18/08/2026
ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS (PAMPUBLIKONG TANGGAPAN) AT ALTERNATIVE LEARNING MODE (LAHAT NG ANTAS NG PAARALAN) AGOSTO 19
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129, kabilang ang Bulacan sa mga lugar na sakop ng direktiba para sa pagpapatupad ng Alternative Work Arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan at Alternative Learning Mode sa mga paaralan bukas, Agosto 19, 2026 (Miyerkules).
PARA SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN
Ipinatutupad ang naaangkop na Alternative Work Arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan, maliban sa mga tanggapang nagbibigay ng:
β’ Basic at health services
β’ Disaster preparedness and response
β’ Iba pang mahahalagang serbisyo
Ang mga ito ay magpapatuloy sa operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.
PARA SA PRIBADONG SEKTOR
Ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements sa pribadong sektor ay nasa pagpapasya ng management.
Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo para sa anumang lokal na direktiba o karagdagang abiso.
Manatiling alerto, ligtas, at handa.
Ibayong ingat, AngateΓ±os!