25/02/2026
🎭✨ Isang Yugto, Isang Diwa, Isang Layunin.
Ipinagmamalaki ng Baitang 10 ang kanilang pagtatanghal ng “Dr. Jose Rizal’s El Filibusterismo: A Musical Theater Play”—isang makapangyarihang pagsasabuhay ng nobela ni Dr. Jose Rizal na sumasalamin sa tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan.
Sa pamamagitan ng sama-samang talento at dedikasyon ng bawat seksyon, muling mabubuhay ang mga tauhan at aral ng El Filibusterismo sa entablado.
📅 Pebrero 27, 2026
🕐 1:00 PM
📍 UNO-R Gymnasium
Suportahan ang iba’t ibang seksyon at maging bahagi ng isang makasaysayang pagtatanghal na pinagbuklod ng puso, isipan, at sining.