23/08/2026
Madalas kong ipinapaliwanag sa mga magulang na kung hindi pa kayang magsalita o magpahayag ng bata, maaaring mahirap para sa kanya na sabihin ang “ayoko,” “help,” “tapos na,” “gusto ko ito,” o “hindi ko naiintindihan.”
Kaya bago natin sabihing “hindi siya sumusunod,” kailangan muna nating tingnan kung naiintindihan niya ang instruction at kung mayroon siyang paraan para makapag-communicate.
Ano ang puwedeng gawin sa bahay?
✅ Gawing simple ang instruction. Isang instruction muna, tulad ng “Give me the ball.” Wag gawing komplikado ang pagbibigay ng verbal instruction.
✅ Gumamit ng physical gestures, pictures, objects, o visual schedule kung mas madali niyang naiintindihan ang visual information. Mas maganda na gamitan muna ang bata ng mga physical at visual assistance lalo na kung wala pang kakayahan mag-express ng verbal words.
✅ Turuan siya ng functional communication. Kahit hindi pa siya nagsasalita, maaari siyang turuang gumamit ng gesture, sign, picture, AAC, o anumang appropriate communication system.
✅ Bigyan siya ng choices. Halimbawa, “Water or juice?” habang ipinapakita ang dalawang choices.
✅ Gamitin ang First Then. “First, shoes. Then, play.” Makakatulong ito para malaman niya kung ano ang expectation at ano ang susunod.
✅ Ibigay ang sapat na processing time. Huwag agad ulitin nang maraming beses ang instruction. Bigyan muna siya ng ilang segundo upang ma-process at makapag-response.
✅ Purihin ang anumang appropriate response. Kapag sinunod niya ang instruction, kahit may kaunting prompting, bigyan agad ng positive feedback.
Pinakamahalaga, turuan muna natin ang bata na may paraan siyang magsabi ng “yes,” “no,” “help,” “more,” at “finished.” Kapag mayroon siyang functional way para makipag-communicate, mas nababawasan ang frustration at mas nagiging posible ang cooperation.
Hindi natin kailangang hintayin na makapagsalita siya bago siya turuang makipag-communicate. Ang communication ay hindi lamang speech.
And remember, always practice kindness! 💙💙💙