28/05/2026
ππ TAOS-PUSONG PASASALAMAT! ππ
Ang pamunuan ng Baao National High School ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga Brigada Eskwela 2026 Volunteers at Donors na naglaan at maglalaan ng oras, lakas, talento, suporta, at mga donasyon para sa tagumpay ng ating Brigada Eskwela.
Ang inyong pakikiisa at bayanihan ay malaking tulong upang maihanda natin ang isang ligtas, malinis, maayos, at mas kaaya-ayang paaralan para sa ating mga mag-aaral sa darating na panuruang taon.
Sa bawat kagamitan, serbisyo, at oras na inyong ibinahagi, tunay ninyong ipinakita ang malasakit at pagmamahal sa edukasyon at sa kinabukasan ng kabataan.
β¨ Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming misyon para sa mas maunlad at handang paaralan!
β¨ Nawaβy patuloy nating mapanatili ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan sa ating komunidad.
π€ Magkaisa para sa kinabukasan ng mga bata!
π₯ BRIGADA NA! MAGBAYANIHAN NA! ANO? TARA NA! π₯