20/02/2026
๐๐ช๐ข๐๐จ๐๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ช๐ก๐๐ฎ ๐๐ฉ ๐ข๐๐ ๐๐๐ช๐ก๐ช๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ ๐ ๐๐ฉ ๐จ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐ข ๐๐๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ก 2026! ๐ฌโจ
Handa na ba kayong kiligin, matauhan, matawa, o mapaluha? Narito ang inyong pagkakataong makibahagi at pumili ng paborito sa pamamagitan ng Peopleโs Choice Award!
๐ Mga Alituntunin sa Pagboto:
1. Ipakita ang inyong suporta sa pamamagitan ng pag-click ng kahit anong Facebook reaction sa opisyal na post ng inyong napiling entry.
2. Hindi mabibilang ang comments at shares sa kabuuang bilang ng boto. Reactions lamang ang opisyal na tatanggapin.
3. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng autolikes o anumang anyo ng pandaraya. Ang mapatunayang lalabag ay awtomatikong madidiskwalipika para sa naturang parangal.
4. Ang pelikulang makakakuha ng pinakamaraming reactions hanggang 7:00 PM ng Pebrero 22, 2026 ang tatanghaling Peopleโs Choice Awardee.
5. Ang pagkapanalo sa parangal na ito ay hindi makaaapekto sa kabuuang iskor ng pelikula mula sa mga hurado.
๐๐๐๐๐ฃ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐๐ก๐๐ก
๐จ: Charles Phoenix Lindayag
KALAPASTANGANAN?
โAng pag-ibig ay mapagpalaya at ang mahalin ka ay hindi isang pagkakasala.โ
Ito ay isang kwento ng pananampalataya at wagas na pag-ibig nina Angel at Kristel sa kabila ng mapanghusgang mata ng iba at ng mapaglarong tadhana.
โK โ Kung ang batayan ay batas ng tao, tanggap ko ang sala,
โA โ Ang husgado ay bulag sa tunay na adhika.
โL โ Laman ay nabubulok, 'yan ang batas ng siyensya,
โA โ Ang natural na wakas ay pagkaagnas at pagkawala.
โP โ Pinili kong pigilan ang takbo ng kalikasan,
โA โ Ang puso moโy hindi sa lupa ang huling hantungan.
โS โ Sa aking loob, ikaw ay mananatiling buhรกy,
โT โ Tanging paraan upang tayoโy hindi magkahiwalay.
โA โ Alisin man ninyo ang hininga ng aking sinta,
โN โ Ninakaw man ninyo ang karapatan naming lumigaya,
โG โ Ginawa ninyong impyerno ang aming paraiso,
โA โ Alam kong sa inyong mata, kami ay makasalanang tao.
โN โ Ngunit ito ang isisigaw ng dugo sa aking pulso:
โA โ Ang tunay na "kalapastanganan" ay ang inyong pang-aabuso.
โN โ Ngayong iisa na kami, sino na ang talo?
Ang opisyal na entri ng BSEd Filipino 3C sa Feb-ibig Film Festival 2026.
Inihahandog ng: Erehe Productions
Pinagbibidahan nina: Maerel Detera at Ria Viรฑas
Sa Direksiyon ni: Charles Phoenix Lindayag