24/08/2026
๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐: ๐ฉ๐๐๐
โButiโ ay isang salitang balbal sa Kapampangan na nangangahulugang โbakitโ? o โbakit kayaโ?
โ๐ฝ๐ช๐ฉ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฎ๐ค?โ
โ๐ฝ๐ช๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฃ๐, ๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐ฉ๐ค ๐ ๐ ๐ฃ๐.โ
Nalito ka rin ba? Inisip mo rin ba na magkaiba ang nilalayon ng salitang โbutiโ sa dalawang ekspresyon na iyan?
Marami sa mga taong hindi Kapampangan ang nalilito sa paggamit ng mga lokal sa salitang โbuti.โ Ang โbutiโ ay ang payak na anyo ng salita na nagpapahiwatig ng kabutihan. Ito ay kasingkahulugan ng โmabait,โ โmahusay,โ โmaayos,โ at marami pang ibang salitang may kahulugang katumbas ng mga nabanggit.
Sa mga Kapampangan, ang salitang ito ay kadalasang ginagamit sa mga ekspresyon kung saan ang katumbas ay โbakit?โ o โbakit kaya?โ at itinuturing salitang balbal. Dahil dito, nagkakaroon ng pagkalito o โdi kayaโy pagkagulat ang iba na hindi lumaki kasama ang mga Kapampangan, lalo na kapag ito ay ginamit sa mga pangungusap o ekspresyon na kung saan hindi โbutiโ ang karaniwang dapat gamitin.
Ang tila nakatatawang pagkalito dahil sa salitang ito ay sumasalamin sa pagkayaman at patuloy na pagyabong ng mga wika sa Pilipinas. Ipinakikita rin nito kung paano nabago ang mga paraan at salitang ginagamit sa pakikipag-usap sa paglipas ng panahon.
Ang wikang Kapampangan, katulad ng marami pang wika sa bansa, ay may natatanging lalim, bunga ng ating mga kultura na patuloy na humuhubog sa mga salitang ginagamit natin upang makipag-usap araw-araw. Kaya nararapat lamang na patuloy natin itong gamitin at pagyamanin. At kahit ito man ay magbago, dapat pa rin nating pakatandaan kung saan ito nagmula.
Sulat ni: Jasmin Mae Tullao
Grapiko ni: Gab Salunga