26/06/2023
Ang araw na ito ay isa sa mga pinakamakulay, pinakamakasaysayan at pinaka-inaabangang araw dahil ipinagdiriwang ng Schools Division Office ng Alaminos City ang ika-20th o Emerald Founding Anniversary ng pagkakatatag nito na may temang βSoaring Higher, Getting Stronger and Moving Further.β
Sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, CESO VI at Assistant Schools Division Superintendent Marilu N. Cardenas, buong saya, galak at pagmamalaking ipinagdiwang ng SDO Alaminos City ang ika-dalawampung anibersaryo ng pagkakatatag nito, June 26, 2023.
Maagang nagsimula ang nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng isang motorcade na nagsimula sa Lucap Wharf at nilahukan ng mga kawani ng Dibisyon, mga punongg**o, mga g**o, mga mag-aaral, mga magulang at stakeholders.
Samantala, isang misa naman ang idinaos sa Education Building upang magbigay ng pasasalamat at papuri sa Panginoon para sa mapagpalang dalawampung taon ng Dibisyon at sa mga pagkilala at parangal na natanggap nito, gayundin sa mga pagsubok at hamon na nalampasan nito sa pagdaan ng panahon.
Dumalo sa nasabing pagdiriwang sina Assistant Regional Director Rhoda T. Razon, Congressman Arthur F. Celeste, City Mayor Arth Bryan C. Celeste, City Administrator Atty. Walter M. Macaiba at iba pa nilang kasamahan mula sa Local Government Unit ng Alaminos City. Dumalo rin ang mga nagsilbing lider at mga iba pang kawani ng Dibisyon na sina Dr. Oscar Tadeo, Dr. Danilo Sison, Dr. Lorna Bugayong, Ms. Rosario Cabrera, Dr. Wilfredo Sindayen, Dr. Gloria Reinoso, Gng. Cecilia Nisperos, Gng. Erlinda Santos, Gng. Mercuria Rendon, Gng. Aurora Sarmiento, Gng. Bella Villanos at G. Freddie Peralta.