ng buhok ng kliyente. Napakahalagang pundasyon nito para sa malulusog at bagsak-gandang hair transformations!

Bawat gupit, may kasamang focus at pag-iingat! Unti-unti nang nahahasa ang kamay ng ating future professional hairstylists para sa kanilang magiging salon business. Keep up the great work, team!


Photos from Revilla Center's post 28/05/2026

Naging abala at napakaproduktibo ng linggong ito para sa ating Dressmaking NC II scholars! Ang focus ng ating training ngayong linggo: Sew Casual Apparel and Applying Finishing Touches on Casual Apparel.

Mula sa pagbuo ng mga basic panels hanggang sa paglalapat ng mga huling detalye, tulad ng malilinis na tahi, pagkakabit ng buttons, zippers, at ang tamang pagplantsa, mabusising sinuri ng ating trainees ang bawat gawa upang masigurong mall-quality ang bawat kasuotan.

Sa pag-master ng mga tamang teknik na ito sa casual wear, hindi lang sila natutong manahi, handang-handa na rin silang magsimula ng sarili nilong patahian o ready-to-wear (RTW) fashion clothing business!

Gawang pulido, gawang Bacooreño! Ipagpatuloy ang husay, future fashion designers and entrepreneurs!


Photos from Revilla Center's post 27/05/2026

Ginanap noong May 14, 2026 ang isang produktibong Rug Making Training para sa ating mga kababayan sa Hyacinth Residence, Brgy. Calubcob, Naic, Cavite!

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, natutunan ng mga kalahok ang sining at tamang teknik sa paggawa ng mga de-kalidad at matitibay na basahan o rug designs. Ang mga ganitong gawaing-kamay ay isang napakahusay na panimula para sa isang low-cost ngunit high-demand na home-based business!

Salamat sa aktibong pakikilahok ng bawat isa. Ang inyong determinasyon na matuto ang susi sa mas masiglang pangkabuhayan para sa inyong mga pamilya at komunidad! Patuloy tayong maghabi ng mas magandang kinabukasan!


Photos from Revilla Center's post 26/05/2026

Cookery Scholarship – 1st Batch 2026 (Day 4)

Level up na naman ang culinary skills ng ating mga scholars! Ngayong Day 4, sumalang ang ating trainees sa isang oral recitation at masusing discussion tungkol sa iba't ibang klaseng cuts na ginagamit sa cookery.

Pagkatapos nito, nagkaroon din ng actual demonstration para sa proper garnishing techniques, kung saan nag-focus ang session sa paggawa at tamang presentation ng coral tuile, isang sikat na aesthetic garnish sa plating!

Sobra namang naging aktibo ang ating trainees sa activity kung saan hands-on nilang in-apply ang kanilang basic knife skills at mga natutunang plating concepts. Kitang-kita ang potensyal ng ating future chefs!


Photos from Revilla Center's post 26/05/2026

Patunay na patuloy nating itinataas ang kalidad ng serbisyo! Ginanap ang Trainees' Evaluation para sa ating Beadworks at Candle Making programs upang marinig ang feedback ng ating mga trainees. 📊📿🕯️

Ang inyong mga feedback ang gabay natin upang mas pagandahin, ayusin, at panatilihing de-kalidad ang ating mga pangkabuhayan trainings. Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan para sa mas magandang kinabukasan ng bawat Bacooreño!


Photos from Revilla Center's post 26/05/2026

Opisyal nang nagsimula ang Day 1 ng ating Haircutting Training! Bago humawak ng gunting at magsimula ng aktwal na gupitan, sumalang muna ang ating mga training sa isang mahalagang panimula: ang Self-Check Assessment at Pre-test.

Ang mga paunang pagsusulit na ito ay napakahalaga upang malaman ang kanilang kasalukuyang kaalaman at ihanda ang kanilang mindset sa mga tamang teoratikal na konsepto ng hairstyling at kaligtasan. Dito nagsisimula ang pagbuo ng isang matibay na pundasyon!

Welcome sa ating bagong batch ng future professional hairstylists! Exciting ang journey na ito patungo sa inyong bagong pangkabuhayan at salon business. Let’s make this batch the sharpest one yet!


Want your school to be the top-listed School/college in Bacoor?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


REVILLA Center, San Nicolas 2 (beside Holy Trinity Parish Church)
Bacoor
4102