06/08/2017
GRIPO
So eto na po yung na'experience namin ng mga bestfriend ko ...
Second subject po namin yun MATH subject. Nagpaalam yung bestfriend ko sa teacher namin na labas daw kami, may ihahatid lang sa kabilang department, yung isa ko pang bestfriend nagpaalam na lalabas daw sya kase mag c'cr daw sya, tas yun tumayo na kaming dalawa ng bestfriend ko na nagpaalam, sabe ng teacher namin san daw kaming tatlo pupunta di ko na narinig yung iba pa nyang sinabi kase tumakbo na 'ko palabas papunta don sa naunang bestfriend ko na lumabas. So ayun, nagpunta na nga kami sa kabilang department may hinatid. Pabalik na kami sa classroom namin, nauna yung bestfriend kong nagpaalan na mag c'cr pumasok tas ayun narinig namin na, wag daw kami papasukin dalawa ng bestfriend ko pa na naiwan sa labas, tas tinanong pa ng teacher namin kung asan daw kami, tas ayun lumabas sya para sabihin samen na ayaw nga kami papasukin, tas nong pabalik na sya sa classroom ulit para pumasok, pinalabas din sya ng teacher namin ansaya lang kase damay'damay lol so ayun, no choice kami kundi sa CR tumambay ng 1hr tawa lang kami ng tawa sa loob ng CR nag bantay tyaka nagbilang din nalang kami ng mga iihi lumipas ang 50 minutes, nag open ako ng topic. Tinanong ko yung dalawa kong bestfriend kung naniniwala sila na kung may totoong nagpaparamdam sa school, kung naniniwala sila dun sa mga pinagsasasabi ng ibang students tungkol sa CR, habang nagtatanong ako non, naka'upo kami sa sahig tapos yung isa kong bestfriend, naka'talikod sa isang cubicle, tumingin ako sa ilalim ng cubicle, tas nong saktong pagtanong ko nang kung totoo nga ba yung mga yun, biglang tumulo ng malakas yung gripo dali'dali kaming lumabas, sa kasamaang palad, naipit ako sa pinto dun sa may door k**b, kase hinila ng dalawa kong bestfriend yung pinto sa sobrang takot
Ps: Sa loob ng 1hr. pwede namang tumulo yung tubig nong may iba pang umiihi bat sa pagtanong ko bat sa pag uusap pa talaga namen? lol
ysl