15/01/2026
🙏 Banal na Misa para sa Poong Sto. Niño 🙏
Buong pusong pasasalamat ang aming iniaalay sa matagumpay na pagdaraos ng Banal na Misa para sa Poong Sto. Niño, na pinamunuan ng ating minamahal na kura paroko ng Simbahan ng Sta. Monica, Mnsgr. Manny Villaroman.
Ang banal na pagdiriwang na ito ay nagsilbing paalala ng wagas na pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal ng Poong Sto. Niño sa bawat isa sa atin.
Taos-puso rin naming pinasasalamatan ang lahat ng nakiisa, tumulong, at nagbahagi ng kanilang oras at panalangin upang maisakatuparan ang makabuluhang okasyong ito. Nawa’y patuloy tayong pagpalain at pagkaisahin ng Poong Sto. Niño sa ating sama-samang paglilingkod at pananampalataya.
🙏✨ Viva Señor Sto. Niño! ✨🙏