URS Angono Campus - Ugnayang Kayumanggi

Contact the school

URS Angono Campus - Ugnayang Kayumanggi Pamantasang Organisasyon ng Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon na Nagpapakadalubhasa sa Filipino

23/09/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐”-๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง!

Ang Ugnayang Kayumanggi ay buong-pusong bumabati sa ating Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon, ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ณ. ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—•. ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฎ, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Ang iyong dedikasyon sa edukasyon, pamumuno, at patuloy na paglilingkod sa Kolehiyo ng Edukasyon ay nagpapakita ng isang pamumunong nakatuon sa paghubog ng bawat mag-aaral.

Sa pagdiriwang ng iyong kaarawan, hangad namin ang patuloy na mabuting kalusugan, tagumpay, at katuparan sa iyong mga layunin. Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang araw na ito kasama ang mga taong mahalaga sa iyo.

Muli, maligayang kaarawan mula sa Ugnayang Kayumanggi!

๐€๐๐† ๐Š๐€๐’๐€๐˜๐’๐€๐˜๐€๐ ๐€๐˜ ๐Š๐€๐ˆ๐‹๐€๐๐Œ๐€'๐˜ ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐‹๐ˆ๐Œ๐”๐“๐€๐๐ŸฉธNgayong ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜“๐˜ข๐˜ธ sa Pilipinas,...
21/09/2026

๐€๐๐† ๐Š๐€๐’๐€๐˜๐’๐€๐˜๐€๐ ๐€๐˜ ๐Š๐€๐ˆ๐‹๐€๐๐Œ๐€'๐˜ ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐‹๐ˆ๐Œ๐”๐“๐€๐๐Ÿฉธ

Ngayong ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜“๐˜ข๐˜ธ sa Pilipinas, ginugunita natin ang pagdedeklara ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ng Batas Militar noong 21 Setyembre 1972 sa pamamagitan ng ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜•๐˜ฐ. 1081.

Kailanman ay hindi dapat malimutan ang dilim ng kasaysayan na nagdulot ng malawakang pang-aabuso at karahasan. Ito ay isang yugto ng nakaraan na dapat patuloy na alalahanin at pagnilayan ng bawat Pilipino.

Alalahanin ang kasaysayan dahil may aral itong dala sa kasalukuyan. Hindi nararapat sakupin ng kadiliman ang ating bayan, ipaglaban ang ating karapatanโ€“Ipaglaban ang katotohanan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœŠ

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜‚๐˜‚๐—น๐—ถ๐˜.
๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด-๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—บ๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ป.






๐Ÿ–ผ๏ธ: Mary Colline Dequillo, Punong Tagapatnugot
โœ๏ธ: A.J. Mendoza, Ikalawang Pangulo - Eksternal

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐„๐๐ฐ๐š๐ซ๐!๐ŸฅณAng Ugnayang Kayumanggi ay nagpapasalamat sa iyong dedikasyon at paglilingkod sa ating...
18/09/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐„๐๐ฐ๐š๐ซ๐!๐Ÿฅณ

Ang Ugnayang Kayumanggi ay nagpapasalamat sa iyong dedikasyon at paglilingkod sa ating organisasyon; tunay kang inspirasyon. Hangad namin na patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas ng katawan, kapayapaan ng isip, at kasaganahan sa buhay. Nawaโ€™y higit pang tagumpay, oportunidad, at makabuluhang adhikain ang dumating sa iyo sa bagong taon ng iyong buhay. Bilang Tagapangulo ng Environment, patuloy ka sanang maging tanglaw at gabay hindi lamang sa larangan ng kalikasan kundi sa lahat ng iyong ginagawang paglilingkod.

Muli, Maligayang Kaarawan, G. Edward!๐ŸŽ‰๐Ÿ’š

๐๐€๐†๐‹๐€๐‡๐Ž๐Š ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐† ๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹๐„๐’ ๐๐† ๐”๐†๐๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐˜๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐ˆ ๐’๐€ ๐‹๐„๐€๐ƒ๐„๐‘๐’๐‡๐ˆ๐ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ (๐‹๐ƒ๐) ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐“๐„๐Œ๐€๐๐† ๐˜๐€๐๐ˆ๐†Kumat...
18/09/2026

๐๐€๐†๐‹๐€๐‡๐Ž๐Š ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐† ๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹๐„๐’ ๐๐† ๐”๐†๐๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐˜๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐ˆ ๐’๐€ ๐‹๐„๐€๐ƒ๐„๐‘๐’๐‡๐ˆ๐ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ (๐‹๐ƒ๐) ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐“๐„๐Œ๐€๐๐† ๐˜๐€๐๐ˆ๐†

Kumatawan ang mga aktibidad sa ikalawang araw ng Leadership Development Program (LDP) sa temang YANIG: Yielding Accountability, Nurturing Inclusive Governance, upang mas lalong palalimin ang koneksiyon at paninindigang maglingkod ng mga opisyales mula sa Ugnayang Kayumanggi.

Sa bawat gawaing isinagawa, higit na nahubog hindi lamang ang kakayahan sa pamumuno, kundi pati na rin ang kahalagahan ng mabisang komunikasyon, pakikipagtulungan, determinasyon, at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng pusong marunong makinig. Sapagkat ang isang tunay na lider ay hindi lamang marunong magsalita at magbigay ng direksiyonโ€”marunong din siyang huminto, makinig, at unawain ang tinig ng kaniyang kapwa, maging ito man ay isang estudyante o kapuwa lider.

Muling ipinabatid ng araw na ito na ang pamumuno ay hindi nasusukat sa isang titulo o posisyon na nagbibigay ng kapangyarihang kumilos. Higit itong nasusukat sa responsibilidad na kaakibat ng paglilingkod, sa paninindigan para sa kapakanan ng nakararami, at sa kahandaang unahin ang boses ng iba bago ang sarili.

Sa pagtatapos ng araw, isang mahalagang aral ang iniwan ng bawat karanasan: ang isang matiwasay at nagkakaisang organisasyon ay hindi lamang nagsisimula sa isang mahusay na plano, kundi sa pusong handang makinig, tumulong, at manindigan. Sapagkat ang pagiging lider ay hindi lamang tungkol sa pagiging kinatawanโ€”ito ay tungkol sa pagiging tinig ng mga walang lakas magsalita, sandigan ng mga nangangailangan, at katuwang sa pagbuo ng kinabukasang para sa lahat. At sa bawat hakbang ng mga opisyales ng Ugnayang Kayumanggi, nawaโ€™y manatili ang pusong tunay na handang maglingkod.





๐Ÿ“ท: Komite ng Ugnayang Pampubliko
๐Ÿ–ผ: Arking Dela Punta, Tagapatnugot
โœ: Angela Miranda, Kinatawan ng Unang Taon

๐—ง๐—œ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—›๐—จ๐—ก๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—— ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก. Kahapon, ika-16 ng Setyembre, isinagawa ang ๐Ž๐š๐ญ๐ก-๐“๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ n...
17/09/2026

๐—ง๐—œ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—›๐—จ๐—ก๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—— ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก.

Kahapon, ika-16 ng Setyembre, isinagawa ang ๐Ž๐š๐ญ๐ก-๐“๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ng mga bagong halal na mga lider-estudyante ng University of Rizal System - Angono Campus sa Angono Gymnasium.

Sa panunumpang ito, pormal nilang tinanggap ang mga tungkulin at pananagutang kaakibat ng kanilang mga posisyon, isang panata na maglingkod nang may malasakit at paninindigan.

Binabati namin ang lahat ng bagong halal na lider-estudyante, lalo na ang mga opisyales ng ๐—จ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ถ.




๐Ÿ–ผ๏ธ: Cariza Lyn Viray, Tagapatnugot
โœ๏ธ: Mary Colline Dequillo, Punong Tagapatnugot

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐›. ๐‰๐จ๐š๐ง๐š ๐๐ž๐ซ๐ง๐š๐๐ž๐ญ๐ญ๐ž ๐๐จ๐ฏ๐ž๐ง๐จ!๐ŸฅณโœจNawa'y maging masaya at makabuluhan ang iyong kaarawan kasama ang iyo...
16/09/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐›. ๐‰๐จ๐š๐ง๐š ๐๐ž๐ซ๐ง๐š๐๐ž๐ญ๐ญ๐ž ๐๐จ๐ฏ๐ž๐ง๐จ!๐Ÿฅณโœจ

Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang iyong kaarawan kasama ang iyong mga minamahal sa buhay. Hiling namin na sa panibagong yugto ng iyong buhay ay mas lalong mapuno ng pagmamahal at kagalakan ang iyong puso at isipan. Nawa'y ipagpatuloy mo ang pagiging malikhain at tuluyang ipamalas ang talento na mayroon ka ng sa gayon ay mas mapalawak mo pa ito at maibahagi sa iba.

Isang taos pusong pasasalamat sa iyong pagsisikap, pakikiisa at pagtulong sa ating organisasyonโ€” napakalaki ng iyong kontribusyon bilang isang aktibong miyembro ng Ugnayang Kayumanggi.๐ŸคŽ๐Ÿ’š

Muli, Maligayang Kaarawan, Bb. Joana!

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐‹๐„๐๐“๐ ๐ž๐ง๐๐š๐ซ๐ฒ ๐ง๐š ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ!Buong pagmamalaking binabati ng Ugnayang Kayumanggi ang mga kinatawan mula sa ๐—•๐—ฆ๐—˜ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ...
13/09/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐‹๐„๐๐“๐ ๐ž๐ง๐๐š๐ซ๐ฒ ๐ง๐š ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ!

Buong pagmamalaking binabati ng Ugnayang Kayumanggi ang mga kinatawan mula sa ๐—•๐—ฆ๐—˜ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐Ÿฐ๐—•, sina ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฒ ๐—ฆ. ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น๐—ผ at ๐—ข๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ธ๐—ธ๐—ต๐—ฎ ๐—™. ๐—ญ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ, kasama ang buong pangkat ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng Kolehiyo ng Edukasyon sa URS - Angono Campus, sa pagkamit ng ๐ค๐š๐ฆ๐ฉ๐ž๐จ๐ง๐š๐ญ๐จ sa ๐‹๐„๐๐“๐ ๐ž๐ง๐๐š๐ซ๐ฒ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ-๐”๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ ๐‹๐„๐“ ๐๐ฎ๐ข๐ณ ๐๐ž๐ž kahapon, ika-12 ng Setyembre 2026.

Sa inyong ipinamalas na husay, kaalaman, at kahandaan, pinatunayan ninyo ang inyong kakayahan bilang mga mag-aaral na patuloy na naghahanda para sa propesyon ng pagtuturo.

Lubos din ang aming pasasalamat kina ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ณ. ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—•. ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฎ, Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon, at ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ณ. ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ. ๐—ก๐—ถ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ, tagapagsanay ng mga kinatawan, sa kanilang paggabay at suporta na naging bahagi ng tagumpay na ito.

Muli, pagbati sa ating mga kampyeon! Ipinagmamalaki kayo ng Ugnayang Kayumanggi!





๐Ÿ“ท: URSA Creatives
๐Ÿ–ผ: Cariza Lyn Viray, Tagapatnugot
โœ: Mary Colline Dequillo, Punong Tagapatnugot

๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜œ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜—๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—น ๐—•. ๐— ๐—ผ๐—ท๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€. ๐Ÿ•ŠIsan...
11/09/2026

๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜œ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜—๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—น ๐—•. ๐— ๐—ผ๐—ท๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€. ๐Ÿ•Š

Isang manunulat, iskolar, g**o, at tagapagtaguyod ng panitikan, kultura, at kasaysayang Pilipino. Ilan sa kaniyang mahahalagang akda ang ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฅ๐—ถ๐˜€๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น, ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ถ๐—ป ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐˜๐˜†, ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐˜๐˜† ๐—ถ๐—ป ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ช๐—ฎ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด, at ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ผโ€™๐˜€ ๐—”๐—ฟ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ.

Mahalaga rin ang kaniyang pagtatag ng Cebuano Studies Center noong 1975 na naging bahagi ng pagsusulong sa panitikan, wika, kultura, at kasaysayan ng rehiyon. Sa lawak ng kaniyang iniambag, nag-iwan siya ng isang pamana na patuloy na mababasa, mapag-aaralan, at mapahahalagahan.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—น ๐—•. ๐— ๐—ผ๐—ท๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€. Nawaโ€™y patuloy na mabuhay ang kaniyang tinig sa bawat pahinang patuloy nating binabasa at ipinapamana.



๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜œ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ช Ka ๐˜Œ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜™. ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜จ, ๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ. ๐Ÿ•Š๏ธIginaga...
11/09/2026

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜œ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ช Ka ๐˜Œ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜™. ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜จ, ๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ. ๐Ÿ•Š๏ธ

Iginagalang na nobelista, kuwentista, tagasalin, g**o at editor. Ilan sa mga nakilalang akda ni Abueg ay ๐——๐—ถ๐—น๐—ถ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ, ๐—ฆ๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ผ, ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ง๐—ถ๐˜†๐—ผ ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—ฒ๐—น, ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—น๐˜‚๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐˜† at marami pang iba.

Ang kaniyang mga likha ay lumabas sa Liwayway, Bulaklak at nag-iwan ng mga aral na pumukaw at nagpamulat sa mamamayang Pilipino.

Pagpupugay, mananatiling buhay ang iyong mga akda sa puso ng Panitikang Filipino.



๐”-๐Š๐€๐†๐€๐๐€๐๐€๐ | Kahapon, ika-9 ng Setyembre, ang mga opisyales ng ๐š„๐™ถ๐™ฝ๐™ฐ๐šˆ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐™บ๐™ฐ๐šˆ๐š„๐™ผ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ๐™ถ๐™ธ ay nagtulong-tulong sa pag-ayos at p...
10/09/2026

๐”-๐Š๐€๐†๐€๐๐€๐๐€๐ | Kahapon, ika-9 ng Setyembre, ang mga opisyales ng ๐š„๐™ถ๐™ฝ๐™ฐ๐šˆ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ ๐™บ๐™ฐ๐šˆ๐š„๐™ผ๐™ฐ๐™ฝ๐™ถ๐™ถ๐™ธ ay nagtulong-tulong sa pag-ayos at pagbuo ng ating ๐‘ฉ๐’–๐’๐’๐’†๐’•๐’Š๐’ ๐‘ฉ๐’๐’‚๐’“๐’….

Makikita ang ating ๐‘ผ๐‘ฒ ๐‘ฉ๐’–๐’๐’๐’†๐’•๐’Š๐’ ๐‘ฉ๐’๐’‚๐’“๐’… sa kanang bahagi ng ating kampus bago makarating sa ikalawang palapag. Makikita rito ang mga anunsiyo, aktibidad, at pananalapi na ilalabas ng mga opisyales. Maaari ninyo itong puntahan upang makita ang mga ginawa at gagawin pa ng ating hanay.




๐Ÿ–ผ๏ธ: Cariza Lyn Viray, Tagapatnugot
โœ๐Ÿผ: Alelie Bermeo, Tagapagbalita

Address

Angono

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when URS Angono Campus - Ugnayang Kayumanggi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to URS Angono Campus - Ugnayang Kayumanggi:

Shortcuts

Share