31/01/2026
IKA-ANIM NA PANGKAT
Grade 11 GAS - A
Mga Miyembro:
Mico Magliquian
Steven Lewis Baliguat
Janine Acosta
Lj Jurisprudencia
Sa panahon ngayon madami ang mapagsamantala,mapanlinlang at higit sa lahat gumagamit ng dahas. Isa sa mga laging biktima ay mga kabataan , Walang kamuwang - muwang ,walang laban sa mga banta sa personal man o maging sa internet Hindi ligtas ,Hindi makakatakas sa mga taong mapangahas.
Sa adbokasiyang aming itinalaga layunin naming buksan at hikayatin ang lahat na suportahan ito ,isulong ang karapatang pantao at karapatan ng mga kabataan protektahan,tulungan at labanan ang karahasan para sa magandang kinabukasan
Maging isa sa mga boses at liwanag para sa mga batang may takut na magsumbong at nawawalan ng pag asa hindi pa huli ang lahat.
Ano ba ang layunin ng Child protection and support?
Layunin ng Child protection and support na protektahan ang mga kabataan mula sa lahat ng uri ng karahasan, pagsasamantala, at pang-aabuso—sa personal man o sa internet. Binibigyan din ito ng sapat na tulong at suporta para makamit ang ligtas, malusog, at may pag-asa na kinabukasan, habang isinasaalang-alang ang kanilang mga karapatan.
Ano ba ang mga Batas na pwede naming maging sandata laban sa karahasan?
1. Republic Act No. 7610
Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act
- Nagpoprotekta sa mga bata laban sa pang-aabuso, karahasan, pagsasamantala, at diskriminasyon.
2. Republic Act No. 9231
Elimination of the Worst Forms of Child Labor
- Ipinagbabawal ang mapanganib at mapagsamantalang trabaho para sa mga bata.
3. Republic Act No. 9208, na inamyendahan ng RA 10364
Anti-Trafficking in Persons Act
- Pinoprotektahan ang mga bata laban sa human trafficking at sexual content
Republic Act No. 10627
4. Anti-Bullying Act of 2013
- Pinoprotektahan ang mga mag-aaral laban sa bullying sa loob at labas ng paaralan, kabilang ang cyberbullying
Ito ang mga Batas na naglalayung protektahan at suportahan ang mga kabataan sila'y madami pa ngunit dapat alam mo ito maging tayong lahat upang sila ay matulungan sakaling may katiwalian na nangyayari.
Saan ba pwedeng humingi ng tulong o dumulog na tanggapan ?
DSWD - Department of Social Welfare and Development (Philippines)
PNP - Philippines National Police
(Malay Aklan )
Municipal Social Welfare and Development Office - Malay, Aklan Philippines
Hotline number: #09495668726
LGU Malay - Local Government Unit
Kabataan ang pag asa ng bayan kung sila ay ating papahalagan,iingatan at ipaglalaban
Nawa'y suportahan niyo ang aming ginawaing adbokasiya makiisa at maging tulay sa gawaing ito
Maraming Salamat!
30/01/2026
Pangalan: Jarren N. Cezar
Strand at Section: 11- ABM
WIKANG PILIPINO: Para sa araw-araw, hindi lang sa klase
Ang wikang Filipino ay hindi lang dapat ginagamit sa klase o kapag may takdang-aralin. Ito ay para sa araw-araw— sa pakikipag-usap sa kaibigan, sa pagpapahayag ng damdamin, at kahit sa simpleng usapan sa pamilya. Sa bawat salitang ginagamit natin nang tama at malinaw, mas naipapakta natin ang ating kultura at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Ngunit sa kasalukuyan, mas madalas nating ginagamit ang halo-halong wika o mga banyagang salita. Unti-unti nating nakakalimutan ang halaga ng sariling wika. Hindi ito problema ng wika, kundi ng pagpapahalaga natin sa paggamit nito. Kung hindi natin ito gagamitin ngayon, paano natin maipapasa sa susunod na henerasyon ang yaman ng ating wikang Filipino?
Ang Filipino ay parang kalamnan. Lumalakas kapag ginagamit, humihina kapag pinababayaan. Sa araw-araw na pakikipag-usap at pagsusulat, mas napapalakas natin ang ating kakayahan sa komunikasyon at mas napapalalim ang ating pag-unawa sa kultura at sa sarili nating pagkatao.
Layunin ng adbokasiyang ito na hikayatin ang mga kabataan na gamitin at pagyamanin ang wikang Filipino sa araw-araw. Sa simpleng paraan tulad ng pakikipag-usap sa Filipino, pagsusulat ng maayos, o paggamit nito sa social media, naipapakita natin ang pagmamalaki sa sariling wika. Kapag ginamit natin ito ng tama at madalas, hindi lang lumalakas ang Filipino, lumalakas din ang ating tinig bilang kabataan at Piipino.
30/01/2026
Pangalan: Dhanley Dela Torre
Strand at Section: 11- ABM
Wikang Filipino, Sandigan ng Pagkakaisa at Pagkakakilanlan ng Mga Pilipino
Sa kasalukuyang panahon, ang mga kabataan ay lumalaki sa isang mundo na puno ng mga dayuhang programa sa telebisyon, musika, at mga plataporma ng digital na komunikasyon. Dahil sa malakas na impluwensyang ito, marami nang mga Pilipino ang nakakalimutan na pahalagahan ang wikang Filipino – minsan ay nahihiyang gamitin ito sa mga pampublikong lugar, o mas pinipiling gumamit ng ibang wika para makaramdam ng "moderno" o "kopetente". Ngunit ang katotohanan ay, ang wikang Filipino ay hindi lamang isang wika para sa pag-uusap kundi isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan na nagbubuklod sa lahat ng Pilipino, anuman ang ating pinagmulan.
Patunay rito ang mga yugto ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan ang wikang Filipino ay nagsilbing sandata laban sa pang-aapi – mula sa mga talumpati ng mga lider ng kilusang kalayaan hanggang sa mga tula at sanaysay na nagpasigaw ng katarungan noong panahon ng Batas Militar. Bukod pa rito, sa mga pagkakataong kailangan ng pagtutulungan ng mga Pilipino – tulad ng panahon ng kalamidad o mga proyekto ng bayan – ang wikang Filipino ay siyang nagpapadali sa pagkakaunawaan at nagbibigay-diin sa damdaming "bayanihan" na kakaiba lamang sa atin.
Layunin ng adbokasyang ito na palakasin ang pagmamahal ng mga kabataan sa wikang Filipino sa pamamagitan ng mga paraang angkop sa kasalukuyang henerasyon. Maaari nating gamitin ito sa paggawa ng mga kontenido tulad ng mga vlog, meme, at mga kanta na nakabase sa ating kultura; isulong itong gamitin bilang wika ng komunikasyon sa mga grupo ng estudyante; at itaguyod ang pag-aaral ng mga salitang katutubo na maaaring isama pa sa wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay siyang boses ng ating lahi – dito natin maipapahayag ang ating mga pangarap para sa bansa at makikilala ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.
Sa simpleng hakbang tulad ng pagtatanong sa mga kaibigan na mag-usap gamit ang wikang Filipino, pagbabasa ng mga akdang pampanitikan sa Filipino habang nasa byahe, o paglahok sa mga paligsahan sa pagsusulat at pagsasalita sa sariling wika, makakatulong tayo na panatilihing buhay at palawakin pa ang mga hangganan ng wikang Filipino. Huwag nating hayaang mapalitan o malimutan ang wika na siyang nagbigay sa atin ng pagkakakilanlan bilang isang bansa. Simulan na natin ngayon, sapagkat sa pagpapahalaga sa wikang Filipino, mas magiging matibay ang ating pagkakaisa at mas magiging malakas ang ating presensya bilang mga Pilipino sa buong mundo.
30/01/2026
Pangalan: Bon-J S. Oczon
Strand at Section: 11-ABM
Adbokasiya: Wika Bilang Puhunan ng Kabataan at
Negosyo
Ang wika ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipag-usap, kundi isang mahalagang pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag natin ang ating damdamin, ideya, at paninindigan. Para sa mga kabataang mag-aaral, lalo na sa strand na ABM, ang wastong paggamit ng wika ay mahalaga sa pag-aaral, pakikipagnegosyo, at pakikisalamuha sa lipunan.
Sa panahon ng social media at makabagong teknolohiya, unti-unting napapabayaan ang tamang paggamit ng Filipino. Madalas ay napapalitan ito ng maling baybay, pinaikling salita, at halo-halong wika na nagdudulot ng kalituhan. Dahil dito, naapektuhan ang kakayahan ng kabataan na magpahayag nang malinaw at propesyonal.Bilang mga mag-aaral, tungkulin nating pahalagahan at paunlarin ang ating wika. Sa larangan ng negosyo, ang malinaw at epektibong komunikasyon ay susi sa tiwala ng kliyente at tagumpay ng isang kumpanya.
Ang paggamit ng tamang wika ay nagpapakita ng disiplina, respeto, at katalinuhan.
Ipanaglaban natin ang wika hindi lamang sa salita kundi sa gawa—sa pagsusulat, pagsasalita, at pakikipag-ugnayan sa iba. Ang wika ay kapangyarihan. Kapag inalagaan natin ito, inaalagaan din natin ang ating kinabukasan bilang kabataan at bilang Pilipino.
30/01/2026
Pangalan: Hezekiah Faith S. Andres.
Strand at Section: 11- ABM
Wika: Ipaglaban at Pahalagahan ang Wikang Filipino
Ang wika ay hindi lamang basta paraan ng pagsasalita. Ito ang puso ng ating pagkatao at simbolo ng ating pagka-Pilipino. Sa bawat salitang ating binibigkas, dala natin ang kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng ating bansa. Kaya naman, nararapat lamang na ating ipagmalaki at ipaglaban ang wikang Filipino.
Sa panahon ngayon, marami ang mas pinipiling gumamit ng banyagang wika dahil sa impluwensya ng social media, teknolohiya, at modernong pamumuhay. Unti-unti nating nakakalimutan ang kahalagahan ng sariling wika. Ngunit kung ating pababayaan ito, para na rin nating hinayaan na mawala ang isang mahalagang bahagi ng ating pagkatao bilang Pilipino.
Ang wikang Filipino ang nagsisilbing tulay ng pagkakaisa ng bawat mamamayan. Sa bansang may iba’t ibang rehiyon at diyalekto, ang wika ang nag-uugnay sa atin upang magkaintindihan at magtulungan. Kung wala ito, mas magiging mahirap ang pagkakaisa at mas mawawala ang ating pambansang identidad.
Higit sa lahat, ang wika ay yaman na dapat ipasa sa susunod na henerasyon. Bilang kabataan, tayo ang may responsibilidad na panatilihing buhay ang wikang Filipino. Sa simpleng paggamit nito sa araw-araw, sa paggalang dito, at sa patuloy na pagpapalaganap, naipapakita natin ang pagmamahal sa ating bayan.
Kaya’t huwag nating ikahiya ang ating sariling wika. Sa halip, ito ay ating ipagmalaki, pagyamanin, at pangalagaan. Sapagkat ang bansang nagmamahal sa wika ay bansang may matatag na pagkakakilanlan at nagkakaisang mamamayan.
30/01/2026
IKALIMANG PANGKAT
𝐆𝐀𝐒 𝐀 𝟏𝟏
Mga Miyembro
Joriel V. Gumboc
Niellianie Jane M. Cahilig
Ellisa Marie A. Aguirre
Glyza Andria M. Arma
Paul Christian A. Casimero
Clarence S. Alcaraz
Denmark F. Cahilig
𝐓𝐚𝐩𝐮𝐬𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐡𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧
May mga tinig na nananatiling hindi naririnig, mga iyak na hindi pinapansin, at mga karapatang patuloy na isinasantabi. Ito ay mga kababaihan na matagal nang pinagkaitan ng katarungan, kaya nararapat na sila ay ating ipaglaban. Sa kabila ng mga umiiral na programa at mga batas, maraming mga kababaihan ang patuloy na nakakaranas ng pang-aabuso, pambabastos, at kawalan ng pantay na oportunidad. 𝙄𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙗𝙡𝙚𝙢𝙖 𝙣𝙜 𝙞𝙞𝙡𝙖𝙣—𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙙𝙖𝙜𝙤𝙠 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙥𝙪𝙣𝙖𝙣 na kailangang lutasin bago pa masira ang kanilang kinabukasan. Pero hanggang kailan ba tayo mananatiling bulag at bingi sa kanilang iyak at sigaw ng saklolo?
Ayon sa datos ng Philippine National Police (2025) mayroong humigit-kumulang 𝟔,𝟖𝟖𝟑 kaso ng Violence Against Women (VAW). Ipinapakita nito ang patuloy na panganib na hinaharap ng mga kababaihan. Sa mga tahanan, paaralan, trabaho, at maging sa mga daan ay talamak ang pang-aabuso sa mga babae—mula sa catcalling hanggang sa panlalait, pananakit, at panggagahasa. Anumang edad, pananamit, at lugar ay hindi ginagarintiyahan ang kaligtasan ng mga kababaihan.
Ang adbokasiyang ito ay naninindigan para sa 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣, 𝙙𝙞𝙜𝙣𝙞𝙙𝙖𝙙, 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙤𝙥𝙤𝙧𝙩𝙪𝙣𝙞𝙙𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙗𝙖𝙞𝙝𝙖𝙣. Hindi kami mananahimik at magbubulag-bulagan sa harap ng pang-aabuso—kami ay makikinig, maniniwala, at igagalang ang mga babaeng nakakaranas ng karahasan. Kami ang magsisilbi nilang lakas at sandalan sa kanilang kahirapan. Ngunit hindi lang dito nagtatapos ang aming layunin—nais naming isulong at hikayatin ang aming mga kaibigan, kamag-aral, at pamilya ang kahalagahan ng respeto at ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.
Narito kami, hindi lang bilang isang kabataan at estudyante, kundi bilang mga tao na nakikita ang dagok na kinakaharap ng mga kababaihan. Kami ay titindig nang buong tapang at magsisilbing ilaw sa dilim ng sistemang patriyarkal.
Kaya't samahan mo rin kami, dahil mas malakas kung ang bawat isa ay handang magtulungan upang 𝙩𝙖𝙥𝙪𝙨𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙝𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙗𝙖𝙞𝙝𝙖𝙣!♀️
29/01/2026
Pangalan: Ken Francis Desabille.
Dount Daniel Briones.
Santiago Miguel Cooper.
Baitang at Strand/Section: 11- ABM
29/01/2026
Pangalan: Ayesha Q. Ernesto
Strand at Section: 11- ABM
Panitikang Pilipino: Pagyamanin, Pahalagahan, at Panatilihin
Sa kasalukuyang panahon, unti-unti tayong nababalot ng teknolohiya at impluwensiya ng mga banyagang midya. Dahil dito, ang Panitikang Pilipino ay tila unti-unting nalilimutan ng maraming Pilipino, lalo na ng mga kabataan. Sa halip na magbasa ng mga akdang Pilipino, mas nagkakaroon sila ng interes sa mga banyagang akda. Gayunpaman, ang Panitikang Pilipino ay hindi lamang koleksiyon ng mga tula at kuwento, kundi salamin ito ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang isang bansa.
Patunay rito ang ginampanang mahalagang papel ng panitikan noong panahon ni Dr. Jose Rizal, na ginamit niya bilang sandata sa paggising ng damdaming makabayan upang makamit ang kasarinlan ng ating bansa. Sa bawat pahina ng mga akda ng mga Pilipinong manunulat, mas namumulat tayo sa mga karanasan at kaalaman na lalong nagpapalalim ng ating pagmamahal sa bayan.
Layunin ng advocacy na ito na hikayatin ang mga kabataan na muling yakapin at pahalagahan ang Panitikang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagbabasa, napauunlad natin ang ating kasanayan sa wika at mas napalalalim ang ating pag-unawa sa kasaysayan at kultura ng bansa. Ang panitikang Pilipino ay nagsisilbing tinig ng sambayanang Pilipino ito ay isang paraan upang maipahayag ang ating mga karanasan, saloobin, at kaalaman.
Sa simpleng hakbang tulad ng pagbuklat ng aklat at pagbabasa ng tula, sanaysay, at kuwento, makatutulong tayo sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng Panitikang Pilipino. Huwag nating hayaang mabaon sa limot ang mga akdang sumasalamin sa ating bansa, pagkatao, at kultura. Simulan na natin ang pagbabasa ngayon, sapagkat sa pagbabasa ng mga akdang Pilipino, mas nauunawaan natin ang ating kasaysayan, kultura, at ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino. Sa ganitong paraan, mas lalong tumitibay ang ating pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.