07/07/2026
๏ผจ๏ฝ๏ฝ๏ฝ๏ฝ ๏ผ๏ผ, ๏ผ๏ผ๏ผ๏ผ | ๏ผณ๏ฝ๏ฝ ๏ผช๏ฝ๏ฝ๏ฝ ๏ผฅ๏ฝ๏ฝ
๏ฝ๏ฝ
๏ฝ๏ฝ๏ฝ๏ฝ๏ฝ ๏ผณ๏ฝ๏ฝ๏ฝ๏ฝ๏ฝ
๐ก๏ธ ๐๐ธ๐ธ๐๐ธ๐๐ธโ โ๐พ๐ธ๐๐โ, ๐๐ธ๐๐๐พ๐๐ธ๐๐ธโ โ๐ธ๐น๐ธ๐๐น๐โ๐ธ๐! ๐๐ฎ
๐ฅ Kapag may sunog, alam mo ba ang unang dapat gawin? Paano kung may nambubully o may kahina-hinalang nangyayari sa komunidad? ๐ค
Hindi sapat ang pagiging alertoโmas mahalaga ang pagiging handa at may tamang kaalaman.
Sa pangunguna ng Barangay San Juan LGU sa pamumuno ni Brgy. Captain Sherwin Dela Cruz, matagumpay na naisagawa ang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign para sa mga g**o, non-teaching personnel, mga magulang, at mga mag-aaral ng San Juan Elementary School.
Lubos na pinahahalagahan ng paaralan ang malasakit at dedikasyon ng ating mga katuwang na ahensya sa pagbabahagi ng kaalaman at paggabay sa komunidad. Katuwang sina PSSg Roxanne Joy Lubbong, PCpl Jovita Rose Pahigon, PCpl Jeanalyn Navarro ng Philippine National Police (PNP) , FO1 Oscar Bastawang, FO1 Melody Gapayan ng Bureau of Fire Protection (BFP), PCpl Jimmy Anongos Jr., Pat Bolimar Laggao ng Provincial Mobile Force Company (PMFC), at SN1 John Robert Pascua, SN2 Bahrin Dammang, ASN Mark Kevin Lazaro ng Philippine Coast Guard (PCG), tinalakay ang fire prevention and safety, anti-bullying at cyberbullying, crime prevention, child protection, road safety at tamang pagmamaneho, mga lokal na ordinansa, at iba pang mahahalagang batas at usaping pangkapayapaan at pangkaligtasan.
๐ Ang kaligtasan ay hindi nag-uumpisa sa oras ng sakunaโnagsisimula ito sa tamang kaalaman. Maraming salamat sa ating mga resource speakers at sa lahat ng nakiisa sa adhikaing bumuo ng isang mas ligtas, mas maalam, at mas matatag na komunidad. ๐ค