PNUNL Tinig Amianan

PNUNL Tinig Amianan

Share

May Nagkakaisang Himig, at Serbisyong May Iisang Tindig

24/08/2026

on-CAMIANAN: ๐‘ฉ๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ: ๐‘ด๐’‚๐’…๐’–๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’”

Sa bawat tinig na sabay-sabay na umalingawngaw, sa bawat galaw na nagkakaisa, at sa bawat damdaming ibinuhos ng mga mag-aaral mula sa Unang Taon, muling pinatunayan na ang Wikang Filipino ay hindi lamang wika, ito ay puso ng bayan.

Noong Agosto 19, 2026 sa Pamantasang Normal ng Pilipinas โ€“ Hilagang Luzon University Gymnasium, itinanghal nila ang temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyoฬn.โ€

Sa sabayang pagbigkas, sumiklab ang alab ng wika, nagningning ang lakas ng kultura, at umalingawngaw ang panawagan ng kinabukasan: gamitin ang Wikang Filipino bilang haligi ng kaalaman, at ang teknolohiya bilang tulay tungo sa mas makatarungan, mas makabago, at mas maunlad na lipunan.

Photos from PNUNL Tinig Amianan's post 16/08/2026

๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ง๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐  ๐š๐ญ ๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ข๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐ . ๐Ÿฆ…โœจ

Halina't kilalanin ang mga opisyal ng ๐“๐ข๐ง๐ข๐  ๐€๐ฆ๐ข๐š๐ง๐š๐ง; isang huwarang organisasyong pang-midya sa ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‰๐™ค๐™ง๐™ข๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ ๐™ƒ๐™ž๐™ก๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ช๐™ฏ๐™ค๐™ฃ para sa taong panuruan 2026โ€“2027.

Isang samahang aalingawngaw ang tinig sa bawat kuwentong mahalagang marinig, maninindigan sa katotohanang nararapat malaman, at maglilingkod nang may iisang layunin.

09/08/2026

on-cAMIANAN: INDAKAN SA PAMANTASAN 2026

Noong Hulyo 30, 2026, muling nagningning ang Pamantasang Normal ng Pilipinas โ€“ Hilagang Luzon sa makulay na selebrasyon ng Indakan sa Pamantasan 2026.

Sa nasabing programa, ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talento at sigla sa ibaโ€™t ibang pagtatanghalโ€”mula sa mass demonstration ng mga unang taon, makukulay na street dance parade at festival showdown ng ikalawang taon, hanggang sa masiglang hiphop performance ng ikatlong taon.

Ang bawat indak ay nagsilbing salamin ng kultura, pagkamalikhain, at pagkakaisa ng pamantasan.

Photos from PNUNL Tinig Amianan's post 04/08/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Š๐š-๐€๐ฆ๐ข๐š๐ง๐š๐ง!! ๐ŸŽŠ

Taos-pusong ipinapaabot ng Tinig Amianan ang pagbati sa lahat ng ka-Amianan na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ. Ang inyong paglilingkod sa paghahatid ng balitang tapat at maaasahan ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating adhikain na magsiwalat ng katotohanan at maghatid ng makabuluhang serbisyo. Sa inyong kaarawan, nawa'y umapaw ang saya, maging makulay ang bawat sandali, at patuloy na dumaloy ang mga biyayang tunay na nararapat para sa inyo.

๐Š๐š-๐€๐ฆ๐ข๐š๐ง๐š๐ง, ๐ฆ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐  ๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ง๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐  ๐š๐ญ ๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ข๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐ .


Photos from PNUNL Kadiwa-Kammfil Klab's post 03/08/2026

TARA NA, MAKILAHOK AT MAKIISA! โœจ๐Ÿค

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, inihahandog ng KADIWA-KAMMFIL Klab, TEATRO PADDARAFFUNG, TINIG AMIANIAN AT UNESCO CLUB, ang ibaโ€™t ibang patimpalak na naglalayong linangin ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino, paigtingin ang kamalayang pangwika at pangkultura, at higit na mapagtitibay ang pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng bawat mag-aaral sa pagdiriwang ng ating wikang pambansa.

Abangan ang mga patimpalak na tampok sa mga larawang ito. Nakatala sa bawat larawan ang kumpletong mekaniks, iskedyul, at iba pang mahahalagang detalye ng bawat patimpalak upang magsilbing gabay sa lahat ng nagnanais na lumahok.

โ€ข WIKAalaman
โ€ข KWENTagisan
โ€ข DEKLAMAkata
โ€ข BIGKASama
โ€ข PANAGDADAPUN

Inaanyayahan namin ang lahat ng mga mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Hilagang Luzon na maging aktibong kalahok at kabahagi ng mga gawaing ito bilang pagpapakita ng suporta sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.

Sama-sama nating ipagdiwang ang ating wika sa pamamagitan ng mga gawaing magbibigay-daan sa pagkatuto, pagkamalikhain, at pagmamalaki sa ating pambansang identidad. โค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’™




31/07/2026

๐‘œ๐‘›-๐‘๐ด๐‘€๐ผ๐ด๐‘๐ด๐‘: PAGTATAPOS ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Noong Hulyo 24, 2026, matagumpay na ginanap sa Alicia Community Center ang Graduation Rites ng Batch 2026 ng Pamantasang Normal ng Pilipinas โ€“ Hilagang Luzon.

Sa nasabing seremonya, pinarangalan ang mga nagsipagtapos bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap, dedikasyon, at tagumpay sa kanilang akademikong paglalakbay.

Bitbit ang kanilang mga pangarap at natamong kaalaman, inaasahang magiging katuwang ang mga bagong gradweyt sa paghubog ng mga bata bilang magiging bagong g**o sa lipunan.



Photos from PNUNL Tinig Amianan's post 24/07/2026

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ข๐ญ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐ , ๐›๐š๐ ๐ค๐ฎ๐ฌ ๐ข๐ญ๐จ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐š๐ญ ๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐จ๐ง๐  ๐š๐๐ก๐ข๐ค๐š๐ข๐ง.

Sa mga huwarang ka-๐–๐–†-๐•ฌ๐–’๐–Ž๐–†๐–“๐–†๐–“ na naging kasama sa nagkakaisang himig at serbisyong may iisang tindig, ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐š๐ญ ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐“๐€๐“๐€๐๐Ž๐’! ๐ŸŽ“

Dalhin niyo ang boses ng katotohanan at taglayin ang katapatang magsilbi para sa bata at para sa bayan.

๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ, ๐—ž๐—ฎ-๐—”๐—บ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป! ๐Ÿฆ…

22/07/2026

๐๐๐”๐๐‹ ๐Ÿ“๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ง๐œ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐„๐ฑ๐ž๐ซ๐œ๐ข๐ฌ๐ž๐ฌ!
Abangan ang ating special coverage dito lamang sa Tinig Amianan!

Photos from PNUNL Tinig Amianan's post 16/07/2026

Matagumpay na naisagawa ng ๐‘ท๐‘ต๐‘ผ๐‘ต๐‘ณ ๐‘ป๐’Š๐’๐’Š๐’ˆ ๐‘จ๐’Ž๐’Š๐’‚๐’๐’‚๐’ ang Unang ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’“๐’Š๐’‘๐’๐’๐’๐’ˆ para sa Taong Panuruan 2026โ€“2027, na ginanap ngayong ika-16 ng Hulyo, 2026.

Naging daan ang pagpupulong upang talakayin ang mahahalagang adyenda ng organisasyon, kabilang ang paglalahad ng binagong Konstitusyon at mga Tuntunin, pagpili ng mga opisyal at trainee, pagpapasya sa mga nalalapit na gawain at programa, gayundin ang pagbubukas ng malayang talakayan upang marinig ang tinig at mungkahi ng bawat kasapi.

Higit pa sa isang pagpupulong, nagsilbi itong pagkakataon upang higit pang pagtibayin ang pagkakaisa, pananagutan, at iisang layunin ng organisasyon sa patuloy na paghahatid ng makabuluhan at tapat na paglilingkod.

Want your school to be the top-listed School/college in Alicia?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Philippine Normal University/North Luzon, Brgy. Aurora, Isabela
Alicia
3306