๐๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฆ๐: ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ข๐ง ๐ง๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฉ๐๐ฌ
Kung titingnan isa lamang itong silid-aralan na binubuo ng mga kagamitang pampaaralanโupuan, pisara, mesa ng mga g**o at mga panulat ng pisara. Ngunit, hindi lamang ito simpleng silid, ito'y espasyong mayroong maraming kuwento at ala-alang nabuo na kailanman hindi malilimutan ng puso't isipan.
Simula ng Kuwento ng Samahan
Sa unang apak sa silid tila nangangapa pa sa kapaligiranโwalang gaanong kakilala at mga bagong mukhang tumambad sa mga mata. Bawat galaw kinakalkula sapagkat hindi pa lubos na kasundo ang mga bagong nakakasalamuha.
Dumating ang oras na kailangan na magpapakilala at ang bawat pagpapakilala malugod na tinanggap. Sa pagkakaintindihan sa isa't isa nabuo ang magandang samahan sa loob ng silid-aralan.
Ligaya at Halakhak
Maraming kasayahan at tawanan ang naganap sa pagpapatuloy ng samahan. Mga biruan at kulitang nagpapatanggal ng pagod at kalungkutan.
Mga pagligsahang pinagsaluhang harapin nang may puso at dedikasyon. Hindi basta lamang nakikibahagi, ibinibigay ang lahat ng makakaya makuha lamang ang pagkapanalo. Basta sama-sama at nagkakaisa magiging maligaya sapagkat titulong KAMPEON ang bunga.
Sandalan ang isa't isa
Hindi lamang sa kasiyahan nariyan ang presensya ng isa't isa kung hindi pati sa oras ng pagdududa at kalugmukan. Handang magbigay ng yakap at ipasandal ang ulo sa balikat sa panahong hindi na alam ang magiging galaw sa bagay bagay. Ipinaparamdam na may taong aalalay at handang makinig nang walang panghuhusga.
Saksi ang Silid sa Lahat
Kada sulok ng silid saksi sa lahat ngiti, luha at sakripisyong inialay sa pakikibaka. Tanaw nito ang mga talento at kakayahang ipinamalas sa loob nito kasama na ang mga paglago at nahubog na pagkakakilanlan bilang tao sa tulong na rin ng paggabay ng mga mabubuting g**o. Saksi ang silid sa samahang lumikha ng maraming alaalang hindi malilimutan at tumatak sa bawat puso ng isa't isa.
Hangganan ng Pagsasama
Nakakalungkot isipin subalit may hangganan ang pagsasama, masakit man isiping dumating na ang oras ng paghihiwalay ng magkakaklaseng kapatid na ang turinganโpero hindi maiiwan ang mga masasayang alaalang nabuo sa loob mga silid-aralan. Kung dati pasimula pa lang ang yugto bilang Senior High School, ngayon magbubulkat ang panibagong pahina upang harapin ang panibagong kabanata ng buhay.
Maraming salamat sa lahat, STEM 1204โsa pagkakaibigan at pagtuturingan bilang pamilya. Ang lahat ng labang ating hinarap at kaligayahang naukit sa ating puso ay paniguradong dadalhin sa susunod na yugto ng ating buhay. Tayo ay lilisan sa silid na tinuring tahanan, ngunit ang ating pinagsamahan ay hindi kailanman mawawala sa ating isipan.
โ : Ralph Allen Atwel
๐ท : Mark Epson Gulle
๐ฆ๐ง๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ฌ๐ฐ - ๐๐ก๐๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐จ๐ซ๐ซ๐จ๐ฐ'๐ฌ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ง๐ญ๐ข๐๐ฅ
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ๐ฆ๐ง๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ฌ๐ฐ - ๐๐ก๐๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐จ๐ซ๐ซ๐จ๐ฐ'๐ฌ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ง๐ญ๐ข๐๐ฅ, School, Antipolo.
01/04/2026
26/03/2026
BYEE ACSHSIANS!!! ๐๐ฅบ๐ญ
Want your school to be the top-listed School/college in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Antipolo