26/10/2025
๐Maligayang Kaarawan kay Bb. Rhea Pillera๐
Isang taus-pusong pagbati sa isang huwarang g**o at tagapayo na patuloy na gumagabay, nagbibigay-inspirasyon, at nagsisilbing ilaw sa landas ng bawat mag-aaral. Salamat sa iyong walang sawang paglilingkod at malasakit!๐๐
09/09/2025
๐๐ Maligayang Kaarawan kay Gng. Ferlee B. Dancel! ๐๐
Isang espesyal na araw para sa isang masigasig at dedikadong tagapayo ng Samahang Sinagtala! ๐ซถ๐ผ Wala kaming sawa sa pagpapasalamat sa iyong walang humpay na pag-aalaga, gabay, at inspirasyon sa amin. Ang iyong mga kontribusyon ay patuloy na nagbibigay liwanag at lakas sa aming samahan. โจ
Nawa'y magpatuloy ang iyong tagumpay, kaligayahan, at pagpapala sa bawat taon. Hiling namin ang isang taon na puno ng kasiyahan, kalusugan, at pag-unlad! ๐ธ
Maraming salamat at maligayang kaarawan po! ๐๐
20/08/2025
๐ Maligayang Kaarawan, Gng. Ralyn B. Rodriguez! ๐
Tagapayo. Inspirasyon. Ilaw ng Samahang Sinagtala. ๐
Ngayong espesyal na araw mo, nais naming ipahatid ang aming taus-pusong pasasalamat sa iyong walang sawang paggabay, malasakit, at dedikasyon sa aming samahan. Hindi matatawaran ang iyong ginagampanang papel bilang tagapayoโikaw ang naging haligi ng aming lakas at direksyon.
Nawaโy patuloy kang pagpalain ng kalakasan, kagalakan, at tagumpay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
Mabuhay ka, Gng. Rodriguez! ๐๐
02/08/2025
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐ป๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ฒ๐๐ต ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ผ๐!๐
Nawaโy patuloy kang pagpalain ng masaganang kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa lahat ng aspeto ng buhay.
Ang iyong dedikasyon at husay sa larangan ng edukasyonโlalo na sa pagtuturo ng Wika at Teknolohiya ay talagang hindi matatawaran, kung saan patuloy mong pinagyayaman ang kaalaman ng mga mag-aaral at binibigyan sila ng inspirasyong maging mahusay, mapanuri, at makabago.
Muli, isang makabuluhang kaarawan sa'yo, Ginoo. Mabuhay ka!
01/08/2025
UPDATED POST: Maraming salamat sa pagtutuwid. Ang 'Assalam Alaykum' ay Arabic na pagbati. Ngayon, para sa representasyon ng ating mga kapatid na Muslim, narito ang tama: Mapiya Mapita (Magandang Umaga sa Maguindanaon).
Magandang araw, Pilipinas! Maligayang Buwan ng Wika ngayong Agosto!
Ipagdiwang natin ang ganda at yaman ng ating sariling wika.
Illustration by Arvi Delos Reyes
31/07/2025
Muli na namang mag-aalab ang diwa ng pagiging makabayan!
Ang RCCโSamahang Sinagtala, katuwang ng Departamento ng High School, ay nangunguna sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Sa taong ito, ating pinanghahawakan ang temang:
โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ
Sa pagtangkilik sa sariling wika at mga katutubong wika ng Pilipinas, ating pinalalalim ang pagkakaunawaan, pagkakabuklod, at pagmamahal sa ating lahi.
Halinaโt makiisa sa mga gawaing inihanda ng aming samahan upang bigyang saysay ang ating pagkakaisa sa pamamagitan ng wika!
๐Abangan ang mga aktibidad sa aming page!
22/06/2025
๐โจ Heto ang comeback na gusto namin! โจ๐
Matapos ang mahabang pahinga, balik-sigla, balik-saya, at balik-RCC na naman! ๐
Handa na ang Samahang Sinagtala sa isang taon ng mas makulay na karanasan, mas pinatibay na samahan, at mas maraming alaala na sabay-sabay nating bubuuin. ๐
Magsisimula na naman ang kwento โ at ikaw ang bida sa bagong kabanatang ito.
Maligayang pagbabalik mahalโฆ