25/05/2026
BRIGADA ESKWELA, ANO TARA???
Guess what, Carotians?👀
Ang paaralang marunong maglinis ay NANALO RIN!🏆✨
Kaya naman this Brigada Eskwela, level-up ulit ang bayanihan natin! Hindi lang po ito simpleng paglilinis ito ay teamwork with pawis, tawanan, at syempre, ang chika na hindi mawawala!🤩
Kapag sama-sama, mas mabilis matapos at syempre, mas maraming picture-an pagkatapos.
WITH THE THEME:
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”
Tara na at makiisa sa paglilinis, pag-aayos, at pagpapaganda ng ating mahal na paaralan para maging mas handa, mas maayos, at mas welcoming para sa panibagong school year!✨
Magdala ng walis, basahan, at syempre, energy! Pwede ring snacks kung gusto mong maging instant favorite ng volunteers.☺️
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagiging eco-friendly at kaaya-ayang paaralan para sa lahat.
Ikaw na lang ang kulang baka hinahanap ka na ng walis. 👀🧹
See you on June 1-5!