26/09/2022
๐๐๐ข๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฌ๐ | ๐ฆ๐ถ๐ฒ๐ฟ๐ฟ๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฑ๐ฟ๐ฒ
Dahil nasa silangang bahagi lamang ng Pilipinas ang Karagatang Pasipiko kung saan karamihan ng bagyo sa mundo ay nabubuo, hindi na nakapagtataka na tayo ay hunahagupit ng mga bagyo taon-taon. Kaya't malaking bagay na mayroon tayong panangga na nagpapahina sa mga bagyo sa oras na tumama ito sa kalupaan partikular sa isla ng Luzon.
Gayunpaman, tayo ay hindi dapat magpaka-kampante. Kinakailangan pa rin nating maghanda para sa ating kaligtasan lalo ngayon na nakatakdang mag-landfall ang Typhoon "Karding" sa ating bansa.