03/03/2026
Safety is a Shared Goal! π₯π«
"Hangad Nating Lahat, Pamayanang Handa, Aktibo at Masagana."
This Fire Prevention Month, letβs move beyond just "being careful" and start being proactive. A single spark can change a life, but a prepared community can protect a future. Being Handa (Prepared) and Aktibo (Active) is the key to a Masagana (Prosperous) life for everyone!
How can you be a Fire Safety Hero today?
Check your wires: Say no to "octopus" connections. If your outlets look like a science project, itβs time to unplug. π
Kitchen Watch: Never leave a stove unattended. That "quick" scroll on TikTok can wait; your fried fish cannot. π
Clear the Path: Ensure your fire exits and hallways are free of clutter. In an emergency, every second counts.
Test the Tech: Check your smoke detectors and fire extinguishers. Better to have them and not need them than the other way around!
Letβs keep our homes safe and our spirits high. Share this post to remind your neighbors that fire prevention starts with US.
16/02/2026
Antipolenos....
Lagi nating tandaan...
Kapag lupa ay gumalaw, iwasang mataranta
Dapat ay mag-Duck, Cover, Hold ka!
Makiisa sa 2026 Quarterly National Simultaneous Earthquake Drill (NSED)
08/11/2025
sa Antipolo City sa darating na Lunes, November 10, 2025, ALL levels, public and private to ensure the safety of our students and teachers. Suspendido ang face-to-face at online classes.
Malawak ang sakop ng Bagyong Uwan na inaasahan magdadala ng malakas na hangin at ulan sa ating lugar kaya ang lahat po ay pinag-iingat.
sa Antipolo City sa darating na Lunes, November 10 at ayon sa DILG, pati Martes, November 11, 2025. ALL levels, public and private. Suspendido ang face-to-face at online classes.
06/11/2025
Ang Schools Division Office (SDO) Antipolo City ay matagumpay na lumahok sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong umaga, Nobyembre 6, 2025, na naglalayong palakasin ang pagiging handa sa sakuna ng buong komunidad ng paaralan. Sa pagpapatunog ng hudyat, mabilis at maayos na nagsagawa ang mga mag-aaral, g**o, at kawani ng protokol na "Duck, Cover, and Hold" bago nagtungo sa mga itinalagang Evacuation Area para sa mabilis na headcount at simulasyon. Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng matibay na dedikasyon ng SDO Antipolo na isulong ang isang kulturang ligtas at handa laban sa mga mapaminsalang epekto ng lindol.
03/11/2025
Alamin ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng pagbaha dulot ng matinding pag-ulan.
Ibayong pag-iingat ang ipinapahatid sa lahat.
Mula sa Civil Defense PH
03/11/2025
πππ©ππ π«ππππ² π€π π¬π πππ§ππ π§π πππ π²π¨!
Narito ang mga hakbang na maaari ninyong gawin upang manatiling ligtas sa tuwing may bagyo.
Sundin ang mga ito at siguraduhing ligtas ang iyong sarili, pamilya, at komunidad. Ingat!
03/11/2025
Dahil may bagyong paparating! Kahit di po ito direktang tatama sa atin inaabisuhan po ang lahat na panundan ang mga sumusunod na paalala....
Palaala sa mga SH/SDRRM Coordinators ng mga Paaralan sa SDO ANTIPOLO City upang maiwasan ang kapahamakan sa panahon ng masamang panahon.
1. Siguraduhing nakatabi sa ligtas na lugar ang mga gamit ng Paaralan. Ilagay sa mataas na lalagyan ang mga dokumento at ICT tools na lubhang mahalaga at takpan ng plastic upang hindi mabasa.
2. Lagyan ng trapal ang mga bintanang jalousie at mga siwang ng pinto para hindi pasukin ng ulan.
3. Ilayo ang mga learning tools na maaring mabasa ng ulan.
4. Suriin ang mga koneksyon ng kuryente para masig**ong di ito magiging sanhi ng kapahamakan sa paaralan.
5. Putulin ang mga sanga ng punong nakalaylay.
6. Ihanda and pasilidad ng Paaralan na ginagamit na temporary evacuation center.
7. Makipag ugnayan sa mga taga Barangay at LGU para sa agarang tulong na maaring kailanganin.
8. Panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon sa lahat ng ahensya ng gobyerno.
9. Maging alerto at handa sa lahat ng oras.
Kahandaan at kaalaman para maiwasan ang kapahamakan.
10. Huwag basta maniwala sa mga nagsusulputang impormasyon gumawa muna ng beripikasyon bago ikalat.
11. Maging mahinahon sa pag antabay ng kanselasyon ng klase. Dapat tandaan na kahit nababasa ka ng ulan eh hindi nun naaalis ang iyong pinag aralan at ang iyong mabuting asal.
12. Ipagbigay alam ang sitwasyon ng mga nasasakupan sa kinauukulan...
18/10/2025
Pinamunuan ni PDO II DRRM Noel C. Merino ang misyon ng DepEd CALABARZON Team 6 na nagsagawa ng masusing validation ng mga napinsalang silid-aralan sa Cebu matapos ang magnitude 6.9 na pagyanig. Katuwang niya sa mahalagang gawaing ito ang dalawa pang PDO II (Project Development Officer II) mula sa rehiyon: si Henry Ramirez ng SDO Batangas City at si Caren Joy Zerna ng SDO Cavite City. Ginamit nila ang kanilang expertise sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at facilities assessment upang makakuha ng tumpak na datos sa lawak ng pinsala.
Ang joint effort ng mga opisyal na ito ay nagpakita ng mabilis at organisadong pagtugon ng DepEd upang suportahan ang mga naapektuhang paaralan sa bayan ng BARILI, CEBU. Ang pangunahing layunin ng validation ay hindi lamang ang pagtatala ng mga nasirang istruktura, kundi pati na rin ang teknikal na pagtatasa kung aling mga gusali ang repairable at aling mga paaralan ang nangangailangan ng agarang Temporary Learning Spaces (TLS). Ang detalyadong ulat na inihanda nina G. Merino, G. Ramirez, at Bb. Zerna ang magiging basehan ng DepEd Central Office sa pagpapalabas ng kaukulang pondo para sa rehabilitation at reconstruction ng mga paaralan, tinitiyak na walang mag-aaral ang naantala sa kanilang edukasyon.
Sa pamamagitan ng dedikasyon nina PDO II DRRM Merino, Ramirez, at Zerna, sinigurado ng DepEd na ang pagbangon ng sektor ng edukasyon sa Cebu ay naging matatag at mabilis. Ang kanilang presensya ay nagbigay-diin sa prinsipyong "Learning must continue," kahit pa sa gitna ng matinding epekto ng kalamidad, at nagpakita ng konkretong pagpapatupad ng inter-regional support sa loob ng Kagawaran.