RVAlbay Miti ES

RVAlbay Miti ES Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RVAlbay Miti ES, School, Purok 1, Miti, Camalig, Albay.

CLEAN-UP DRIVE PART 2 | September 18, 2026 “Tulong-tulong sa Kalinisan, Tungo sa Magandang Kalusugan!”Sama-sama nating p...
30/09/2026

CLEAN-UP DRIVE PART 2 | September 18, 2026

“Tulong-tulong sa Kalinisan, Tungo sa Magandang Kalusugan!”
Sama-sama nating panatilihing malinis at ligtas ang paaralan!

Nagkaisa ang SPTA Officers, sa pangunguna ni SPTA President Hon. Meden Onesa, mga magulang, SK Chairman Hon. Ryan P. Nantes, at iba pang school stakeholders sa pagsasagawa ng Clean-Up Drive Part 2 upang mapanatiling malinis, ligtas, at malusog ang ating paaralan. Sa sama-samang paglilinis at pagtanggal ng mga maaaring pamugaran ng lamok, nakatutulong tayo sa pag-iwas sa dengue at iba pang sakit.

Tayo ay DILAW, Walang AAYAW!Sa mundo ng sports, ang pagiging do ilaw ay simbolo ng sigla, tapang, at positibong pananaw....
30/09/2026

Tayo ay DILAW, Walang AAYAW!

Sa mundo ng sports, ang pagiging do ilaw ay simbolo ng sigla, tapang, at positibong pananaw. Hindi mahalaga kung panalo o talo—ang tunay na atleta ay patuloy na lumalaban, bumabangon sa bawat pagkatalo, at nagbibigay ng buong puso sa bawat laro.

Miti Elementary School proudly congratulates our selected athletes who participated in the 2026 District Athletic Meet held on Saturday, September 26, 2026!

List of Participants – 2026 District Athletic Meet
1. Arjohn N. Murillo – Table Tennis
2. Adaline Ross M. Nidua – Chess
3. Patrick Ejercito – Athletics – Running
4. Eugene Agravante – Athletics – Discus Throw
5. Nathaniel Lozada – Athletics – Shot Put and Discus Throw
6. Daniel Kristoff Nuas – Table Tennis

* Ricaella Binaraba – Athletics – Running 2nd Placer (200m. Run)

Our athletes showcased their determination, discipline, teamwork, and sportsmanship in their respective events. The running events were held at Travesia, Table Tennis at CNCS, and other events were held at Libod Elementary School.

We extend our heartfelt gratitude to our athletes, coaches Ma'am Rachelle Napiri Napay for table tennis, Ma'am Joy M. Bea for chess, Ma'am Joann Marquez for athletics, parents/guardians, barangay council for the transportation and school personnel headed by Sir Jefrey L. Manrique for their dedication and support. Your hard work and courage have made Miti Elementary School proud. Keep striving, keep improving, and keep reaching for your dreams!

Padayon, Miti ES athletes! Dahil ang tunay na kampeon ay hindi lamang marunong manalo—marunong din siyang lumaban hanggang dulo!

📸 Ma'am Joann Marquez
📸 Ma'am Joy M. Bea

Welcoming 2nd Term with grateful hearts!SCHOOL NUTRITION PROGRAM through GARDENIA WELLNESS ACTIVITY | MITI ES, Kabilang ...
23/09/2026

Welcoming 2nd Term with grateful hearts!

SCHOOL NUTRITION PROGRAM through GARDENIA WELLNESS ACTIVITY | MITI ES, Kabilang sa Napiling Paaralan!

Isang malaking biyaya at karangalan para sa Miti Elementary School na mapabilang sa listahan ng mga paaralan na napili para sa Gardenia Wellness Activity na bahagi ng pagpapatupad ng School Nutrition Program.

SETYEMBRE 21, 2026

Matagumpay na isinagawa ang Gardenia Nutri-Tour sa aming paaralan na may temang "Be Active and Eat Healthy Every Day."

Tampok sa programa ang:
✔️ Maikling wellness lecture mula sa Gardenia representatives tungkol sa kahalagahan ng tamang nutrisyon at active lifestyle
✔️ Masayang energizer at palaro na may papremyo para sa mga mag-aaral
✔️ Pamamahagi ng Gardenia products sa lahat ng mag-aaral
✔️ Pagbibigay din ng mga produkto sa mga g**o na umuwi nang nakangiti at busog sa biyaya
✔️ Sabay na monitoring ng School-Based Feeding Program (SBFP) kasama si CND Nurse Jovelyn "Jovz" Del Carmen Regondola

Lubos po kaming nagpapasalamat sa Gardenia Philippines sa pagbibigay-pansin at pagdadala ng programang hindi lamang nakakabusog ng sikmura kundi nagbibigay-kaalaman para sa malusog na pangangatawan ng aming mga mag-aaral.

SETYEMBRE 22, 2026 - Dugtong na Biyaya

Ang biyaya ay nasundan pa ng sorpresang pagbisita nina SGOD Chief Edwin Mias at kasamahan sa aming munting paaralan.

Ang isang taos-pusong pangungumusta ay higit pa sa simpleng tanong — ito ay pagpaparamdam ng malasakit.

Lubos po kaming nagpapasalamat kay SGOD Chief Edwin Mias sa kanyang makabuluhang pagbisita sa Miti Elementary School. Ang inyong mga katagang "Kumusta kayo? Okay lang ba kayo?" ay nagsilbing paalala na sa kabila ng mga hamon, may mga lider na tunay na nakasuporta at nagmamalasakit sa kapakanan ng mga g**o.
Maraming salamat po sa inyong inspirasyon, payo, at pag-encourage na siyang bumubuo sa aming pag-asa ngayong 2nd Term.

Tunay na ang Setyembre sa Miti ES ay Puno ng Nutrisyon, Puno ng Inspirasyon sa pamumuno ni Sir Jefrey L. Manrique.

Maraming salamat po muli sa Gardenia Philippines, SGOD Chief Edwin Mias, at CND Nurse Jovelyn sa inyong suporta!

📸 Ma'am Joy M. Bea
📸 Ma'am Marilou Nocedal Bernaldez

"SA MALINIS NA PAARALAN, LIGTAS ANG KABATAAN!"In compliance with Executive Order No. 30, Miti Elementary School held a S...
17/09/2026

"SA MALINIS NA PAARALAN, LIGTAS ANG KABATAAN!"

In compliance with Executive Order No. 30, Miti Elementary School held a Simultaneous Clean-up Drive to prevent dengue and protect our learners from mosquito-borne diseases.

We extend our heartfelt gratitude to our School Head Jefrey L. Manrique, PSDS Ma'am Aileen P. Manzanilla, SPTA President Meden Onesa, SK Chairman Hon. Ryan P. Nantes, Barangay Captain Hon. Lelia Napay, BHWs, tanod, parents/guardians, and the entire community for proving that a clean and safe school is possible through bayanihan.

Ang kalinisan ay hindi lang gawain ng isa, kundi tungkulin ng lahat. Sa pagtutulungan, mailalayo natin ang banta ng dengue sa ating mag-aaral. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at malusog na paaralan para sa lahat.

📸 SPTA President Hon. Meden M. Onesa
📸 Ma'am Rachelle N. Napay

3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026Alinsunod sa inilabas na memorandum ng NDRRMC/DepEd kaugna...
10/09/2026

3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026

Alinsunod sa inilabas na memorandum ng NDRRMC/DepEd kaugnay sa pagsasagawa ng 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Setyembre 10, 2026, sa ganap na 9:00 ng umaga, buong pusong nakiisa ang ating mga mag-aaral.

Bagama't nasa kani-kanilang tahanan, aktibong isinagawa ng mga bata ang "DUCK, COVER, and HOLD" bilang paghahanda sa banta ng lindol.

Sa kanilang munting paraan, ipinakita nila na ang kahandaan ay hindi lang sa paaralan matututunan, kundi maging sa tahanan.

Patuloy nating itanim sa isip ng mga bata: Ligtas ang may alam, handa ang may pakialam!

Maraming salamat sa mga magulang at mag-aaral na nakilahok at nagpasa ng larawan!

📸 Mga pitik ng mga magulang/kapamilya ng mga mag-aaral ng Miti ES

DAY 1 of 2 | SCHOOL-BASED IN-SERVICE TRAINING S.Y. 2026-2027MITI as GOLD - Methods, Strategies, Innovations in Teaching ...
10/09/2026

DAY 1 of 2 | SCHOOL-BASED IN-SERVICE TRAINING S.Y. 2026-2027

MITI as GOLD - Methods, Strategies, Innovations in Teaching and Instruction as Guide to Overcome Learning and Teaching Difficulties
September 10, 2026
Proponent: Ma'am Marilou N. Bernaldez

Day 1 done, and truly — GOLD was found! ✨

If teaching is mining, then we teachers are the miners — tirelessly digging deep, patiently sifting through challenges, to discover the GOLD in every learner. And today, through MITI, we were given new tools to mine better.

Our sincerest thanks to our passionate speakers:

Ma'am Cristy M. Moradillo - Session 1 & 3
Ma'am Sharmaine A. Loresto - Session 2 & 4

Indeed, MITI is not just Methods — it is our GOLD. The treasure we bring back to our classrooms.

Thank you to our proponent Ma'am Marilou N. Bernaldez for this golden opportunity, to our supportive School Head Sir Jefrey L. Manrique and to all our co-teachers for the active participation. On to Day 2 of mining for GOLD!

📸 Ma'am Joy M. Bea
✍️ Ma'am Lalaine A. Blazo

Miti Elementary School BSP-GSP ENCAMPMENT 2026 | September 4–5Pagkatapos ng masiglang Intramurals 2026, tuloy-tuloy ang ...
10/09/2026

Miti Elementary School
BSP-GSP ENCAMPMENT 2026 | September 4–5

Pagkatapos ng masiglang Intramurals 2026, tuloy-tuloy ang saya, pagkatuto, at pakikipagsapalaran sa 2-Day Miti BSP Encampment!

Isang makabuluhang karanasan para sa ating mga campers at learners, puno ng pagkakaisa, disiplina, kasiyahan, at mahahalagang aral.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga magulang, learners, Barangay Council at Barangay Tanod, SPTA officers,teachers/ school coordinators , Ms. Bea Nicole Hernandez (as Guest) at higit sa lahat sa ating butihing School Head, Mr. Jeffrey Manrique, sa walang-sawang suporta, tiwala, at pakikiisa.

Mula sa palakasan tungo sa pakikipagsapalaran—sama-sama, laging handa!

MITI ELEMENTARY SCHOOL INTRAMURALS 2026Setyembre 4, 2026Tema:“School Sports: Play Today, Lead Tomorrow, From Training Gr...
10/09/2026

MITI ELEMENTARY SCHOOL INTRAMURALS 2026

Setyembre 4, 2026

Tema:
“School Sports: Play Today, Lead Tomorrow, From Training Grounds to Life Beyond Sports”

Isang masaya at makabuluhang araw ng palakasan, pagkakaisa, disiplina, at sportsmanship ang nasaksihan sa Miti Elementary School Intramurals 2026!

Mahalagang bahagi rin ng pagdiriwang ang pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga batang nasa Primarya na makilahok at magkaroon ng mga laro. Sa murang edad, ang paglalaro ay nagsisilbing daan upang malinang ang kanilang kasanayan sa palakasan, pakikipagtulungan, tiwala sa sarili, disiplina, at pagmamahal sa aktibong pamumuhay.

Sa bawat laro, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang galing, determinasyon, pakikipagtulungan, at respeto sa kapwa. Higit sa pagkapanalo, ang bawat karanasan sa palakasan ay paghahanda sa mga hamon ng buhay at paghubog sa mga susunod na lider.

CONGRATULATIONS, OVERALL CHAMPION!

ORANGE JAGUARS

Matagumpay na nasungkit ng Orange Jaguars ang titulong Overall Champion, matapos mangibabaw sa kompetisyon laban sa Green Pythons.

Mabuhay ang Orange Jaguars!
Saludo rin sa Green Pythons sa kanilang husay, sipag, at magandang laban!

Maglaro ngayon. Mamuno bukas. Mula sa larangan ng palakasan tungo sa tagumpay sa buhay!

Miti Elementary School proudly participated in the 2026 District Social Studies Showdown:4th Place - Arjohn Joseph Muril...
05/09/2026

Miti Elementary School proudly participated in the 2026 District Social Studies Showdown:
4th Place - Arjohn Joseph Murillo & Sander N. Benjamin – Photo Essay Contest
4th Place- Arnel Nidua Jr. – Geographic Bee Contest

Maraming salamat sa kanilang mga magulang sa walang sawang suporta at pagpapahintulot na makilahok sila. Ang mga karanasang kanilang natamo ay magsisilbing daan upang higit silang lumago, magkaroon ng tiwala sa sarili, at umunlad bilang mga mag-aaral.

Pasasalamat din sa Tagapagsanay na si Joann N. Marquez, AP Coordinator na si Lalaine A. Blazo, at School Head na si G. Jefrey L. Manrique sa kanilang paggabay at suporta.

Mabuhay, mga batang taga-Miti! Sila ay aming ipinagmamalaki!

SABADO: GANADO AT PANALO! Ang Paaralang Elementarya ng Miti, sa pamumuno ng aming School Head na si Sir Jefrey L. Manriq...
15/08/2026

SABADO: GANADO AT PANALO!

Ang Paaralang Elementarya ng Miti, sa pamumuno ng aming School Head na si Sir Jefrey L. Manrique, ay lubos na nagpupugay sa dalawang magkaibang tagumpay kahapon, Agosto 15, 2026. Bagama't magkaiba ang lugar at layunin, iisa ang diwa ng mga ito: ang manalo para sa kabataan at pamayanan.

Sa Paaralang Elementarya ng Cabangan ginanap ang 2026 Camalig North District Schools Press Conference kung saan buong galing na lumaban ang ating batang mamamahayag. Sa gabay ng kanilang mahusay na coach na si Ma'am Marilou N. Bernaldez at ng aming School Paper Adviser na si Ma'am Rachelle N. Napay, buong pagmamalaki naming binabati sina Ma. Pauline N. Loremia (4th Place, Editorial Cartooning), Xiamara Lorraine N. Servan (2nd Place, SciTech Writing), at Adaline Ross M. Nidua (1st Place, News Writing). Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga magulang ng mga batang sumali sa PressCon sa kanilang walang sawang suporta, paggabay, at paghahatid sa kanilang mga anak. Ang kanilang tagumpay ay patunay na sa Paaralang Elementarya ng Miti, hindi lang kaalaman ang itinatanim kundi mga kampeon.
Samantala, sa sariling bakuran naman ng Paaralang Elementarya ng Miti ay ganado ring kumilos ang ating mga magulang/ 4Ps beneficiaries nainilaan nila sa Gulayan sa Paaralan na pinamunuan ng GSPTA President/Kagawad Meden Onesa. Sa ilalim ng mga puno ng cacao, sabay-sabay silang naglinis, nagtanim, at nag-ayos ng gulayan bilang bahagi ng kanilang community service na magkaiba man sa presscon — talino ang puhunan sa isa, pawis naman sa isa — ay iisa pa rin ang bunga. Tunay na Sabado man, ganado at panalo pa rin ang Paaralang Elementarya ng Miti dahil sa pagtutulungan ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at pamunuan!

📸 Ma'am Lhou
📸 Kagawad Meden Onesa
✍️ Titser Lala

Address

Purok 1, Miti, Camalig
Albay
4502

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RVAlbay Miti ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category