12/09/2026
๐ต๐ญ ๐ท๐จ๐ฎ๐ซ๐ฐ๐น๐ฐ๐พ๐จ๐ต๐ฎ ๐ต๐ฎ ๐ฉ๐ผ๐พ๐จ๐ต ๐ต๐ฎ ๐พ๐ฐ๐ฒ๐จ 2026 ๐ต๐ญ
Matagumpay at makabuluhang ipinagdiwang ang Buwan ng Wika 2026 na may temang โ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฉ ๐ผ๐: ๐๐๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ช๐ก๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ข๐๐ฃ.โ Sa pamamagitan ng ibaโt ibang gawain at paligsahan, naipamalas ng ating mga mag-aaral ang kanilang talento, kakayahan, at pagkamalikhain, gayundin ang kanilang pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang ating kinagisnan.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa aming Barangay Council, lalo na sa aming Mahal na Punong Barangay, Reynaldo Mostrales sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa. Maraming salamat po sa pagkakaloob ng cash prizes para sa ating mga nagwagi at sa paglalaan ng inyong oras upang magsilbing mga hurado sa ating mga paligsahan. Ang inyong suporta ay malaking tulong upang maging mas makabuluhan at matagumpay ang ating pagdiriwang.
Lubos at taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang na buong-pusong sumuporta at naging katuwang namin sa paghahanda ng kanilang mga anak. Maraming salamat po sa inyong oras, pagsisikap, at paggabay upang maging handa at kumpiyansa ang ating mga munting kalahok. Ang inyong pakikiisa at suporta ay tunay na mahalaga at malaking bahagi ng tagumpay ng pagdiriwang na ito.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa aming mapagbigay na sponsor Kiddie SHINE Learning Center sa bukal sa pusong pagkakaloob ng mga regalo para sa ating mga mag-aaral. Sa lahat ng naging bahagi ng pagdiriwang, Barangay Council, mga magulang, sponsor, at mga mag-aaral, maraming salamat po sa inyong mahalagang ambag at pakikiisa. Sama-sama nating patuloy na itaguyod ang pagmamahal sa Wikang Filipino, kultura, at yaman ng kaalaman para sa susunod na henerasyon. Mabuhay ang Wikang Filipino! ๐ต๐ญ