Diwa ng Demokrasya

Diwa ng Demokrasya

Share

Educational Purposes Only

Democracy - A short introduction 04/03/2026

Confused about what democracy even is?🫥

Lowkey don’t know your rights? 😭

Say less.
Watch this video and get informed real quick. 🎥🔥
Know your rights. Know your power. 💙✊

click the link below⬇️

Democracy - A short introduction Learn more about the origins of Democracy at the Great Courses Plus: http://bit.ly/Learn-About-DemocracyThis is a 3 minute video to introduce the most basic ...

02/03/2026

Bumoto ka ng tapat‼️
Kabataan ang Pag Asa ng Bayan‼️
Kabataan ay yakagin natin bumoto ng TAMA‼️‼️

Batas sa mga Karapatan ng Botante:💯🫵🏻
1. Ikaw ay may karapatang bumoto kung ikaw ay
isang balidong nakarehistrong botante.
Ang balidong nakarehistrong botante ay
nangangahulugang isang mamamayan ng Estados
Unidos na residente ng estadong ito, na hindi kukulangin
sa 18 taong gulang at wala sa bilangguan o hindi
parolado sa pagkakasalang peloni, at nakarehistro upang
bumoto sa kanyang kasalukuyang address na tirahan.
2. Ikaw ay may karapatang bumoto ng
pansamantalang balota kung ang iyong pangalan
ay hindi nakalista sa listahan ng botante.
3. Ikaw ay may karapatang bumoto kung ikaw ay
naroroon at nakapila sa lugar na botohan bago
magsara ang mga botohan.
4. Ikaw ay may karapatang bumoto ng sekretong
balota na malaya sa mga pananakot.
5. Ikaw ay may karapatang tumanggap ng isang
bagong balota kung, bago iboto ang iyong balota, sa palagay mo ay nagkamali ka. Kung sa anumang oras bago mo iboto ang iyong balota,
nadama mo na nagkamali ka, may karapatan kang palitan ng bagong balota ang nasira o narumihang balota. Ang mga botante sa pamamagitan-ng-pagboto-sa-koreo ay maaari ring humiling at tumanggap ng bagong balota kung ibinalik nila ang kanilang nasirang balota sa opisyal sa mga eleksiyon bago magsara ang
mga botohan sa Araw ng Eleksiyon.
6. Ikaw ay may karapatang tumanggap ng tulong sa pagboto, kung hindi ka makaboto nang walang tulong.
7. Ikaw ay may karapatang ibalik ang kinumpletong balota pamamagitan-ng-pagboto-sa-koreo sa anumang presinto sa county.
8. Ikaw ay may karapatan sa mga materyal sa
eleksiyon sa ibang wika, kung may sapat na
bilang ng mga residente sa inyong presinto na
nagbibigay-katwiran sa paggawa ng mga ito.
9. Ikaw ay may karapatang magtanong tungkol sa mga pamamaraan sa eleksiyon at obserbahan ang proseso ng mga eleksiyon.
Ikaw ay may karapatang magtanong sa lupon ng
presinto at mga opisyal sa eleksiyon tungkol sa
mga pamamaraan sa eleksiyon at tumanggap ng sagot o ituro sa angkop na opisyal para sagutin. Gayunman, kung ang walang-lubay na pagtatanong ay nakakagambala sa pagsasagawa ng kanilang mga
tungkulin, ang lupon ng mga opisyal sa eleksiyon ay maaaring putulin ang pagsagot sa mga tanong.
10. Ikaw ay may karapatang iulat ang anumang
labag sa batas o madayang gawain sa lokal
na opisyal sa mga eleksiyon o sa Opisina ng
Sekretaryo ng Estado

👩‍💻: Aubrila Mae Salazar
✍️ : Ma. Althea Mislos, Shaine Salazar

02/03/2026

Kasaysayan ng pagbabago!!🌟🇵🇭

Noong Pebrero 22 at 25, 1986, nagkaisa ang mga sambayanang Pilipino sa EDSA para ipaglaban ang demokrasia at katotohanan. Magsisimula ka bang alamin ang kwento ng EDSA People Power?🤔

Ito ang mapayapang demonstrasyon ng mamayan na nagtagal ng apat na araw mula ika-dalawampo’t dalawa hanggang ika-dalawampo’t Lima ng Pebrero isang libo’t siyam na raan at walumpot anim. (Feb. 22-25, 1986).

Nangyari ito sa Epifanio Delos Santos Avenue na kilala ngayong EDSA. (Yun pala ang EDSA!😲) Ito ay may habang limampu’t apat na kilometro na nagsisimula mula Caloocan at nagtatapos sa Pasay.

Mahigit 2 milyong sibilyan, kasama ang mga militanteng grupo at relihiyosong samahan sa pangunguna ni Cardinal Jaime Sin at kasama niya si Cardinal Ricardo Vidal.

Ang pangunahing layunin nito ay pababain sa panununugkulan ang kasalukuyang Pangulong Ferdinand Marcos at ihalal na maging bagong presidente si Corazon “Cory” Aquino.

Naging laman ng balita ang rebolusyon na may headline news na “the revolution that surprised the world”.🌍

Unang dahilan. Sunod-sunod ang kilos protesta mula noong ipatupad ni Marcos ang Martial Law noong (1972) hanggang (1981). 👮📢

Ipinatupad ang Martial Law dahil sa laganap na karahasan sa buong bansa pagkontrol ng komunista at pagtangka sa buhay ng Ministro ng Tanggulang Pambansa ( Defense Minister) na si Juan Ponce Enrile sa Mandaluyong. Kalaunan ay nagresulta sa pang-aabuso sa batas militar sa ilalim ng diktaturyang pamamahala ni Marcos. Maraming Pilipino hindi naging maganda at masalimuot ang karanasan sa batas na ito.

Ikalawa. Si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Siya ay isang senador na kilala sa panunuligsa niya sa rehimeng Marcos dahil sa pagtutol niya sa Martial Law. Sa kanya rin nanggaling ang mga katagang “The Filipino is Worth Dying For”.

Ipinatapon niya ang kanyang sarili ng tatlong taon malapit sa Boston, sa Amerika dahil sa mga natatanggap nitong banta sa kanyang buhay. Makalipas ang tatlong taon, bumalik siya dito sa Pilipinas at pagkababa niya sa eroplano, pinatay siya ni Rolando Galman noong ika-dalawampo’t isa ng Agosto isang libo’t siyam na raan at walumpo’t tatlo (August 21, 1983).

Tinaaman siya sa ulo na agad niyang ikinamatay. Nangyari ito sa Manila International Airport, na ngayon ay, Ninoy Aquino International Airport. Isinunod sa kanyang pangalan bilang pagpupugay sa kanya. Ikinagalit ng maraming Pilipino ang pagpatay kay Ninoy Aquino.

Ikatlo at panghuli. Snap Elections. Nag-umpisa ito sa pag-uudyok ng gobyerno ng Amerika kay Pangulong Marcos na magkaroon ng eleksyon. Ang eleksyon ay nangyari noong ika-pito ng Pebrero isang libo’t siyam na raan at walumpo’t anim (Feb. 7, 1986). Pinangunahan ito ng COMELEC Comission on Election), ang official canvasser ng eleksyon.

Sa kanilang resulta, nanalo si Pangulong Marcos laban sa katunggali niyang si Corazon Aquino, ang asawa ni Benigno Aquino Jr. Taliwas dito ang datos ng NAMFREL (National Citizen’s Movement for Free Elections), isang non-partisan organization o (walang kinakampihang organisasyon) na tagapagbantay ng halalan sa bansa. Kumalat ang alegasyong nagkaroon ng dayaan, pamimili ng boto at nagkaroon ng kaguluhan.

Dahil dito nagwalk-out ang 30 COMELEC computer technicians bilang pagtuligsa sa nangyaring dayaan sa eleksyon. Dahil sa ginawa nila, lumabas silang guilty. Gayunpaman, itinalaga pa ring nanalo si Marcos. Ito ang unang siklab ng People Power.

ANO NALAMAN MO NA BA ANG KWENTO NG EDSA People Power??🤔🤔

👩‍💻: Aubrila Mae D. Salazar
✍️ : Ma. Althea Mislos, Shaine Salazar

Want your school to be the top-listed School/college in Amadeo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

By-Pass Road. Brgy 1, Cavite
Amadeo
4119