09/08/2026
𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐒 𝐏𝐔𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈, Mariton Manalili ✊ 𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘭 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝙞𝙠𝙖-43 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩 𝙍𝙚𝙜𝙚𝙣𝙩 𝙣𝙜 𝙐𝙣𝙞𝙗𝙚𝙧𝙨𝙞𝙙𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨! 🌻
Ang iyong tagumpay ay hindi lamang isang personal na milestone, kundi isang inspirasyon sa ating komunidad. Bilang isang alumni at dating pangulo ng ating organisasyon, ipinapakita mo sa amin na sa pamamagitan ng dedikasyon, paninindigan, at tapat na paglilingkod, tunay na may pagkakataon ang bawat tinig upang makagawa ng pagbabago 🌟
Nawa'y maging matagumpay ang iyong panunungkulan at mga adhikain bilang kinatawan ng mga iskolar ng bayan. Hangad namin ang iyong ikabubuti, malasakit, at boses sa loob at labas ng unibersidad! ✨
𝙈𝘼𝘽𝙐𝙃𝘼𝙔, 𝘼𝙏𝙀 𝙈𝘼𝙍𝙄𝙏𝙊𝙉! 𝘐𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘮𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯𝘢𝘯 ❤️🔥
𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗛𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗣𝗢𝗨! ✊🏻🔻
Taas-kamaong binabati at ipinakikilala ng UPOU University Student Council ang ika-43rd Student Regent ng Unibersidad ng Pilipinas na si Mariton Manalili mula sa UP Open University.
Matapos ang mahigit 15 oras na deliberasyon ng mga konseho ng mag-aaral mula sa buong UP System sa ginanap na 61st General Assembly of Student Council (GASC) sa UP Mindanao, opisyal nang ipinakilala ni SR Dexter Clemente ang bagong Student Regent ng Unibersidad ng Pilipinas na si Mariton Manalili, matapos niyang makuha ang consensus ng mga campus units.
Ang pagkakahalal kay Mariton ay isang makasaysayang yugto para sa bukas na pamantasan dahil sa unang pagkakataon, isang iskolar mula sa UPOU ang bibigyan ng pagkakataong maging pangunahing tinig ng mahigit 60,000 mag-aaral ng UP System sa Board of Regents.
Isang malaking tagumpay ito hindi lamang para sa UPOU, kundi para sa buong komunidad ng mga iskolar ng bayan na patuloy na ipinaglalaban ang boses at karapatan sa loob ng Unibersidad.
𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙀-𝙨𝙠𝙤𝙡𝙖𝙧 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣!
𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩 𝙍𝙚𝙜𝙚𝙣𝙩 𝙣𝙖 𝙨𝙞 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙩𝙤𝙣!
𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻, 𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗶𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗻! ✊🏻