21/12/2025
DMSOS naki-isa sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Ang programa na may temang "Paskong Pinoy," ay naglalayong muling balikan ang iba't-ibang kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Ito ay ipinakita sa pamamagitan ng mga presentasyon na inihanda ng mga mag aaral mula Preparatory, Kindergarten, una hanggang ika-anim na baitang.
Inimbitahin din ng paaralan si Hon. Celia Ras Ragot, punongbarangay ng Ilaor Norte, Oas, Albay bilang panauhing pandangal na nagbahagi ng napakagandang mensahe.
Bago matapos ang programa ay namigay din ang paaralan ng mga munting handog sa piling pamilya ng Barangay bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap. Ang mga munting regalo na ito ay mula sa mga mag-aaral, magulang, at sa pamilya ng DMSOS sa pamumuno ni Gng. Teresita R. Pesino.
Mula sa pamilya ng DMSOS, Isang MALIGAYANG PASKO SA LAHAT! 🎄🎁