21/07/2026
Ready ka na ba sa SAMBUWA 2026?
Dahil muling sumisiklab ang diwa ng SAMBUWA, balikan natin ang makasaysayang SAMBUWA 2025—isang pagdiriwang na nag-iwan ng kakaibang saya, matinding kompetisyon, at karangalang ipinagmamalaki ng buong Northern Antique Vocational School.
Ngayon, handa na tayong harapin ang panibagong hamon sa SAMBUWA 2026. Muling magpapakitang-gilas ang bawat atleta at tagasuporta ng kani-kanilang kuponan sa diwa ng pagkakaisa, sportsmanship, at kahusayan. Sa taong ito, pangungunahan ng Grade 12 Roaring Tigers bilang host ang pinakamalaking paligsahan ng ating paaralan.
Habang binabalikan natin ang masasayang alaala ng nakaraang SAMBUWA, magsilbi sana itong inspirasyon upang higit pang pag-alabin ang ating dedikasyon at pagmamahal sa ating paaralan.
Bilang hudyat ng pagsisimula ng SAMBUWA 2026, buong pagmamalaking inihahatid ng Growling Tigers ang opisyal na theme song na "Alab ng BIDA"—na sumasalamin sa determinasyon, disiplina, at kakayahan ng bawat batang NAVSian. Sapagkat sa NAVS, ikaw ang BIDA—Batang may Ibubuga, Determinado, at Abanse.
🎥 Video: Michael Lorenzo/ IRIRIMAW
✍️ Lyrics: Sir Ming