Hindi lang ito simpleng paggawa ng posterโito ay proseso, pagod, at passion. ๐ฌโจ
Silipin ang Behind The Scenes ng aming film poster para sa Feb-Ibig Film Festival 2026 at alamin kung paano nabuo ang bawat detalye.
Suportahan ang aming film poster sa pamamagitan ng pag-react sa mismong post na makikita sa link na nasa ibaba.
๐: https://www.facebook.com/share/1DEftDpYnr/
BSEd Filipino 3C - A.Y. '25-'26
Mga g**o sa hinaharap na nagpapakapaham sa asignaturang Filipino.
๐๐๐๐๐ฃ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐๐ก๐๐ก
๐จ: Charles Phoenix Lindayag
KALAPASTANGANAN?
โAng pag-ibig ay mapagpalaya at ang mahalin ka ay hindi isang pagkakasala.โ
Ito ay isang kwento ng pananampalataya at wagas na pag-ibig nina Angel at Kristel sa kabila ng mapanghusgang mata ng iba at ng mapaglarong tadhana.
โK โ Kung ang batayan ay batas ng tao, tanggap ko ang sala,
โA โ Ang husgado ay bulag sa tunay na adhika.
โL โ Laman ay nabubulok, 'yan ang batas ng siyensya,
โA โ Ang natural na wakas ay pagkaagnas at pagkawala.
โP โ Pinili kong pigilan ang takbo ng kalikasan,
โA โ Ang puso moโy hindi sa lupa ang huling hantungan.
โS โ Sa aking loob, ikaw ay mananatiling buhรกy,
โT โ Tanging paraan upang tayoโy hindi magkahiwalay.
โA โ Alisin man ninyo ang hininga ng aking sinta,
โN โ Ninakaw man ninyo ang karapatan naming lumigaya,
โG โ Ginawa ninyong impyerno ang aming paraiso,
โA โ Alam kong sa inyong mata, kami ay makasalanang tao.
โN โ Ngunit ito ang isisigaw ng dugo sa aking pulso:
โA โ Ang tunay na "kalapastanganan" ay ang inyong pang-aabuso.
โN โ Ngayong iisa na kami, sino na ang talo?
Ang opisyal na entri ng BSEd Filipino 3C sa Feb-ibig Film Festival 2026.
Inihahandog ng: Erehe Productions
Pinagbibidahan nina: Maerel Detera at Ria Viรฑas
Sa Direksiyon ni: Charles Phoenix Lindayag
20/02/2026
๐๐ช๐ข๐๐จ๐๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ช๐ก๐๐ฎ ๐๐ฉ ๐ข๐๐ ๐๐๐ช๐ก๐ช๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ ๐ ๐๐ฉ ๐จ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐ข ๐๐๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ก 2026! ๐ฌโจ
Handa na ba kayong kiligin, matauhan, matawa, o mapaluha? Narito ang inyong pagkakataong makibahagi at pumili ng paborito sa pamamagitan ng Peopleโs Choice Award!
๐ Mga Alituntunin sa Pagboto:
1. Ipakita ang inyong suporta sa pamamagitan ng pag-click ng kahit anong Facebook reaction sa opisyal na post ng inyong napiling entry.
2. Hindi mabibilang ang comments at shares sa kabuuang bilang ng boto. Reactions lamang ang opisyal na tatanggapin.
3. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng autolikes o anumang anyo ng pandaraya. Ang mapatunayang lalabag ay awtomatikong madidiskwalipika para sa naturang parangal.
4. Ang pelikulang makakakuha ng pinakamaraming reactions hanggang 7:00 PM ng Pebrero 22, 2026 ang tatanghaling Peopleโs Choice Awardee.
5. Ang pagkapanalo sa parangal na ito ay hindi makaaapekto sa kabuuang iskor ng pelikula mula sa mga hurado.
๐๐๐๐๐ฃ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐๐ก๐๐ก
๐จ: Charles Phoenix Lindayag
KALAPASTANGANAN?
โAng pag-ibig ay mapagpalaya at ang mahalin ka ay hindi isang pagkakasala.โ
Ito ay isang kwento ng pananampalataya at wagas na pag-ibig nina Angel at Kristel sa kabila ng mapanghusgang mata ng iba at ng mapaglarong tadhana.
โK โ Kung ang batayan ay batas ng tao, tanggap ko ang sala,
โA โ Ang husgado ay bulag sa tunay na adhika.
โL โ Laman ay nabubulok, 'yan ang batas ng siyensya,
โA โ Ang natural na wakas ay pagkaagnas at pagkawala.
โP โ Pinili kong pigilan ang takbo ng kalikasan,
โA โ Ang puso moโy hindi sa lupa ang huling hantungan.
โS โ Sa aking loob, ikaw ay mananatiling buhรกy,
โT โ Tanging paraan upang tayoโy hindi magkahiwalay.
โA โ Alisin man ninyo ang hininga ng aking sinta,
โN โ Ninakaw man ninyo ang karapatan naming lumigaya,
โG โ Ginawa ninyong impyerno ang aming paraiso,
โA โ Alam kong sa inyong mata, kami ay makasalanang tao.
โN โ Ngunit ito ang isisigaw ng dugo sa aking pulso:
โA โ Ang tunay na "kalapastanganan" ay ang inyong pang-aabuso.
โN โ Ngayong iisa na kami, sino na ang talo?
Ang opisyal na entri ng BSEd Filipino 3C sa Feb-ibig Film Festival 2026.
Inihahandog ng: Erehe Productions
Pinagbibidahan nina: Maerel Detera at Ria Viรฑas
Sa Direksiyon ni: Charles Phoenix Lindayag
12/01/2026
BSED Filipino 3Cโlahat ay matagumpay na nakapasa, bunga ng sama-samang pagsisikap, pagtitiyaga, at ilang sandaling pakikipaglaban sa antok at deadlines. Matagumpay na nalagpasan ang unang se,mestre ng ikatlong taon sa kolehiyo, isang yugto na puno ng hamon ngunit mas pinatibay ng pagkakaisa. Isang semestre na lamang at hahakbang na sa ika-4 na taonโbitbit ang mga aral, lakas ng loob, at ilang puyat na naging bahagi ng aming tagumpay. โจ
๐ผ๏ธ: Najean Vitug
21/02/2025
Happy Birthday, Sir Tristan! ๐ฅณ๐
Ang iyong kaarawan ay isang panibagong yugto na dapat ipagpasalamat at ipagdiwang. Nawa'y manatili ang iyong dedikasyon sa iyong propesyon at patuloy na maging inspirasyon. Maging masagana sana at punong-puno ng pagmamahal ang taon na ito sa iyo at sa mga darating pa na taon. Hiling namin lagi ang iyong kasiyahan at mabuting kalusugan.
Muli, maligayang kaarawan, Sir Tristan! ๐ค
14/02/2025
Happy Valentine's day! ๐๐
Ang araw na ito ay hindi lamang para sa mga magkasintahan dahil ito ay para sa lahat ng nagmamahal maaaring sa magulang, g**o, o kaibigan. Hindi kailangan ng magarbong regalo upang maiparamdam ang iyong pagmamahal. Tandaan, you can express your love in any way at kailangan kahit hindi araw ng mga puso naipapakita mo sa kanilang mahalaga at mahal mo sila.๐โจ
15/01/2025
โจ Marka Reveal Alert! โจ
Pagbati para sa mga mag-aaral ng Batsilyer ng Pansekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino 2-C para sa kanilang natatanging dedikasyon sa Unang Semestre ng Panuruang taon 2024-2025!๐
Tagumpay na namang nalampasan ang panibagong semestre na kinaharap ng mga 2-C! Tunay na hindi naging madali ang tinahak ninyong landas dahil kasama ng tagumpay na ito ang bawat araw na may kasamang puyat, pagod, sakripisyo, at mga hamong sumubok sa inyong kakayahan, subalit sa kabila nito ay pinatunayan ninyo na ang lahat ng pagpapagal ay may tagumpay na bunga sa huli.๐ค ๐ซ
Ang lahat ng mga ito ay hindi hadlang upang marating ang inyong pinipithayang pangarap. Maging inspirasyon sana sa inyo ang mga hirap na kinaharap at kinakaharap ninyo upang magpatuloy sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Muli, isang mainit na pagbati BSEd Filipino 2-C! Pagbati mga huwarang tagapagtaguyod ng wikang Filipino at huwarang g**o sa hinaharap!๐จ๐ปโ๐ซ๐ฉ๐ปโ๐ซโจ
๐ผ๏ธ: Najean Vitug & John Patrick Guevarra
โ๐ป: Maerel Detera
"๐จ๐๐ ๐ป๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐" isinalin ng ikatlong pangkat mula sa BSEd Filipino 2-C. Pagbati sa mahusay na pagsasalin sa kantang "Ing Taung Sugarul". Ang orihinal na komposisyon at awitin ni Totoy Bato.
Ang kantang ito ay tungkol sa taong mahilig sumugal na kahit mahirap na ang buhay. Ang abuloy ng kaniyang tatay ay idinala siya sa sugalan sa isang laro lamang ito ay natalo lahat, hindi na napalibing ang tatay niya isang buwan siyang humihingi ng tulong ngunit wala ng nagbibigay. Hanggang sa nagpasya ito na ilibing na lamang ang kaniyang tatay sa likod bahay nila. Pagbati sa Ikatlong Pangkat sa napakahusay na pagsasalin at kagalingan sa inyong talento.
Inawit ni: Najean Vitug
"๐จ๐๐ ๐ท๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐" isinalin ng Ikalimang Pangkat mula sa BSEd Filipino 2-C. Pagbati sa mahusay na pagsasalin sa kantang "Ing Lugud ning Indu". Ang orihinal na komposisyon at awitin ni Totoy Bato.
Ang kantang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina. Ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang mga anak mula ng sila ay kaniyang sinilang hanggang sa pagtanda ng mga ito ay minahal niya ng sobra at inalagaan. Ang pamilyang ito ay punong-puno ng pagmamahal at kasiyahan ngunit isang araw ang ganti ng anak ay puro pagkasala. Nang matanda at may sakit na ang ina ay doon pa lamang inalagaan hanggang sa ito ay mamatay. Sa pagkawala ng kanilang ina ay labis ang kalungkutang ng mga anak at naranasan nila ang hirap ng walang magulang. Pagbati sa Ika limang Pangkat sa napakahusay na pagsasalin at kagalingan sa inyong talento.
Inawit ni: Roshaine Samapang
"๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐จ๐๐" isinalin ng Ika-apat na Pangkat mula sa BSEd Filipino 2-C. Pagbati sa mahusay na pagsasalin sa kantang "Mate Cu Man". Ang orihinal na komposisyon at awitin ni Totoy Bato.
Ang kantang ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang lalake sa babae. Ito ay tungkol sa pag-iibigan nila sa sobrang pagmamahal ng lalake na kapag sinagot na siya ng babae ay masaya o maligaya na siyang mamamatay. Ang pagmamahal ng lalake sa babae ay walang hanggan at walang katapusan hanggang sa kamatayan. Pagbati sa Ika-apat Pangkat sa napakahusay na pagsasalin at kagalingan sa inyong talento.
Inawit ni: Luis Maro David
"๐ด๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐" isinalin ng Unang Pangkat mula sa BSEd Filipino 2-C. Pagbati sa mahusay na pagsasalin sa kantang Kampangan na "Abak a Maranun". Ang orihinal na komposisyon at awitin ni Totoy Bato.
Ang awiting ito ay naglalaman ng masuyong damdamin ng isang lalaki para sa isang babae. Nagsimula ang lahat sa isang simpleng tagpo, ngunit unti-unti itong lumalim at naging makabuluhan. Ipinapakita ng kanta kung paano maaaring magsimula sa maliit na bagay ang isang dakilang pag-ibig. Pagbati sa Unang Pangkat sa napakahusay na pagsasalin at kagalingan sa inyong talento.
Inawit ni: Kimberly Joy Castro
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Bacolor
2001