Supreme Secondary Learner Government - AINHS

Supreme Secondary Learner Government - AINHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Supreme Secondary Learner Government - AINHS, School, D. Fandiño, Alaminos Integrated National High School, Alaminos.

🪶✨ IPAHAYAG ANG DAMDAMIN, GAMIT ANG BAYBAYIN! ✨🪶Ngayong Buwan ng Wika, balikan natin ang isa sa mga yaman ng ating kultu...
18/08/2026

🪶✨ IPAHAYAG ANG DAMDAMIN, GAMIT ANG BAYBAYIN! ✨🪶

Ngayong Buwan ng Wika, balikan natin ang isa sa mga yaman ng ating kultura—ang Baybayin! 🇵🇭

Minsan, mahirap sabihin nang direkta ang nararamdaman. Kaya kung hindi mo kayang sabihin ang "Mahal kita", baka kaya mo namang isulat sa Baybayin. At kung hindi pa rin... beh, baka hindi talaga siya para sa’yo. 😭

Ang Baybayin ay hindi lamang mga simbolo na maganda tingnan sa pubmat o sa notebook. Ito ay bahagi ng kasaysayan at kultura—isang paalala na bago pa man dumating ang makabagong teknolohiya, mayroon nang sariling paraan ang ating mga ninuno upang sumulat, makipag-ugnayan, at magpahayag.

📜 Ipahayag ang iyong damdamin. Ipagmalaki ang sariling atin. At gawing buhay ang ating wika at kultura.

Ngayong Buwan ng Wika, Baybayin natin ang damdamin! Kasi minsan, hindi sapat ang "ᜑᜑᜑᜑᜑ" para itago ang dahilan kung paano ka nasaktan. 😆

🖼: Diane Hale Castro ( Vice President )

ISANG KARANGALAN, ISANG TUNGKULIN, ISANG MAGANDANG KARANASAN✨💚Mula sa Alaminos Integrated National High School (AINHS) a...
18/08/2026

ISANG KARANGALAN, ISANG TUNGKULIN, ISANG MAGANDANG KARANASAN✨💚

Mula sa Alaminos Integrated National High School (AINHS) ay ating batiin ang dalawang kabataang lider ang nagkaroon ng pagkakataong maging bahagi ng Alaminos Junior Officials 2026, 08/17/26 Dala ang kanilang mga karanasan bilang mga pinuno ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at ang hangaring maglingkod para sa kapwa kabataan ng bayan.

✨ Eunice C. Aguila bilang Little Vice Mayor
✨ Diane Hale Castro bilang Little LNB President.

Sa kanilang mga tungkulin, buong puso nilang tinanggap ang pagkakataong matuto, makiisa, at magsilbi sa kanilang kapwa kabataan at sa pamayanan.

Sa bawat tungkuling kanilang ginampanan, may aral na maiuuwi. Sa bawat araw na kanilang inilaan, may karanasang mananatili. At sa bawat pagkakataong sila ay naglingkod, higit nilang naunawaan na ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa puso ng paglilingkod, pananagutan, at malasakit sa kapwa. ❤️

Isang karangalan. Isang tungkulin. Isang karanasang habambuhay na pahahalagahan. 💗💗💗

Mabuhay ang kabataang lider ng AINHS!

Isang malaking karangalang naging bahagi kayo ng Alaminos Junior Officials 2026 💝

“Ako’y Mabuti, Pass sa Bully!” ✋🏻🚫08/13/26, Nagsagawa ang SSLG Officers ng Room-to-Room Orientation sa bawat section ng ...
13/08/2026

“Ako’y Mabuti, Pass sa Bully!” ✋🏻🚫

08/13/26, Nagsagawa ang SSLG Officers ng Room-to-Room Orientation sa bawat section ng AINHS, mula Junior High School hanggang Senior High School, bilang bahagi ng aming patuloy na pagsusulong ng isang ligtas, marespeto, at bully-free na paaralan. 🫶🏻

Sa bawat silid-aralan, nagbahagi kami ng mahahalagang kaalaman tungkol sa bullying, kung ano ito, paano ito nakaaapekto sa isang tao, at kung paano tayo maaaring maging bahagi ng solusyon. Hindi lamang kaalaman ang aming ibinahagi, kundi pati ang mensahe na ang bawat isa ay may karapatang igalang, pakinggan, at tratuhing may kabutihan. 💚

At siyempre, hindi kumpleto ang ating orientation nang walang saya! 🕺🏻💃🏻✨ Nakisabay ang mga estudyante sa ating Anti-Bullying Dance, na nagsilbing masayang paraan upang maipakita na ang pagtutulungan at pagkakaisa ay mas makapangyarihan kaysa panunukso at pang-aapi.

Namahagi din ng mga stickers na may nakasulat na mga mensahe tungkol sa Anti-bullying na maiidikit sa kwaderno ng mga mag-aaral bilang magiging paalala sa bawat isa ang munting mensahe tungkol sa Anti-bullying 💚

Sa pagtatapos ay sama-sama nating binigkas:

“Ako’y Mabuti, Pass sa Bully!” 🚫💚

Mula sa bawat classroom hanggang sa buong paaralan, sama-sama nating gawing kultura ang kabutihan, respeto, at malasakit.

Be kind. Be respectful. Be an ally. Be part of the solution.

AINHS, sama-sama nating ipasa ang kabutihan at i-pass ang bullying! 💚✨









Avisala AIHNSians. 🙌🏻Kamusta kay—Ay, naka-tulog? 😭Walang pasok dahil sa bagyo, kaya attendance check muna tayo, mga beh!...
10/08/2026

Avisala AIHNSians. 🙌🏻

Kamusta kay—Ay, naka-tulog? 😭

Walang pasok dahil sa bagyo, kaya attendance check muna tayo, mga beh! 👀 Yohoo, dito ang tingin.

Safe ba ang lahat o naka-“Lord sana i-extend hanggang Friday yung bakasyon” mindset ka pa rin? Yung iba siguro mahimbing nang natutulog, yung iba nakatingin sa ulan, nagre-reminisce at iniisip kung saan ba sila nagkulang. 😿 Oops, oops, oops.

Kaya react naman kung ano ang current mood ninyo:

❤️ — Kaniya-kaniyang cram na to
👍🏻 — Gusto ko na pumasok right neow
🤗 — Ooops, ooops, ooops
😲 — Oh c'mon! Limot ko na mga pinag-aralan last week
😡 — “Bagay naman kayo eh” — 4 signs
😢 — May pending pa ri—ay, nakatulog?

1, 2, 3, go, kanya-kanya na! Mag-react sa status ninyo. 😭

Pero jokes aside, stay safe, AINHSians! Manatili muna sa safe place at iwasang lumabas kung hindi naman kailangan. Kung malakas ang ulan o hangin, lumayo sa mga bintana at lugar na maaaring bahain. I-charge ang phones at power banks habang may kuryente pa, at siguraduhing alam ninyo kung saan pupunta kung kailangan lumikas. Higit sa lahat, makinig sa official announcements at updates ng school at local authorities.

Ngayon tayo ay magluluto na—este, mag-iingat muna. 😭

Enjoy the unexpected extension, mga beh, pero ’wag kayong masyadong masaya... dahil the rain doesn't fall on all of us equally.

Ayun lang! Stay safe AINHSians!

Happy Birthday to our dedicated Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Adviser, Sir Edmond Castillo! 💙✨Today, we ce...
05/08/2026

Happy Birthday to our dedicated Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Adviser, Sir Edmond Castillo! 💙✨

Today, we celebrate not only your special day but also your hard work in serving our fellow learners. Your passion and dedication continue to inspire those around you, making a positive impact on our school community.

May this year bring you endless happiness, success, good health, and countless blessings🥰

Enjoy your special day and we wish you nothing but the best. Continue inspiring us and being a true role model.— you truly deserve all the love and appreciation today! 💙🎉
Happy Birthday, Sir Edmond! 🎂✨ — Your SSLG Family 💙

Happy Birthday to our dedicated Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Auditor, Jeribel C. Manalo! 💜✨Today, we cele...
01/08/2026

Happy Birthday to our dedicated Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Auditor, Jeribel C. Manalo! 💜✨

Today, we celebrate not only your special day but also your hard work in serving our fellow learners. Your passion and dedication continue to inspire those around you, making a positive impact on our school community.

May this year bring you endless happiness, success, good health, and countless blessings!

Enjoy your special day and we wish you nothing but the best. Continue inspiring us and being a true role model.— you truly deserve all the love and appreciation today! 💜🎉

Happy Birthday, Jeribel! 🎂✨ — Your SSLG Family 💜

The SSLG remains committed to promoting environmental stewardship through meaningful action. Together, we cultivate not ...
01/08/2026

The SSLG remains committed to promoting environmental stewardship through meaningful action.

Together, we cultivate not only a school garden but also responsibility, unity, and care for our environment. 🌱💚


POV: You finally have a place to yap07/03/26Dear AINHS Senior High Students,You wrote. You shared. You made someone smil...
05/07/2026

POV: You finally have a place to yap
07/03/26

Dear AINHS Senior High Students,
You wrote. You shared. You made someone smile. 💙
From heartfelt confessions and words of appreciation to funny thoughts and random wishes, our SSLG Message Wall became a reminder that every student has a voice worth hearing.

Dito legit lahat confessions, hiling, pasasalamat, rants, kahit "sana walang pasok bukas".
Walang sasaway. Walang mang-judge.

A simple note may seem small, but to someone, it could mean everything.

Isulat mo na yan. Baka ikaw pa yung reason para ngumiti yung iba mamaya. Isang note lang yan. Pero minsan, isang note lang din ang kailangan ng isang tao para gumaan ang loob. Thank you for making our Message Wall alive with your stories and kindness. ✨

Your message matters. Your voice matters.






✍️: Eunice C. Aguila (SSLG PRESIDENT) & Diane Hale Castro (SSLG VICE PRESIDENT)

Happy Birthday to our dedicated Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Grade 9 Representative, Reign Catanaoan! 💙To...
02/07/2026

Happy Birthday to our dedicated Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Grade 9 Representative, Reign Catanaoan! 💙

Today, we celebrate not only your special day but also your hard work in serving our fellow learners. Your passion and dedication continue to inspire those around you, making a positive impact on our school community.

May this year bring you endless happiness, success, good health, and countless blessings🥰

Enjoy your special day and we wish you nothing but the best. Continue inspiring us and being a true role model.— you truly deserve all the love and appreciation today! 💙
Happy Birthday, Reign! — Your SSLG Family 💙🥳

Happy Birthday to our dedicated Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Public Information Officer, Hannah Khate Viz...
25/06/2026

Happy Birthday to our dedicated Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Public Information Officer, Hannah Khate Vizco! 🥳✨

Today, we celebrate not only your special day but also your hard work and creativity, in serving our fellow learners. Your passion and dedication continue to inspire those around you, making a positive impact on our school community.

May this year bring you endless happiness, success, good health, and countless blessings🥰

Enjoy your special day and we wish you nothing but the best. Continue inspiring us and being a true role model.—you truly deserve all the love and appreciation today! 💙🎉

Happy Birthday, Hannah! 🎂✨ — Your SSLG Family 💙

Address

D. Fandiño, Alaminos Integrated National High School
Alaminos
4001

Telephone

+19203114629

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Supreme Secondary Learner Government - AINHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Supreme Secondary Learner Government - AINHS:

Shortcuts

Share

Category