29/08/2026
PAGSULAT NG EDITORYAL | ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป, ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda."
Ito ang tanyag na diwa ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Dahil dito, ang bawat Pilipino ay dapat maging magiliw sa wika at sa bansa.
Ngayon, mas napalago pa ito sa tulong ng Artificial Intelligence o AI at sa bawat gintong impormasyong handog nito.
Ano nga ba ang naitulong ng AI sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino?
Dati, wikang Ingles lamang ang gamit ng AI sa pananaliksik, ngunit hindi na ngayon.
Sa tulong ng mga kasangkapan tulad ng Google Translate at ChatGPT, mabilis na naisasalin ang malalalim na salitang Ingles sa Wikang Filipino na mas madaling intindihin ng mga Pilipino.
Mabilis pa sa kidlat ang paglaganap nito sa bansa; kaya ngayon, sa isang pindot lang, kaya na ng AI na magsalin ng mga awitin, magtama ng taludtod, at magbigay ng kahulugan sa mga salitang tulad ng "balintataw" at "pagsintang wagas" na minsan ay nakakalimutan na ng kabataan.
Kung babalikan natin ang pahina ng kahapon, dati ay Linggo ng Wika lamang ito tuwing kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon.
Ngunit noong taong 1997, sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 1041 ng dating Pangulong Fidel V. Ramos, ginawa itong Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto para sa mas mahabang pagdiriwang.
Layunin nitong paigtingin ang pagmamahal ng bawat isa sa sariling wika.
Kapag nagbalik-tanaw tayo sa pinagmulan, doon natin makikita ang ugat ng ating pagkakakilanlan.
Isang dangal ang AI dahil sa malawak nitong tulong.
Ngunit sa kabila ng malaking tulong ng AI sa pagpapalaganap ng wikang pambansa at pagpapagaan ng mga gawain, mayroon din itong mga banta.
Sa hindi tamang paggamit, napapahina nito ang kritikal na pag-iisip ng mga tao, lalo na ng mga kabataan, dahil itinitiwala na nila ang lahat sa makinaโna kung minsan ay nagkakamali rin sa pagsasalin.
Kapag palaging umaasa rito, maaaring matabunan ang tunay na husay ng tao.
Kaya naman dapat nating alamin ang ating responsibilidad at limitasyon sa paggamit ng makabagong teknolohiyang ito.
Marapat ipagmalaki at ipalago ang sariling wika.
Sa tulong ng AI ay mas mapapadali ito, bagama't laging tandaan ang limitasyon at ang sariling kakayahan.
Bawat tao ay may bukod-tanging talento, gaya ng pagsusulat, pag-awit, at pagsayaw, at mas mapasisiklab ito sa tamang paggamit ng makabagong teknolohiya.
Sa sandaling ito, ngayong Agosto, ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Kaya ang mga paaralan, kahit hindi sabay-sabay, ay magkakasamang ipinagdiriwang ang iisang paggunita.
Patuloy nating ipagmalaki ang wika at kasaysayan, habang sabay ring nagpapasalamat sa mga biyaya ng teknolohiya.
Kasaysayan, wika, at diwa, ang bitbit sa bawat daloy ng panahon.
๐๐จ๐๐ฃ๐ช๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐: ๐ผ๐ก๐ฉ๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ง๐๐ ๐. ๐ผ๐ฅ๐ค๐จ๐๐๐
๐ฝ๐๐จ๐ฌ๐๐ก ๐ฃ๐: ๐ผ๐ฃ๐๐๐ก ๐๐๐๐๐๐ก๐ก๐ ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฃ๐ ๐
๐๐ก๐๐ฃ๐๐ค๐ฃ๐