Ylang Tanao

Ylang Tanao Teacher Fellows leaving their mark at Dolores Ongsiako Central Elementary School in Anao, Tarlac

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†! ๐ŸฆธMatagumpay na isinagawa ang Parent Orientation ng Tara, Kaya! Program para sa ta...
12/08/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†! ๐Ÿฆธ

Matagumpay na isinagawa ang Parent Orientation ng Tara, Kaya! Program para sa taong panuruan 2026-2027 sa Community Learning Center (CLC) ng Dolores Ongsiako Central Elementary School (DOCES).

Nakasentro ang oryentasyon sa pag-unawa sa layunin ng TKP, pagbubukas ng rehistrasyon ng Gabay sa Bata (GSB) Workshop, at ang pagkakaroon ng Reflection Circle na naging espasyo ng pagpapaabot ng mga pag-aalinlangan o iba pang paglilinaw ng mga magulang sa partisipasyon ng anak sa programa.

Hinikayat din ng Punongguro ng paaralan, Dr. Maria Cristina Dugay sa kaniyang pambungad na mensahe ang mga dumalong magulang ukol sa higit na kahalagahan ng โ€œpartnershipโ€ sa pagitan ng paaralan at magulang.

Lubos na pasasalamat po sa bawat magulang na dumalo at naglaan ng kanilang oras sa ating oryentasyon!

Tunay na sa ating pagtutulungan, maiiaangat natin ang kalidad na edukasyon para sa bata at bayan!



11/08/2026

๐—ฌ๐—ผ๐—ผ๐—ต๐—ผ๐—ผ! ๐——๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป! ๐Ÿ‘€

Handang-handa na ang mga learning kit at workbooks na ipamamahagi sa mga mag-aaral na magiging bahagi ng Tara, Kaya! Program (TKP) ngayong taong panuruan!๐Ÿ“šโœ๏ธ๐Ÿ–๏ธ๐Ÿ—’๏ธ

Bahagi ng programa ang pamimigay ng libreng school supplies sa mga mag-aaral bilang pantulong sa pag-aaral at workbooks bilang lunsaran ng mga gawain sa pagbabasa (Literacy) at pagbibilang (Numeracy).

Abangan ang aming pagsisimula ng klase na puno ng kaalaman, kasiyahan, at paglago sa Tara, Kaya! Program. ๐Ÿ‘‹๐Ÿผ

Ready na? Ready na! ๐ŸŒŸ

๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ! ๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ๐ŸŒŸWalang 1, 2, 3 go! kaniya-kaniya na 'to! rito, dahil handang-handa na ang inyong mga ...
05/08/2026

๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ! ๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ๐ŸŒŸ

Walang 1, 2, 3 go! kaniya-kaniya na 'to! rito, dahil handang-handa na ang inyong mga teacher na makilala ang mga bagong mag-aaral at magulang na magiging bahagi ng Tara, Kaya! Program!

Samahan ninyo kami sa isang panibagong taon na puno ng pangarap at paglago sa ating mga klase sa pagbasa at pagbilang, mga workshop sa Socio-Emotional Learning (SEL), at Gabay sa Bata (GSB).

Ready na? Ready na?

Mas kayang-kaya sa Year 2! โœŠ๐Ÿฝ



๐—ฆ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด, ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฝ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐—ด๐—ผ๐—ป. ๐Ÿ’ฌNagbahagi ang Punongguro ng Dolores Ongsiako Central Elementary School ...
31/07/2026

๐—ฆ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด, ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฝ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐—ด๐—ผ๐—ป. ๐Ÿ’ฌ

Nagbahagi ang Punongguro ng Dolores Ongsiako Central Elementary School (DOCES), Dr. Maria Cristina A. Dugay, ng mga kuwento ng karanasan, hamon, at oportunidad na kinahaharap ng paaralan bilang lider nito sa isinagawang panayam kasama ang mga Teacher Fellow.

Kasama rin sa isinagawang panayam ang mga Master Teacher na sina Sir John Patrick Tabifranca at Ma'am Gennefer Tabile, na nagbahagi ng kanilang mahahalagang pananaw at karanasan sa pagtuturo, gayundin ng mga pangangailangan at prayoridad ng paaralan batay sa kanilang malawak na karanasan sa larangan ng edukasyon.

Sa hiwalay na panayam, masusi ring ibinahagi ng Public School District Superintendent (PSDS) ng Anao District, Dr. Lailani Junio, ang mahahalagang detalye hinggil sa mga hamon at prayoridad na nararapat tugunan sa mga paaralan sa distrito.

Ang mga panayam na ito ang nagsilbing huling yugto ng pagkalap ng impormasyon at mas malalim na pag-unawa sa konteksto ng paaralan, isang mahalagang pundasyon sa pagbuo ng proyektong sama-samang isasakatuparan ng Teach for the Philippines at DOCES.



Happy birthday po, Maโ€™am Kris! ๐ŸŽ‰Taos-pusong pagbati at pasasalamat po mula sa aming mga Teacher Fellow kasama ang buong ...
30/07/2026

Happy birthday po, Maโ€™am Kris! ๐ŸŽ‰

Taos-pusong pagbati at pasasalamat po mula sa aming mga Teacher Fellow kasama ang buong komunidad ng Dolores Ongsiako Central Elementary School! ๐Ÿซ‚

Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa serbisyo ay tunay na inspirasyon at kayamanan ng bawat bata, paaralan, at komunidad na inyong pinaglilingkuran.

Tungo sa mas makabuluhan at mabungang panibagong taon, maligayang kaarawan po, Dr. Dugay!



๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป.Ibinahagi ng mga Teacher Fellow ng Dolores Ongsiako C...
28/07/2026

๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป.

Ibinahagi ng mga Teacher Fellow ng Dolores Ongsiako Central Elementary School (DOCES) ang mga kuwento ng pag-asa, pangarap, at paglago sa pagpapatupad ng Tara, Kaya! Program (TKP) para sa Taong Panuruan 2025โ€“2026 sa pamamagitan ng Accomplishment Report na iniharap sa Sangguniang Bayan ng Anao.

Sa pangunguna ni Vice Mayor Concepcion Almazan, PhD, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at sa pakikipagtulungan ng Chairperson on Education na si Councilor Nathan Macayanan, naging makabuluhan ang presentasyon at talakayan tungkol sa mga naging bunga ng programa at sa mga susunod pang hakbang upang higit na mapalakas ang edukasyon sa bayan.

Higit pa sa mga datos at resulta, binigyang-diin sa presentasyon ang halaga ng matibay na ugnayan at sama-samang pagkilos ng DOCES, Teach for the Philippines, at ng Lokal na Pamahalaan ng Anao sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon para sa bawat batang Anaoeรฑo.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Teach for the Philippines sa Lokal na Pamahalaan ng Anao para sa patuloy na suporta, tiwala, at pakikipagtulungan. ๐Ÿ’š๐Ÿ’›

Sa ating higit pang pinagtitibay na ugnayan, sama-sama nating iaangat ang antas ng edukasyonโ€”para sa bawat bata at para sa bayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœŠ๐Ÿฝ



๐—•๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ, ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด. ๐Ÿ’ฌAktibong ibinahagi ng mga piling lider-estudyante mula sa SELG at YES-O ang...
23/07/2026

๐—•๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ, ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด. ๐Ÿ’ฌ

Aktibong ibinahagi ng mga piling lider-estudyante mula sa SELG at YES-O ang kanilang mga karanasan, pananaw, at mungkahi sa isinagawang Focus Group Discussion (FGD) bilang kinatawan ng boses ng mga mag-aaral ng Dolores Ongsiako Central Elementary School (DOCES).

Sa isinagawang FGD, nakapagbalik-tanaw ang mga mag-aaral sa ibaโ€™t ibang danas, hamon, at oportunidad sa paaralan na nagsilbing kabuoang representasyon at boses ng mga mag-aaral sa DOCES.

Nakiisa rin ang mga piling Gabay ng Tara, Kaya! Program at Dating Pangulo ng SPTA, Stephanie Gonzales sa hiwalay na Focus Group Discussion ng mga magulang na nakasentro sa pagtalakay ng mga kakulangan, pagbuo ng Problem Tree, at mga napipisil na proyekto para sa higit na kapakinabangan ng mga mag-aaral.

Ang mga nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na pangangalap ng mga kongkretong impormasyon bilang pundasyon ng bubuoing Community Project ng DOCES katuwang ang Teach for the Philippines.



Ready na? Ready na? ๐Ÿ™Œ๐Ÿ“šSumailalim sa baseline assessment ang mga piling mag-aaral mula sa Key Stage 1 at 2 ng Dolores Ong...
17/07/2026

Ready na? Ready na? ๐Ÿ™Œ๐Ÿ“š

Sumailalim sa baseline assessment ang mga piling mag-aaral mula sa Key Stage 1 at 2 ng Dolores Ongsiako Central Elementary School (DOCES) bilang paghahanda sa ikalawang taon ng Tara, Kaya! Program (TKP).

Layunin ng pagtatayang ito na matukoy ang kasalukuyang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa literacy at numeracy upang makapagbigay ng angkop na suporta sa kanilang pagkatuto sa pagsisimula ng programa ngayong Agosto.

Taos-pusong nagpapasalamat ang mga Teacher Fellow sa mga Learning Area Coordinators at Advisers ng paaralan sa kanilang maagap na pakikipagtulungan at suporta sa pagtukoy ng mga mag-aaral na magiging bahagi ng programa.

Ilang linggo na lamang at makikilala na natin ang panibagong batch ng mga batang ating sasamahan sa kanilang paglalakbay sa pagkatuto.

Sama-sama nating abangan ang kanilang mga kuwento, pangarap, at paglago. Hangad nating sa bawat hakbang, mas marami pa silang matutunan, matuklasan, at mapagtagumpayan. โœจ


๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐˜ƒ๐—ผ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜€. ๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜๐˜€. โœŠBilang unang hakbang sa pagbuo ng Community Engagement Project, nakiiisa ang b...
10/07/2026

๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐˜ƒ๐—ผ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜€. ๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜๐˜€. โœŠ

Bilang unang hakbang sa pagbuo ng Community Engagement Project, nakiiisa ang buong komunidad ng Dolores Ongsiako Central Elementary School (DOCES) sa isinagawang Community Assessment ng mga Teacher Fellow mula ika-6 hanggang ika-10 ng Hulyo.

Sa pamamagitan ng survey, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral, magulang, at kawani na maibahagi ang kanilang mga karanasan, pangangailangan, at mga mungkahing makatutulong sa patuloy na pagpapaunlad ng paaralan at ng komunidad.

Layunin ng Community Assessment na makakalap ng makatotohanan at napapanahong datos na magsisilbing batayan sa pagdidisenyo ng Community Engagement Projectโ€”isang inisyatibong bunga ng kolaborasyon ng TFP at ng DOCES na tumutugon sa tunay na pangangailangan ng komunidad.

Sa gawaing ito, sama-sama nating pinagtitibay ang paniniwalang ang komunidad mismo ang higit na nakaaalam sa kanilang mga karanasan at pangangailangan. Sa pakikinig sa bawat tinig, mas makabubuo tayo ng mga programang makabuluhan, angkop, at may pangmatagalang epektoโ€”tungo sa isang mas epektibo, inklusibo, at ligtas na paaralan.


Address

Anao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ylang Tanao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share