13/09/2026
๐ฆ๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ฏ๐๐ผ...๐ฆ๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ธ๐ผ!
Bilang isa sa mga gawain sa Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang โ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐: ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ, ๐ง๐๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป,โ isinagawa sa Pambansang Mataas na Paaralan ng , San Vicente, Libon, Albay ang Patimpalak sa Paggawa ng Sulok-Pagbasa โisang munting espasyo na may malaking ambag sa paghubog ng kaalaman at pagmamahal sa sariling wika.
Sa panahong mabilis na umuunlad ang Artificial Intelligence, higit nating kailangan ang isang henerasyong marunong bumasa, sumuri, mag-isip, at gumamit ng teknolohiya nang responsable. Hindi lamang sapat na mabilis tayong nakakakuha ng impormasyon; higit na mahalaga ang wastong pagsusuri at paggamit dito.
Ang gawaing ito ay nilahukan ng mga mag-aaral, g**ong nagsasanay at kaguruan ng SVNHS mula baitang pito hanggang baitang 12 sa pangunguna ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Wika.
Samantala, pinangunahan naman ni G. Nick P. Azaรฑa ang paghatol sa patimpalak noong Agosto 28, 2026 (final judging) katuwang sina G. Jerald B. Garcia at Gng. Aida B. Sayson. Naging kabahagi rin sa gawain (pre-judging) sina G. Johnel Cardel, Gng. Jomi R. Pacto at G. Jerald B. Garcia. Ginanap ang pre-judging noong Agosto 20 , 2026.
Binigyang halaga sa bawat sulok-pagbasa ang kahalagan ng wikang Filipino at responsableng paggamit ng AI tungo sa pagkakaroon ng kaalaman.
Hindi man nasungkit ng ilan ang puwesto sa patimpalak subalit ang layuning maipamalas sa mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabasa ay higit pa sa panalo at tagumpay na inaasahan.
โ๏ธ๐ป| ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐๐ ๐๐ผ๐ ๐ฃ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ด๐ผ๐ป, ๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฒ ๐๐น๐๐ฏ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐