DepEd San Rafael ES - Atimonan, Quezon

Call Contact the school

DepEd  San Rafael ES - Atimonan, Quezon Complete Elementary school

“Every game is a chance to become better.”                                                                              ...
09/08/2026

“Every game is a chance to become better.”
by: NLR
Muling ipinamalas ng mga mag-aaral ng San Rafael Elementary School (SRES) ang kanilang husay, determinasyon, at sportsmanship sa katatapos na Municipal Meet, August 8-9, 2026, kung saan matagumpay silang nakilahok at nag-uwi ng mga karangalan para sa kanilang paaralan.

Narito ang batang nagpakita ng husay at galing sa larangan ng sports:

Chess:
Coach: Rizalyn Camuñas
1. Kian O. Verano
2. Liam Aiden C. De Paz

Sepak Takraw: ELEMENTARY
Coach: Amie Ricafort
1st Runner Up
1. Vince De Leon
2. John Jamil Francisco
3. Kiel Joseph Niala
4. Jared Grae Patiño
5. Carl Antoni S. Royo

BADMINTON: ELEMENTARY G AND B, Single & Doubles
Coaches: Ana Pareda , Leigh Ann Vallesteros Verastigue
1. Akiessha G. Pua
2. Jullie Ann Manalo
3. Jacob Matthew M. Ricafort
4. Lebron Jae E. Reyes
5. Trojohn D. Balois

Athletics: ELEM
Coaches: AnJoy Romero - Abegonia & Marisa Atendido
1. Jhamer D. Biasca- First Placer for Long Jump
2. Luisito Doria
3. John Kenneth R. Mendoza
4. Pauline A. Patriarca
5. Carl Norwin Nollas
6. Keijra - LSEN

Sa bawat laro at kompetisyong kanilang sinalihan, ipinakita ng ating mga batang atleta ang disiplina, tiyaga, tapang, teamwork, at respeto sa kapwa manlalaro. Bawat laban ay nagsilbing pagkakataon upang mahasa hindi lamang ang kanilang kakayahan sa sports kundi maging ang kanilang karakter at tiwala sa sarili.

Ang mga tagumpay na kanilang nakamit ay bunga ng walang sawang pagsasanay, paggabay ng kanilang coaches, suporta ng School Head, Gng. Melanie Urtola-Flores ,encouragement ng mga g**o, at pagmamahal at sakripisyo ng mga magulang. Malaki rin ang naging bahagi ng buong SRES community at mga stakeholders na patuloy na nagbibigay ng suporta sa ating mga batang atleta.

Sa mga SRES athletes, congratulations! Ang inyong mga medalya at pagkilala ay simbolo ng inyong pagsisikap at dedikasyon. Ngunit higit pa sa anumang medalya, ipinagmamalaki namin ang inyong ipinakitang sportsmanship, perseverance, at character.

Patuloy ninyong dalhin ang pangalan ng San Rafael Elementary School nang may dangal, kababaang-loob, at determinasyon.

You competed with courage, played with heart, and won with pride!

🏆 Congratulations, SRES Athletes!
Your victory is a victory for the whole SRES family!
📸 ctto

🌿 SRES EARNS 5-STAR RECOGNITION FOR SOLID WASTE MANAGEMENT                                                              ...
09/08/2026

🌿 SRES EARNS 5-STAR RECOGNITION FOR SOLID WASTE MANAGEMENT by: NLR

A clean school reflects a responsible community.

Isang malaking karangalan para sa San Rafael Elementary School (SRES) ang pagkamit ng 5-Star Recognition mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at pagkilala mula sa Department of Education (DepEd) sa isinagawang Environmental Summit noong nakaraang Biyernes, Hulyo 31, 2026 dahil sa mahusay na pagpapatupad ng Solid Waste Management (SWM) sa paaralan sa pamamagitan ng Project SUNFLOWER(Stakeholders' Unity Nurtures to Flourish Life of Organized Warriors of Environmental Restoration)

Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng SRES na mapanatili ang isang malinis, maayos, ligtas, at environment-friendly na learning environment para sa mga mag-aaral at buong school community.

Sa pamamagitan ng wastong segregation, waste reduction, recycling, reuse, proper disposal, cleanliness drives, at environmental awareness activities, naipakikita ng SRES na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang isang programa kundi isang responsibilidad at kulturang sama-samang isinasabuhay.

Ang 5-Star recognition ay bunga ng teamwork, commitment, discipline, at malasakit ng buong SRES community—mula sa Pansamantalang Tagamahala ng paaralan, Gng. Melanie Urtola-Flores , mga g**o, at mga g**ong nakatalaga sa pamamahala ng Proyekto, Gng. Marisa Atendido at Gng. AnJoy Romero - Abegonia , mga mag-aaral, parents, stakeholders, hanggang sa mga katuwang na tanggapan ng pamahalaan.

Taos-pusong pasasalamat sa MENRO at DepEd sa pagkilala at patuloy na paggabay sa mga paaralan tungo sa mas sustainable at environment-conscious na komunidad.

Higit sa isang parangal, ang 5-Star Recognition ay isang hamon na ipagpatuloy ang magandang nasimulan.

Clean school. Green school. Responsible school.

🌱 Congratulations, San Rafael Elementary School!
Five Stars for a cleaner, greener, and more sustainable SRES! ⭐⭐⭐⭐⭐

🏆 SRES TAGULTOL: A DANCE OF CULTURE, PASSION, AND PRIDE! 💃🕺                                                             ...
09/08/2026

🏆 SRES TAGULTOL: A DANCE OF CULTURE, PASSION, AND PRIDE! 💃🕺
by: NLR
They Danced. They Believed. They Conquered.

Mula sa bawat ensayo hanggang sa entablado, dala ng mga batang San Rafael Elementary School ang kanilang pangarap, determinasyon, at pagmamahal sa Sayaw Tagultol.

At ang resulta? 2nd Runner-Up!

Hindi man ang pinakamataas na puwesto, ipinakita nila na ang tunay na tagumpay ay nasa pusong hindi sumusuko, sa bawat hakbang na sabay-sabay na ginagawa, at sa pagkakaisang nabubuo sa bawat kumpas ng sayaw.

Isang karangalang hatid ninyo sa SRES! Ang inyong talento, tiyaga, at dedikasyon ay inspirasyon sa buong paaralan.

You danced with passion, performed with pride, and finished with honor. Congratulations, SRES dancers!

2nd Runner-Up in the competition, but FIRST in our hearts!

Kodus sa matitiyagang trainers, kua Czar Augustus Lopez at edzel campos,sa papamatnubay ng mga g**ong namamahala,Ana Pareda at Leigh Ann Vallesteros Verastigue ,pasasalamat din sa Pansamantalang Tagapamahala ng paaralan at MT II,Gng. Melanie Urtola-Flores.

Congratulations, SRES young dancers! You made San Rafael Elementary School proud!
📸ctto

A milestone of 65 years,..
18/07/2026

A milestone of 65 years,..

Retirement isn't the end—it's the beginning of a life well deserved. Congratulations Ma'am Carmen Deguero!
18/07/2026

Retirement isn't the end—it's the beginning of a life well deserved. Congratulations Ma'am Carmen Deguero!

16/07/2026

May puso ka ba sa pagtuturo at pagtulong sa mga mag-aaral?

Inaanyayahan namin ang mga kwalipikadong indibidwal na maging bahagi ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program bilang ARAL Tutor.

Layunin ng Programa:
📚 Palakasin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa Pagbasa at Matematika.

📍 Makipag-ugnayan sa OIC ng paaralan Gng. Melanie Urtola-Flores o sa School ARAL Coordinator Ma'am Rizalyn Camuñas, para sa mga kinakailangang dokumento at detalye ng aplikasyon.

Maging bahagi ng paghubog ng kinabukasan ng ating mga mag-aaral!

16/07/2026

“Isang tumutugon at makaserbisyong paaralan na nakatuon sa pagbibigay ng accessible, episyente, at de-kalidad na serbisyong pang-edukasyon para sa lahat ng stakeholder.” Alinsunod sa Republic Act No. 11032, na kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, inaatasan ang mga paaralan na magbigay ng malinaw, madaling maunawaan, at madaling ma-access na impormasyon tungkol sa kanilang mga frontline services. Sa pamamagitan ng Citizen’s Charter, ipinakikita ng Paaralang Elementarya ng San Rafael sa pamumuno ni Gng. Melanie Urtola-Flores, MT II/OIC, ang pangako sa pananagutan, pagiging bukas at tapat sa serbisyo, maagap na pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, at kahusayan sa paghahatid ng serbisyong pampubliko.
Layunin ng Citizen’s Charter na mapabuti ang kalidad ng serbisyo sa pamamagitan ng pagtiyak na ang lahat ng transaksyon ay naisasagawa nang mabilis, makatarungan, at naaayon sa itinakdang pamantayan. Pinatitibay rin nito ang ugnayan ng paaralan at ng mga stakeholder sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagtitiwala, bukas na komunikasyon, at sama-samang pananagutan sa pagkamit ng de-kalidad na edukasyon.

📌 Para sa kopya ng Citizens'Charter, maaring bisitahin ang link na ito: https://tinyurl.com/SRES-CCharter26 / I-scan ang QR CODE

Kaugnay nito, upang masukat kung gaano kaepektibo at kasatisfied ang mga mamamayan sa serbisyong ibinibigay ng aming tanggapan, maari nyong bisitahin ang link na ito:
📌 https://tinyurl.com/SRES-CSSurvey

Nawa’y magsilbi itong gabay upang higit pang mapalakas ang tiwala at pakikipagtulungan ng komunidad sa paaralan. Sama-sama nating isulong ang isang sistemang pang-edukasyon na nakabatay sa mahusay na serbisyo, bukas na komunikasyon, at pananagutan para sa kapakanan at tagumpay ng bawat mag-aaral.

From your SRES FAM, Happy Bday Auntie Carmen Deguero !        Your lessons continue to inspire long after the classroom....
15/07/2026

From your SRES FAM, Happy Bday Auntie Carmen Deguero !
Your lessons continue to inspire long after the classroom. May God bless you with good health and many more wonderful years.

Warmest Congratulations, Ma'am AnJoy Romero - Abegonia  on your well-deserved promotion! 🎉Your hard work, dedication, an...
08/07/2026

Warmest Congratulations, Ma'am AnJoy Romero - Abegonia on your well-deserved promotion! 🎉
Your hard work, dedication, and passion for excellence have inspired many. This achievement is a reflection of your commitment and the positive impact you make every day. Wishing you continued success and fulfillment as you take on this new role.
From your SRES Fam, Onward and upward—congratulations!

📢 ANNOUNCEMENTCode YELLOW (Hinay/Ease-In)Pursuant to DepEd Order No. 014, s. 2026(Guidelines on Learning Continuity Duri...
08/07/2026

📢 ANNOUNCEMENT

Code YELLOW (Hinay/Ease-In)

Pursuant to DepEd Order No. 014, s. 2026
(Guidelines on Learning Continuity During Emergencies)

San Rafael Elementary School will implement Modular Distance Learning due to the scheduled QUEZELCO Power Interruption.

📅 Date: July 10, 2026 (Friday)
🕕 Time: 6:00 AM – 5:00 PM

✅LEARNERS- MODULAR DISTANCE LEARNING(MDL)
✅TEACHING & NON -TEACHING PERSONNEL- will remain on respective stations during class hours

📚 Let's stay safe, keep learning, and continue learning anywhere, anytime!

Address

Atimonan
4331

Telephone

+639479949103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd San Rafael ES - Atimonan, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd San Rafael ES - Atimonan, Quezon:

Shortcuts

Share

Category